Movie

34K 222 24
                                    

For a week puno ulit ang schedule ng love team. Abala si Karylle sa rehearsals and recordings niya. Samantalang si Vice ay taping sa GGV, guestings and other commitments. Kasama na doon siyempre ang social life pa rin nilang dalawa sa labas ng kanilang relasyon.

May naisip gawing movie sina Director Wenn Deramas at Cathy Garcia-Molina sa loveteams ng Showtime. Kaya nag-set sila ng meeting with the producers. Hindi pa man nakakaisip si Direk Wenn ay nakaisip naman na si Direk Cathy ng kwento para sa kanila.


Direk Wenn: so ano naman itong naisip mo, Cathy?
Direk Cathy: maganda siguro kung simulan natin as bakla si Vice at ang boyfriend niya si Vhong.
Direk Wenn: eh teka akala ko ba loveteam nila yung mga girls?
Direk Cathy: patapusin mo muna kasi ako.
Direk Wenn: fine... Continue..

Direk Cathy: si Karylle dito ay isang conservative version ng isang babae. Trabaho-bahay lang. Si Anne ang typical party-goer...

Direk Wenn: that's pretty lame.. Sobrang ganoon na sila in reality, Cathy. What if pagbaliktarin mo sila?

Direk Cathy: kaya ba ni Karylle maging bitchy-type?
Direk Wenn: hoy loko ka, international artist na nga 'yon.
Direk Cathy: ang iniisip ko baka hindi siya maging komportable maging gano'n.
Direk Wenn: o sige wait lang nalayo na tayo sa kwento. Ituloy mo na..

Direk Cathy: oh basta si Vhong kasi isang ordinary dancer lang tapos si Vice isang producer. Bata niya si Vhong, kaso nagkaroon sila ng scandal.....

Direk Wenn: parang di ko bet, ang serious genre na movie..
Direk Cathy: pwede pa rin naman may comedy basta ganoon lang tatakbo ang istorya.

Nag-isip muna si Wenn bago magsalita.

Direk Wenn: okay paano mako-convert itong si Vice at makilala si K?
Direk Cathy: si Anne dapat ang makakauna sa kanya eh...
Direk Wenn: Ano?!! Teka anong makakauna?? May SPG?!

Direk Cathy: gaga! First girl kiss niya... May touch ng konti dapat kasi malalasing sa bar si Vice dahil iniwan siya ni Vhong na kasalukuyang boyfriend din ni Karylle.

Direk Wenn: ayy ang complicated pero bet ko yan ha.

Direk Cathy: hindi alam ni Anne na bakla pala si Vice dahil naka-boy outfit siya nang nalasing sila. They woke up lying on the same bed pero walang nangyari. Maguguluhan si Vice dahil wala siyang maalala. Pupuntahan niya si Vhong pero nahuli niya ito, dating Karylle. Naghiwalay sila...

Direk Wenn: tapos liligawan niya si Karylle para gumanti? Ano yan this guy's in love with you, mare??
Direk Cathy: medyo... Pero ang mangyayari dahil mabait si Karylle, out of the blue, nahulog ang loob ni Vice.
Direk Wenn: tapos sina Vhong at Anne?
Direk Cathy: magkakasama sila sa trabaho..
Direk Wenn: paano eh dancer si Vhong. Ano siya, manager?
Direk Cathy: nagtatrabaho si Anne sa isang talent agency.
Direk Wenn: pwede 'tong kwento mo pero drama kalalabasan niyan. At hindi ko alam kung ayos yan sa mga stars natin.
Direk Cathy: oh well, I guess it's about time for them to evolve and do something different.
Direk Wenn: pweede ba kong mag-suggest ng ibang kwento para sa apat?
Direk Cathy: go.

Direk Wenn: tutal sinabi mo na time na para mag-evolve sila.. Iniisip ko, lalaki na agad si Vice. Isa siyang mayaman at sikat na producer/film director.. Tapos ihahandle niya si Anne sa isang malaking project. Si Anne sobrang pasaway na artista. Outside the showbiz industry kung saan kabilang sina Anne at Vice, si Karylle naman ay nagtatrabaho as ballet dancer/instructor. Si Vhong naman ay isang ordinaryong tao lang na nagtatrabaho as photographer.

Direk Cathy: okay so anong mangyayari?

Direk Wenn: si Vice, darating mula sa US para sa training sa paggawa ng film. Mapapanood niya ang isang palabas ng mga ballet dancers sa PICC... Kung paano ang mangyayari basta doon niya makilala si K na isang ordinaryong tao lang. Si Anne naman, nagkaroon ng sex scandal with an actor din kaya bumagsak ang career niya pero kinuha pa rin siya ni Vice dahil magaling talaga siyang artista. Tapos si Anne makilala niya si Vhong sa party ng isang kaibigan. Guest sa birthday si Anne. And the story goes on.

Direk Cathy: wow parang John Lloyd-Bea lang ha.. Pero maganda yung naisip mo.
Direk Wenn: of course, I'm gifted.




...




Nang matapos ang matagal na pag-uusap ng dalawang director, pinagsama nila ang ideas nila tapos ay nakipag-ccordinate na sila with the writers. A week after magawa ang script, nag-set na sila ng meeting sa mga casts na kukunin nila with the executive producers.


Vice: ayy ang serious ko naman dito, Direk.
Vhong: oo nga baka hindi kami matapos sa shooting kasi matatawa lang kami lagi.
Anne: ako, sobrang okay sa akin 'to kasi... Kakaiba sa atin 'to ha.
Vice: kakaiba talaga! Di ko alam kung makekeri ko 'to..
Karylle: kaya mo 'yan ikaw pa!
Vice: K, drama 'to oh.. Jusko baka sa iyakan pa lang abutin na 'to ng siyam-siyam.
Karylle: oh eh madrama ka naman sa totoong buhay ah hahaha
Vice: ahh nilalaglag mo na naman ako, Ana Karylle ha!
Karylle: bati tayo hahaha.

Direk Cathy: alam mo, Vice, magandang opportunity 'to sa 'yo para maiba naman. Di bale may some scenes pa rin naman na comedy para hindi rin nakakabagot sa viewers. Kayang-kaya mo yan.

Vice: kung maka-push naman kayo. Hello, eh si Direk Wenn sanay na sa akin bilang komedyante. Eh kayo, pang ibang level ng drama ang mga acting skills niyo lalo 'tong si Anne, bumibes aktres. Baka di kayanin ng horse power ko yan.

Vhong: kuys, pumayag ka na... Ito na 'yon oh... Kami na ni Anne dito.
Anne: hoy Vhong, rinig ko yan ha.
Vice: naku, iiskoran ka lang nito! Hahaha.
Karylle: papayag na 'yan, Vhong.. Huwag ka mag-alala.
Vice: siyempre hihindi pa ba ko.. Saka andito si Karylle eh.

Direk Wenn: vicerylle ayieehh... Haha.
Vhong: pati si Direk Wenn fan na rin haha.
Direk Cathy: don't worry Vice, tutulungan ka namin dito.
Vice: haha kayong bahala. Huwag niyo kong sisisihin ha pag di pumatok tong movie.
Anne: ang nega mo, sis! Marami ka kayang fans..
Karylle: atsaka, tayong apat magkakasama dito.
Vice: fine.



...



After i-finalized ang script at schedule ng shooting sa meeting na iyon ay umuwi na ang mga Showtime hosts.

Pumunta muna sa coffee shop sina Vice at K.

Binabasa naman nila ang script.


Vice: jusko, kaya ko ba 'to? Isipin ko pa lang na iaarte ko 'tong mga linya ko nahihiya na ko sa inyo eh.
Karylle: baby, nakaya mo nga sa lenten special natin dati. Makakaya mo rin yan ngayon.

Vice: iba 'yon, baby. Tignan mo nga noon, iyakan scene pa lang natin nahirapan na ko. Kailangan ko pa makinig ng music at magmoment bago mag-take. Paano pa ngayon, masaya na ko?

Karylle: talaga? Masaya ka na?
Vice: oo. Sinubukan ko nga pakinggan ulit 'yong kanta na 'yon dati noong tayo na.. Wala ng epekto sa akin eh.
Karylle: *hinawakan sa balikat si Vice* we're on this together, baby.
Vice: sige practice tayo sa bahay ha. I-woworkshop mo ko hahaha.
Karylle: no problem.


Habang nasa coffee shop binasa na muna ni Vice ang script niya. Lumaki ang mata niya sa isang eksena nilang tatlo nina Anne at K. Medyo nasamid pa siya sa iniinom niyang kape.

Karylle: oh bakit?
Vice: hahalikan ko si Anne?!?
Karylle: huh?
Vice: oh my, baby.. Di ko kaya yon!
Karylle: *tinignan na rin sa script ang sinasabi ni Vice* akala ko ba tayo love team?
Vice: para kasing kami yata muna ni Anne bago tayo... Jusko po! Hahalikan ko si ngangabu.. Ayoko niyan!
Karylle: eh baby, trabaho lang naman 'yon. Atsaka...
Vice: so para sa trabaho okay lang sayo na mapunta ko sa iba?
Karylle: di naman sa ganoon baby. Pero kailangan natin maging open sa mga ganito..
Vice: no way! Di ako hahalik ng ibang babae bukod sa 'yo.

Hindi na nakasagot si Karylle, pero kinilig siya. Sinabayan niya si Vice sa pagbabasa ng script. Natatawa si Karylle sa character doon ng boyfriend niya. Hanggang sa magkalokohan na sila at nautot si Vice ng malakas dahil sa katatawa. Nagtakip na lang ng ilong si K at bigla siyang hinatak ni Vice palabas dahil sa sobrang hiya sa mga taong napatingin.

Paglabas ay tinawanan na ng malakas ni K si Vice. Namumula na siya katatawa. Si Vice di na lang nagsasalita pero natatawa na rin siya sa nangyari.

The Irony -=ViceRylle=-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon