Sessionista

35.2K 235 28
                                    

Maingay na nagkakasiyahan ang mga kabarkada ni Vice sa bahay nito habang nag-iinuman at nagvivideoke. Harutan at kwelang chikahan. Nandoon sina Archie, Raffy, Jegs, Jan at Donna. Wala noon si Buern dahil kailangan siya sa bahay nila. Todo birit si Donna ng "Halik" by Aegis nang biglang may pabalibag na nagbukas ng pinto. Nagulat ang lahat...

Vice: Oh di ba totoo naman! Mali ba ko ha? Sabihin mo sa 'kin mali ba 'ko?

Malakas ang boses ni Vice. Mukhang malala ang away nila ni Karylle.

Karylle: Bakit ba laging ganyan ang iniisip mo sa Papa ko?
Vice: sige nga sabihin mo sa 'kin, ano pa bang maiisip ko sa pinapakita niya? Aba, K, harapan na 'yon! Obvious. Di na kailangang pag-isipan pa.
Karylle: ang hirap sa 'yo sarado na 'yang isip mo kay Papa! You don't even give him a chance.

Vice: anong chance? Karylle, ako maayos akong lumalapit diyan sa Tatay mo. Pangalawang beses na niyang pinaparamdam sa akin na di ako pwede sa 'yo! Bakit dahil ba lumaki kang mayaman? O baka dahil bakla ako?

Karylle: sobrang insecure mo naman!
Vice: oo nga eh, buong buhay ko sa Tatay mo lang ako nakakaramdam ng insecurity.
Karylle: anong drama na naman 'yan ha?

Pinatay na ng mga kaibigan ni Vice ang Videoke at isa-isang lumabas pero naiwan sina Donna at Jegs.

Vice: Sige nga ikaw lumagay sa sitwasyon ko, tignan ko lang kung anong mararamdaman mo?
Karylle: alam mo Vice, wala ng pupuntahan 'tong pagtatalo natin na 'to.
Vice: di ba ayaw mo pa ring magpakasal sa akin? Ayaw din ng daddy mo. Huwag na nga lang kaya tayo magpakasal.
Karylle: ako? Ako pang ayaw pakasalan ka?

Vice: totoo naman di ba? Kapag tinatanong kita ng date kung kailan o kung sa'n simbahan mo gusto, di ba umiiwas ka? Kapag sinasabi kong gusto na kitang makasama ang isasagot mo, 'soon.' Para wala na tayong pinag-aawayan, wala na lang kasal kahit kailan. Para tapos na.

Karylle: Vice, hindi pa ba tapos 'yang issue natin? Itong drama ng kasal na 'to? Kasi ako, pakakasalan naman kita eh pero huwag lang naman ngayon. Pero itong inaasal mo, hindi ko maintindihan. Nagagalit ka sa Papa ko, kasi ano? Iniisip niya na di ako bagay sa 'yo? Vice, nag-iisang anak ako ng Papa ko. Iniisip lang niya ako at ang magiging kalagayan ko pag kinasal na tayo. At sana i-consider mo rin na produkto ako ng broken family. Ako nga mismo hindi ko alam kung hanggang mo ko kayang mahalin eh o kung totoo nga bang mahal mo ko? Kasi baka 'tong relasyon natin kasama lang sa trabaho natin, para sumikat ka lalo at magkaroon ng mas maraming projects.

Natigilan si Vice at nasaktan siya sa sinabi ni K. Napaatras siya at napasandal sa sofa.

Nabigla rin si Karylle sa mga huling nasabi niya.

Tumulo ang luha ni Vice.

Lumapit si Karylle pero umiwas si Vice. Lumapit ulit si K para yumakap at mag-sorry pero hinawi siya ni Vice ng kanang braso nito. Napalapit naman sina Donna kasi akala nila magkakasakitan na sila ng pisikal.

Donna: Vice, kalma lang. Tama na.

Hinawakan naman ni Jegs si K.

Naiyak din si Karylle.

Vice: alam mo *napalunok* ang hirap hirap mong mahalin. *naiyak na talaga* nakakapagod 'yong ganito. Alam mo willing akong ibigay sa 'yo lahat... Lahat, K... Kahit buong pagkatao ko isinakripisyo ko na para sa 'yo... Tapos sasabihin mo sa 'kin baka trabaho lang 'to?! Putang ina naman, Karylle! *galit na talaga* career ko nga ang isinugal ko sa pagpapakalalake ko dahil sa'yo! *pinunasan ang mukha* pagod na ko. Kayo ang pare-pareho ng mga jowa kong lalaki noon. Lahat kayo paasa! *tumingin kay K at tumigil ng mga tatlong segundo* Ngayon sasabihin ko sa 'yo nakakasawa ng mahalin ka.

Tumalikod si Vice at iniwan na si K. Pumasok siya sa kwarto nito sabay bagsak ng pinto.

Maya-maya ay tumakbo naman palabas si K. Hinabol siya nina Jegs at Donna.

Jegs: uyy Kurba, teka ipahahatid ka na namin sa driver.
Donna: Karylle, lilipas din naman siguro 'yan di ba.
Jegs: oh kung gusto mo samahan ka na namin kasi baka...

Biglang may napara na taxi si K at bigla na lang sumakay ito. Wala ng nagawa ang mga kaibigan ni Vice.

Archie: anong nangyari?
Raffy: kaloka ang sigawan nila.
Donna: matindi ang away nila ngayon. Baka maghiwalay sila.
Archie at jan: ano?!
Jan: teka bakit?

The Irony -=ViceRylle=-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon