Cinderella

33.9K 285 23
                                    

Vhong: kuys!!!

Tumigil si Vice ng kalalakad ng pabalik-balik at lumingon kay Vhong.

Vhong: nahihilo na ko sa 'yo.
Teddy: ano bang iniisip mo dyan?
Vice: magbibirthday na si K.
Teddy: oh tapos?
Vhong: ahh pinag-iisipan mo kung anong gagawin mo para sa birthday niya?
Vice: hindi! Pinag-iisipan ko kung sa'n ako gagala sa araw na 'yon.
Vhong: eh uminom na lang tayo.
Teddy: sama ko diyan.

Nakaupo sa sofa sina Teddy at Vhong sa studio. Katatapos lang ng Showtime noon.

Vice: inuman haha pwede para malasing si Karylle tapos...
Teddy: hoy!! *sabay bato ng maliit na unan kay Vice* ambastos nito!
Vice: oh bakit para tabi kaming matulog... Ano bang iniisip mo?
Teddy: kilala kita eh.. Dumada-moves ka diyan sa iniisip mo. Ikaw pa!
Vhong: kuys, naka-score ka na kay Karylle no?
Vice: anong score? Anong score sinasabi mo diyan?
Vhong: yung ano... Alam mo na 'yon... Ikaw pa magpapahuli ka ba sa gano'n.
Vice: mga sira ulo kayo, hindi na pwede 'yong mga gano'n, babae na baby ko no?
Vhong: oh mas ayos nga pag babae, vulnerable.
Vice: tumigil nga kayo! Di ako kasing mamanyak niyo!
Teddy: talaga lang ha? Samantalang dati....

Biglang lumapit si Vice kay Teddy para takpan ang bibig nito.

Vhong: hahaha atsaka 'yong sa ano dati... Di ba sa ano pa nga 'yon?
Vice: hoy!!! Mga bwisit kayo! Marinig kayo ng mga tao diyan.. Move on na.
Teddy: hahaha peace man!! Peace!
Vhong: alam mo kuys, kung anong mas kilig mong gagawin?
Vice: kilig?
Vhong: wag masyadong magarbo... Di na uso 'yong date na pormal eh dapat swabe lang.
Teddy: yown, advice from Mr. Suave.
Vhong: alam mo for her special day, treat her with all those simple things na makakapagpasaya sa kanya.
Vice: uyy english 'yon, Vhong ha. Haha.
Teddy: alam mo Vice, ayos 'yong advice nitong si Kuys Vhong eh. Anu-ano bang makakapagpasaya kay K.
Vice: ako!
Teddy: ANO kasi, Vice ang tanong ko, hindi SINO.
Vice: eh ahhh *nag-isip* mahilig 'yon tumakbo, sa mga Fun Run tapos pumasyal at kumain... Mga gano'n. At sa hats. Tama mahilig siya sa hats.
Vhong: 'yon! Gawin mo lahat 'yon sa kanya, tiyak yan matutuwa siya.
Vice: pati 'yong Fun Run? Tatakbo rin ako?
Teddy: hahaha siyempre! magdala ka na lang ng tubig at tangke ng oxygen.
Vice: gusto ko yang pagsuporta mo sa akin teddy ha. Pambwisit.

Pagkauwi ni Vice, inisip niya kung paano ba niya aayusin ang plano niya.
Fun Run.
Salon.
Body Spa.
Pasyal.
Kakain.
Hat.

Vice: pwede ba sa buong araw 'yon? Parang ako ang malolowbatt. *sabi sa sarili* ayy wait, magtitingin pala muna ko ng hats for my baby.

Search sa net ng mga hats.
Browse sa mga online malls.
Hindi siya makapili, marami kasing babagay kay Karylle kaya pumili na lang siya ng sampo at binili na niya lahat 'yon. Hindi na niya tinignan ang price mas inisip pa niya ang tagal ng delivery.

Maya-maya tumawag si K.

Ring.Ring.Ring.
Vice: yes, baby?
Karylle: baby, nandito na ko sa Resorts World ha. Maaga kasi kami pinapapapunta. Uyy, manonood ka ha.
Vice: okay, Baby.
Karylle: ba't parang mas busy ka diyan?
Vice: hindi naman.. May tinitignan lang ako sa interenet.
Karylle: ano naman 'yon?
Vice: secret....
Karylle: aba, secret ka pa. Naglunch ka na?
Vice: opo. Bago mag-showtime kumain ako ng lunch tapos nag-mirienda rin ako bago umuwi.
Karylle: good.
Vice: eh ikaw?
Karylle: I don't skip meals, baby.
Vice: sabi ko nga eh. Uyy, nakatulog ka ba kagabi ng ayos? Tinatawagan kita kaso di mo na sinasagot.
Karylle: ahh oo napagod kasi ako kaya nakatulog ako agad. Sorry hindi na ako nakatext.
Vice: okay lang basta nakapagpahinga ka. Sige na.
Karylle: baby, ano ba talagang ginagawa mo?
Vice: nag-iinternet lang.
Karylle: 'yong totoo.
Vice: hala.. Hawak ko lang talaga ang ipad ko at nag-iinternet. At saka nasa bahay lang ako, baby. Wala akong ibang ginagawa.
Karylle: okay. Text mo na lang ako mamaya ha.
Vice: aalis ka na ba?
Karylle: hindi ka nakikinig sa akin, baby.
Vice: ha?
Karylle: sabi ko nga nandito na ko.
Vice: ahh gano'n ba.. Sorry talaga.
Karylle: hmm.. Sige na nga.
Vice: uyy, galit ka na naman.
Karylle: hindi. Sige na.
Vice: I love you. See you later.
Karylle: I love you more.

Natatawa si Vice kasi nagtatampo na naman si Karylle.

Nang malapit ng mag-5 ng hapon, kumilos na si Vice para magbihis. Hinanda ang susuotin para sa premiere ng Cinderella. Naligo siya. Nag-toothbrush with gargle pa para swabeng pogi. Nagshave. Nagpaayos ng buhok kay Buern. At saka nagbihis ng black printed shirt, gray v-neck sweater na nakabutton ng bahagya at suot niya ang couple necklace nila na Piece of Puzzle at gift din ni Karylle sa kanya na watch. Black leather pants and black casual shoes. Paglabas ng kwarto ni Vice, napatitig ang mga kaibigan niya.

Vice: may multo?
Archie: oh my gulay, tutoy, tinitigasan ako sa 'yo.
Vice: baliw! Buhusan kita ng mainit na tubig diyan eh.
Buern: gwapo mo talaga, tol!
Jegs: tutoy!! You're renovated!
Vice: anong renovated!? Hahaha.
Jegs: oh di mali... hahaha. Pero ang gwapo mo!
Vice: oh siya tama na'ng lokohan. Gogora na ko at may dadaanan pa ko, dapat makita ako ni Kurba bago magsimula ang show.

Paglakad ni Vice, nakatingin lahat ng mga kaibigan niya.

Sumakay naman na sa sasakyan si Vice. Dumaan pa siya sa flower shop at dahil medyo mainit hinubad muna niya ang sweater niya. Sa shop pa lang may ilang babaeng ng nakatitig sa kanya. Balewala lang naman sa kanya 'yon.

Dumiretso na siya sa Resorts World. Pagdating ni Vice sa hallway, pinagkaguluhan siya ng ilang staff na pamilyar sa kanya. May mga kumukuha rin ng picture.nang makita siya ni Sydney napatili ito dahil sa hitsura ni Vice.

Vice: jusko parang si Lee Min Ho naman ang dumating.
Sydney: pogi mo kasi super!
Vice: magtigil... Ahmm si K ba?
Sydney: ayy wait, naka-makeup naman na 'yon. I'll check if you could come in.

Pumasok si Sydney sa loob.

Sydney: K... Nandito na ang Prince charming mo.
Karylle: si Christian ba.. Teka may sasa... *pagtingin niya sa pinto napatigil siya*
Vice: hi..*smile kay K* for you. *inabot ang Bouquet of Iris*

Nakatingin lang si Karylle sa kanya habang inaabot ang bulaklak.

Vice: ahh... Sabi sa 'kin bawal daw ako magtagal dito. Gusto ko lang personal iabot 'to sa 'yo.

Tumayo si K.

Karylle: thank you..
Vice: sige ahmm maghihintay na lang ako sa loob. Break-a-leg!

Lumakad na palabas ng pinto si Vice.

Karylle: ahh Vice..
Vice: hmm? *lingon kay K*
Karylle: ang gwapo mo tonight.
Vice: *kinilig* for my princess *hawak sa chin ni K* and for our happy ever after.

Napangiti si Karylle. Lumabas na si Vice.

Nagkita-kita naman sina Vice, Zsazsa at mga kapatid ni K. Sila rin nagwapuhan kay Vice. Kinulit ni Vice sina Zia at Nicole. Marami ring tumitingin sa kanila lalo na ang mga ilang fans ng Vicerylle.

Zsazsa: mukhang marami ng humahanga sa 'yo, Jose Marie.
Vice: maka-Jose Marie naman. Haha.
Zia: kuya, in fairness kung di tayo magkakilala tititigan talaga kita.
Vice: ayy naku Zia, alam kong mahal mo lang ako.
Zia: No joke, Kuya. You look handsome tonight.
Zsazsa: sang-ayon ako kay Zi, Vice.
Vice: teka maniniwala ako pag si Nicole ang nagsabi.

Tumingin lahat kay Nicole.

Nicole: bagay kasi 'yong outfit mo sa height, complexion mo at pogi ka talaga ngayong gabi.
Zia: oh ano? May objection ka pa? Wala kang tiwala sa 'kin eh.
Vice: oo na *napangiti na talaga* salamat. Natuwa naman ako.

Maya-maya ay nagsimula na ang show. Tahimik ang lahat.
Magaling sina Karylle at Christian. Natutuwa naman si Vice kasi fan din siya ng mga fairy tales.
He once dreamed to be one of the princesses.
Dahil nasa VIP seats sina Vice ay nakikita naman siya ni Karylle from stage at nagititinginan sila. Sina Zia at Nicole naman kinikilig. Mula sa pagiging inaaping Cinderella hanggang mameet niya si Prince Charming hanggang matagpuan ang tunay na may-ari ng sapatos. End of show.

Nagpalakpakan ang mga tao.

Matapos ang show, paalis na ang marami lumabas muna si Karylle para i-meet ang family niya.

Zia: Ate, you're really really great!
Karylle: thanks, Zi. *hug sa kapatid*
Nicole: ate, when I was looking at you on stage, I wanted to shout... 'That's my sister!' So proud of you, sis.
Karylle: that was overwhelming, Sis. Thank you. *hug din sa kapatid*
Zsazsa: ang galing galing mo, K. And you're so adorable.
Karylle: siyempre Ma, mana mo sa 'yo. *nag-hug din*
Zsazsa: I saw your dad kanina. Have you seen him?
Karylle: hindi pa. But she sent me flowers.
Zsazsa: good.
Karylle: I'm so happy na nandito kayong lahat.
Zia: eh si Kuya Vice, nakita mo na?
Karylle: oo. *nagblush*
Zia: ayiieee si ate kinikilig... Ang gwapo niya no?
Zsazsa: binigyan ka ba niya ng flowers?
Karylle: opo.. *nagtago na ng feelings si K.* nasaan po pala siya?
Zsazsa: ahh may nakita kasi siyang kakilala, baka sinamahan lang muna.
Zia: you're coming with us?
Karylle: saan?
Nicole: we're going to eat somewhere.
Karylle: ahmm, I really want to but we're going to have a celebration.
Zia: ahh okay. Next time na lang.
Zsazsa: sa sunday, K ha.
Karylle: sige po, Ma. Pero mamaya sa inyo po muna ako matutulog.

Nagpaalam na sina Zsazsa kay Karylle. Maya-maya naman nakita niya from a far ang daddy niya kaya nilapitan niya ito.

Karylle: Pa?
Sir Modesto: hey, congratusltions! *niyakap ng mahigpit si K*
Karylle: thanks, Pa. I thought you can't come.
Sir Modesto: siyempre surprise.
Karylle: Thanks for the flowers, super touched ako.
Sir Modesto: No'ng nakita ko 'yon alam ko ng magugustuhan mo.

Maya-maya dahan-dahan lumapit si Vice at kahit medyo kinakabahan siya kasi magkakaharap na naman sila ng daddy ni Karylle, ginawa pa rin niyang lumapit.

Vice: good evening po, Sir. *sabay alok ng pakikipagkamay sa daddy ni K*

Napatingin naman ang mag-ama sa kanya.

Sir Modesto: good evening. *formal na pagtugon at pakikipagkamay*

Nakangiti namang nakatingin si K kay Vice.

Vice: Congratulations! *kiss sa cheek ni K*
Karylle: thank you.
Vice: sobrang ganda ng boses mo pati pag-arte at sobrang ganda mo bilang Cinderella.
Karylle: thank you, pati sa ahmm... *napatingin sa daddy niya*
Sir Modesto: sige, anak mauuna na muna ko. Congratulations ulit ha.
Karylle: ahh sige po, Pa. Ingat po kayo sa pagdadrive and text me when you get home okay.
Sir Modesto: okay po.
Vice: goodnight po, Sir.

Ngumiti lang ang daddy ni Karylle.
At dahil wala na ang mga magulang ni Karylle ay hinawakan na ni Vice ang mga kamay nito.

Vice: so.. Solo na kita haha.
Karylle: gusto mo yan eh haha.
Vice: nemen!! Pero baby, ang galing mo talaga kanina. Parang Leah Salonga.. Iba ka pala tignan sa stage, mas maganda atsaka 'yong boses mo ang linis. Nakaka-in-love.
Karylle: thank you.
Vice: saan pala si Christian para ma-congratulate ko rin.
Karylle: busy 'yon, baby. May kasama eh.
Vice: ahh.. So... Ano? Tara na?
Karylle: ayy baby di pala tayo magkakasama ngayon.
Vice: bakit?
Karylle: may celebration kasi kami ng buong team kaya....
Vice: bawal sumama?
Karylle: exclusive...

Medyo nalungkot si Vice.

Karylle: di bale bukas, solo mo na 'ko.
Vice: paano ka uuwi?
Karylle: ahh may driver, si Kuya Jesse. Alam naman niya at kila Mama muna ko matutulog. Bukas na lang ako uuwi sa bahay.
Vice: ahmmm *nag-isip* Pag hatid? Bawal na rin ba?
Karylle: hmmm *hinug si Vice* uwi ka na, baby. Matulog ka na. Bukas... Sa'yong sa 'yo ako.
Vice: kahit sa venue lang?
Karylle: baby, wag ka ng makulit, okay?

Nakatingin lang si Vice kay Karylle.

Vice: sige na. Uuwi na ko. *hinug na lang si K pero malungkot pa rin siya*
Karylle: uyy... Bukas pagkagaling ko sa bahay pupuntahan kita agad.

Humiwalay na si Vice at nag-kiss lang sila cheek-to-cheek.

At dahil pasaway si Jose Marie, chinika niya ang driver ni Karylle. Sinabi naman ng driver kung saan ang venue nila. Pagkaalis nina K sa Resorts World sumunod si Vice pagkatapos ay pinauwi na niya ang driver ni K para siya na lang magsundo dito. Siyempre hindi naman kaya ni Vice ang maburo sa paghihintay kaya naglibot muna siya sa paligid. Paikot-ikot lang siya. Nagsolo flight kumain. Pagbalik ni Vice sa venue saktong patapos naman na yata sila. Naglalabasan na ang ilan niyang mga kasama. Kinuha na rin ni Vice agad ang sasakyan niya. Pagdating niya nakita niyang may tinatawagan si Karylle. Bumaba na siya ng kotse para magpakita sa kanya.

Vice: miss, ako po ba ang hinahanap niyo?

Nagulat si K.

Karylle: teka? Ba't nandito ka pa? Atsaka si Kuya Jesse, nasaan?
Vice: pinauwi ko na.
Karylle: pero Vice...
Vice: gusto lang kitang ihatid, babe. Ayaw mo kasi akong payagan kanina kaya gumawa na lang ako ng paraan.
Karylle: kumain ka na ba?
Vice: opo.
Karylle: kila mama ako uuwi. Nagsabi kasi ako sa kanila kanina.
Vice: okay lang. Gusto lang naman talaga kitang makasama at ihatid.
Karylle: pero baby, hindi naman kita driver. Boyfriend kita. Enough na sa akin ang pagnood mo at 'yong flowers.
Vice: sorry...
Karylle: ang gwapo gwapo mo pa naman ngayong gabi tapos naghintay ka ng matagal sa akin dito.

Napangiti si Vice.

Vice: totoo bang gwapo ko ngayon?
Karylle: sobra. Papogi ka nga ng papogi.

Napangiti si Vice ng husto na may halong kilig. Natawa na si Karylle. Natawa na rin si Vice sa inaasal niya.

Hinatid na ni Vice si K sa bahay ng Mama niya. Umaga na 'yon.

Karylle: tara pasok ka muna.
Vice: ayy hindi na. Makakaistorbo pa ko sa mga natutulog.
Karylle: bakit naman? Magwawala ka ba?
Vice: eh ang ingay ingay ko no..
Karylle: di naman yata sulit 'yong paghihintay mo sa akin.
Vice: sabi mo naman sa 'yo gusto lang kitang ihatid.
Karylle: thank you... Sobrang thank you.
Vice: kota ka na sa pagpapasalamat ha.
Karylle: halika nga dito.

Medyo lumapit si Vice. Tinanggal ni Karylle ang seatbelt niya. Hinalikan niya si Vice passionately.

Karylle: goodnight, my real life Prince Charming.
Vice: goodnight. *kiniss ulit si K ng mabilis*
Karylle: tawagan mo ko pag nakauwi ka na ha.
Vice: yan din sinabi mo sa daddy mo kanina pero bakit sa akin tawag, sa kanya text lang?
Karylle: yung daddy ko kasi mabait at MASUNURIN
Vice: so ako hindi?
Karylle: medyo. *bumaba na ng kotse* bye, Pogi.
Vice: eychu.. bye, sexy..

Hinintay muna ni Vice makapasok ng bahay si Karylle bago ito tuluyang umalis.
Pagdating ni Vice sa bahay niya tumawag siya agad-agad kay Karylle. Nag-usap sila mga 15 minutes pagkatapos ay naligo na si Vice at nagbihis. Pagkahiga niya nagsearch pa ulit siya sa internet para sa birthday ni K. Mag-alas singko na nang makatulog si Vice.

[Sa lahat ng nagbabasa ng The Irony: Sa mga nagcocomments at naglalike... Sa lahat ng mga silent readers at tipong napapadaan lang. Salamat sa inyo! :) Ang chapter ko ngayon medyo nagkapareho yata sa tema ng huling update ni RhodKo na sumulat ng "2013 na Vicerylle." Baka may makaisip kasi na ginaya ko, hindi po. Nagkataon lamang po na nagawa ko na ang kabanatang ito bago ko pa mabasa ang update niya kaya medyo huli ko nang napansin. Posible kasing may mga readers siya na nagbabasa rin ng gawa ko. :) Maraming salamat po ulit.]

to be continued...

The Irony -=ViceRylle=-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon