After ng Showtime papunta naman sa SM Pampanga sina Karylle, Anne at Vhong para mag-mall tour at magpromote ng movie. Si Vice naman ay hindi nakasama sa kanila dahil may iba siyang appointment.
Gabi na ng makauwi si Karylle sa bahay niya. Nagtext naman siya kay Vice. Hindi na siya tumawag kasi alam niyang nasa trabaho pa ito. Naalala ni Karylle tignan ulit ang bigay na drawing sa kanya ni Vice.
In full description, it was a bouquet of red Roses kaso lang dahil hindi naman painter si Vice, kung titignan para talaga siyang drawing ng isang grade 1. Kahit sa pagkulay hindi pantay-pantay. Hindi rin siya ganoon kalinis pero ang ikinatuwa ni Karylle, despite the imperfection, ay sinubukan pa rin niyang iguhit ito para sa kanya. And what makes it more meaningful ay ang message sa kanya ni Vice na itinago niya kahit sa mga kaibigan nila.
"I can give you the best of the world but not everything around us can precisely define my love for you. Through this, at least I can. I love you, Baby." - signature ni Vice with date.
Simple words that made Karylle smile.
Tinago ni Karylle ang papel na bigay ni Vice sa isang box.
...
Dumating ng bahay si Vice na pagod na pagod. Tahimik siya. Dumiretso na siya sa loob ng kwarto. Sa sobrang pagod, napahiga na siya agad sa kama at nakatulog nang hindi iniinform si Karylle na nakauwi na siya.
Si Karylle naman kahit gusto na rin matulog ay hinihintay niya pa rin si Vice magtext man lang. 12:15 AM na gising pa siya at hindi pa nagpaparamdam ang boyfriend niya kaya naman tinawagan na niya ito. Nakatatlong tawag na si K ay hindi pa rin sumasagot si Vice. Pinilit pa rin niyang maghintay pero hindi niya namamalayang nakatulog na rin siya.
6:30 AM saktong nagising si Karylle. Pagdilat niya tinignan niya ang cellphone niya pero wala pa ring kahit anong text o kahit missed call man si Vice. Sinubukan niya pa ring tumawag pero hindi pa rin ito sumasagot. Sobrang nag-alala na siya. Sinubukan na niyang tawagan si Archie.
Ring.Ring.Ring.Ring.Ring
Archie: Low? *boses ng taong biglang nagising*
Karylle: Hello, Archie. Sorry nagising kita.
Archie: Sino 'to?
Karylle: Si Karylle.
Archie: Ayy Karylle. Bakit ka napatawag?
Karylle: Sorry ha. nagwoworry lang kasi ako. Nakauwi na ba si Vice?
Archie: Oo. Tulog pa 'yon. Napagod si Meme eh.
Karylle: Ahh okay. Salamat. Sorry talaga naistorbo kita sa pagtulog.
Archie: Walang problema.
Karylle: Sige tulog ka na ulit.
Napanatag naman si Karylle kahit papaano.
7...
8...
9...
10...
Wala pa ring paramdam si Vice kay Karylle. Ayaw na niyang tawagan ito. Medyo immature pero medyo naiirita siya sa ganoon na wala man lang paramdam sa kahit anong paraan. Kaysa tuluyan siyang mainis, hinayaan na lang niya. Nagpunta na siya sa Studio.
BINABASA MO ANG
The Irony -=ViceRylle=-
FanficThis is a story of two celebrities who fell in love for some mutual reasons. This story goes on mature and serious genre. A gay who fell for a woman is not as simple as we imagine it. It's complicated but never an impossibility.