Pagkagising ni Vice kinabukasan, mahimbing pa rin si Karylle na natutulog sa tabi niya. Bigla niyang naalala yung nagawa niya kay K nang gabi na iyon. Nainis siya sa sarili niya. Hindi niya alam kung bakit ba siya umabot sa ganoon. Nakonsensiya siya. Nalungkot. Napahawak siya sa ulo niya at napapikit sabay huminga ng malalim. Nagising naman si Karylle. Kahit nasisilaw, pinilit niyang tignan si Vice.
Karylle: Baby... *boses ng bagong gising*
Lumingon si Vice at tinignan si K ngunit wala itong sinabi.
Karylle: *nahihirapan pang dumilat* okay ka lang ba?
Hindi pa rin sumagot si Vice. Tinignan niya ang mukha ni Karylle pababa sa leeg. Balikat. Dibdib.
Vice: Nasaktan kita kagabi. *malungkot ang tono*
Karylle: Napag-usapan na natin 'yan kagabi di ba?
Vice: *umiling at napabuntong-hininga ulit* kahit na matindi ang naging epekto ng alcohol sa ulo ko, malinaw kong naaalala ang mga nagawa ko sa 'yo. Parang nagahasa na kita, K. *napapikit* Pinagsamantalahan ko ang kahinaan mo at ginagamit ko ang galit ko para magawa ang bagay na 'yon. Masama akong lalaki, Karylle.
Karylle: Please wag mo sabihin 'yan. Ako naman ang nag-udyok sa 'yong umabot sa gano'ng sitwasyon.
Vice: Natatakot ako. Pa'no kung maulit ko sa 'yo ang gano'n? Sumobra ako kagabi, Karylle. Nasaktan kita. Nabastos kita. I'm sorry, Karylle. Hindi ko talaga sinasadya.
Karylle: *huminga ng malalim* May mga bagay kang nasabi at nagawa kagabi, Vice, na hindi mo na naaalala. Kagabi sinundo kita sa bar. Lasing na lasing ka. Hinahawakan kita at inaaya ng umuwi pero ayaw mo. Hindi mo nga ako kilala kagabi.
Nakatingin lang si Vice kay Karylle. Lahat ng sinasabi ni K, walang bakas sa memorya niya. Pinipilit niyang alalahanin 'yon pero di talaga niya maalala.
Karylle: Alam mo sabi mo, hindi ka pwedeng sumama sa ibang babae bukod lang sa ate mo, nanay mo at sa akin. Ilang beses mong sinabi na mahal mo ako. Mahal na mahal. Na nasasaktan ka na. Na nahihirapan ka na. Sa isip at puso mo, naniniwala kang niloloko kita. Hanggang sa umiyak ka. Niyakap kita ng mahigpit. Niyakap mo rin ako. Pero nagsuka ka bigla sa damit ko.
Vice: Nagsuka ako sa damit mo? As in sa 'yo mismo?
Karylle: Vice, may mga bagay na nagagawa ang alcohol na hindi kontrolado ng tao. Nagagawa niyang ilabas ang tunay na emosyon ng isang tao na hindi niya masabi. Nangyayari pa 'yon nang hindi natin nalalaman. *hinawakan ang mukha ni Vice* Maaaring lasing ka pa no'ng mga oras na nasaktan mo 'ko pero alam kong sinadya mong gawin 'yon at hindi basta epekto lang ng alak. Dahil sa lahat ng sakit na nararamdaman mo at sa galit mo sa nagawa ko, mas ginusto mong saktan din ako. But the moment you saw me in pain, you stopped. If you're really a bad guy, kahit pa sumigaw ako sa sakit hindi mo ako papansinin.
Vice: May sense ba 'yang sinasabi mo?
Karylle: You're not perfect, Vice. And I can also hurt you in anyway. Pero sa lahat ng 'yon nararamdaman kong mas mahal mo 'ko.
Vice: Di ka ba worried na baka maulit 'yon?
Karylle: Hindi. Kasi nagtitiwala ako sa 'yo.
BINABASA MO ANG
The Irony -=ViceRylle=-
FanfictionThis is a story of two celebrities who fell in love for some mutual reasons. This story goes on mature and serious genre. A gay who fell for a woman is not as simple as we imagine it. It's complicated but never an impossibility.