Appointment

36.1K 205 13
                                    

Mga cellphone cameras na nakatutok sa paligid nina Vice at Karylle. Vicerylle babies sa paligid na malapit ng ma-emergency sa pagwawala sa gilid dahil sa sobrang kilig. Hindi magkamayaw sa pag-aabang ng kiss mula sa phenomenal loveteam. Hindi naman iyon ang unang beses na makikita sa TV na nagdikit ang mga labi nila pero sa tuwing gagawin nila 'yon, nagwawala ang sambayanang Pilipino. Lahat ng VK Babies, nakatutok... Nakaabang at di pa makukuntento 'yan... Manonood pa ng replay yan sa iwantv. :D

Karylle: uyy *bulong kay Vice*


Magkatinginan pa rin sila habang paulit-ulit silang inuudyok na mag-kiss ng mga kapwa hosts at kahit si Direk.


Jugs: kiss na! Kiss!

Anne: ayyy!!!!!


Hinawakan ni Vice si Karylle sa kamay... Binigyan niya ito ng assurance that she will be safe. Nag-usap sila sa mata na sila lang ang nakakaintindi. Dahan-dahan lumapit si Vice. Napapayuko naman si Karylle. Napapahinto si Vice at tinignan niya si K. Alam niya kasing hindi siya komportable kaya naman hinawakan niya muna ito sa mukha at sinabi lang sa labi... "Trust me." Iyon ang mga bagay na hindi nakikita ng lahat na pawang sila lang ang may alam. Pumikit na si Karylle. Lumapit ng dahan-dahan si Vice. Hindi na picture ang ginagawa ng iba, video na sa instagram. Napapalapit na ang mga babies sa stage at may namamaos na kakatili. May naghahampasan na sa studio sa sobrang kilig. Nang malapit na ang labi ni Vice, binulong niya kay Karylle... "I love you." Kaya naman napalapit na rin si Karylle. Pakiramdam nila sila na lang dalawa ang nandoon. Hinawakan ni Vice si K sa bandang bewang at tuluyan na silang nag-kiss.

Pagkadikit na pagkadikit ng labi nila, nagwala na nga ang mga VK babies sa studio. Napatalon na sina Jugs sa sobrang kilig. Kahit ang lahat ng hosts ay naging instant VK fans na rin. Pagkatapos ng kiss ay nakapikit pa rin sina Vice at K at niyakap ni Vice ang kanyang girlfriend to give some comfort... Medyo na-guilty siya sa nangyari kaya naman binulong niya kay K, "i'm sorry." Pero okay lang kay Karylle 'yon dahil sincere ang kiss na 'yon. Simpleng bagay lang na magagawa nila sa lahat ng sumusuporta sa kanila.


Anne: grabe, first time kong sobrang kinilig sa Vicerylle. Iba kayo ngayon ha..

Vhong: ba't naman ngayon lang?

Anne: di kasi in-denial pa rin ako sa transformation nitong si Viceral pero today, na-witness ko ng you're now a man... At i can see na super love mo si K.


Napatingin naman na sina Vice. Humarap na sa camera. Naka-ngiti. Hawak niya pa rin sa bewang si K.


Jericho: Vice, vice... May sasabihin si Direk.

Vice: direk... Direk... *nagmamakaawa* wag niyo po kami isuspende.


Natatawa naman ang mga hosts.


Direk Bobet: hindi... Basta ako na ang manager ng Vicerylle mula ngayon.


Hala lalong nagtilian ang VK babies at natuwa rin sina Jugs, lalo na sina Vice at K.


Hindi pa iyon ang naging ending ng VK prod... During the commercial break nagpapicture sina Vice at K sa mga fans. Nakayakap si Vice sa mula sa likod ni K at katabi nila ang grupo ng mga Vicerylle Babies sa gilid. Maraming shots. Tuwang tuwa naman ang mga babies at lalo na silang kinilig.


Karylle: uyy ate, easy ka lang... Paos ka na. *hawak ni K sa isang fan*

Ate: waahh sobrang nakakakilig po kasi kayo ni Daddy Pogi.


Hala tilian na naman.


Vice: ohh keri lang... Hahaha kakaloka kayo! Teka *lumapit sa babae*


Di pa man nakakalapit si Vice napapatalon na ang babae sa kilig..


Karylle: Vice, pulang-pula na siya.


Inakap ni Vice si Ate at nagpapicture siya kasama si K. Tuwang tuwa naman si ate.







...







Kailangan lagi ng oxygen ang mga VK Babies pag may ganoong eksena haha.

After naman ng Showtime, tuluy-tuloy pa rin ang pag-trend ng prod nila at natatawa na lang sa backstage sina K sa mga pictures nila na lumabas sa twitter at instagram.


Sa Dressing Room:

Karylle: grabe, Vicey, ikamamatay ng mga babies natin ang pagdidikit nating dalawa.

Vice: hahaha... Jusko dapat yata ipa-insure ko na sila hahaha.

Karylle: ang gwapo mo kasing boyfriend...

Vice: ang ganda mo kasing girlfriend...

Karylle: haha, bola! Pero grabe kinilig ako sa ginawa mo... Sa buong prod kahit yong kiss...

Vice: ako rin ayieeeee... *kinilig*

Karylle: *dumikit kay Vice* ang landi mo talaga, baby!!*kurot sa tagiliran*

Vice: hahaha... Araay! Atlis ikaw lang nilalandi ko.

Karylle: di nga??

Vice: ahhh ikaw ha... Hmmm... Naku K... Naku talaga K....

Karylle: ohh enough na... Baka mag-away pa tayo. It's our day.


Maya-maya pumasok na ang Team Vice at kinunan pa sila sabay post sa instagram at twitter.

Kota ang Vicerylle Babies sa araw na 'yon.




...




Gumimik naman ang Team Vice kasama sina Ryan, Anne at Karylle.
Videoke.
Inuman.
Rampa.

Gabi na ng makauwi sila.

Hinatid na ni Vice si K at umuwi na rin siya sa bahay niya.

They had a long day. Nakakapagod pero sobrang saya.

Kinikilig pa rin si Karylle at tinago niya ang isang petal na bigay ni Vice na bulaklak sa kanya as remembrance.

Si vice naman, palihim na tumitingin din sa mga pics nila sa twitter at instagram. Napapangiti rin siya.





...



Dahil Sunday. No work. Rest Day. Hindi niya makakasama si K kasi may agenda siya with friends. Kaya naman gumala rin si Vice with his friends.

Maya-maya biglang tumawag si Karylle sa kanya.


Talking over the phone
Karylle: baby...

Vice: yes, baby...

Karylle: sa'n ka ngayon?

Vice: sa mall lang, with the beks. Bakit?

Karylle: baby, I told dad and mom na kakausapin natin sila. Ngayon na ang appointment sana natin.

Vice: ano??!!!! O.O biglaan naman...

Karylle: so next time na lang?

Vice: ayy waag!! Sige pupunta ko ahhmmmm dinner baby?

Karylle: saan ba?

Vice: ahmmm?? Ako na bahala... Tawagan kita in few minutes ulit.

Karylle: si Nanay Rosario?

Vice: keri ko na yan. Basta tawagan kita ulit.

Karylle: sige.

Vice: sige babye.

Karylle: bye...




...




Vice: oh my gaaad, mga bakla... I need your help!!

Buern: bakit?

Vice: kailangan ko ng instant reservation sa hotel... For a formal dinner.

Buern: para saan?

Vice: kakausapin ko ang parents ni K.

Archie: eh?? Di ba nakausap mo naman na sila?

Buern: teka nga... Anong pag-uusapan niyo?

Vice: basta... Pahanap naman ng reservation at kailangan ko sunduin si Nanay.

Donna: pucha, iba pakiramdam ko diyan ha, Jose Marie.

Archie: magpapakasal na ba kayo ng Kurba mo? *direktang tanong kay Vice*



Napatigil si Vice. Hindi niya alam ang isasagot niya kasi sa lahat naman ng tao, sa mga kaibigan niya siya hindi makakapagsinungaling.



Buern: Vice, seryosong usapan bago ka namin hanapan ng reservation... Sigurado ka na ba?

Vice: wow parang sumagot na ko ha. Pag ba kakausapin ang magulang, ikakasal na?

Team Vice: oo!!!

Vice: okay fine... Oo na. Magsasabi na kami.

Archie: pucha, mag-aasawa ka na pala!

Buern: sigurado ka na ba, Vice? Alam mo Vicerylle fan ako...

Jan: ako rin!

Archie: lalo na ko...

Donna: kaming lahat...

Buern: pero parang mabilis yata yan.

Vice: di pa ko bukas ikakasal, mga bakla. Magpapaalam pa lang kami.

Archie: pero nag-anniversary na ba kayo?

Jan: teka wala pa bang isang taon?

Donna: parang meron naman na... Pero oo nga naghanda ka ba no'n?

Vice: mga timang! Di pa kami nag-aanniversary!

Buern: 'yon pala eh, mag-isip ka muna.

Vice: ayaw niyo ko ikasal no?

Archie: medyo... Baka mawalan na kami ng trabaho eh hahaha.

Vice: pababayaanko ba naman kayo? Haha.

Donna: may point si Buern, Jose Marie. Pinag-isipan mo na ba 'yan?

Vice: oo naman. Maraming beses na at sigurado na 'ko. Kaya lang ha, sikreto muna 'to kasi ayokong maging issue sa trabaho namin. *tingin sa relo* Wala na kong time, mga bakla, kaya ipareserve niyo na ko ha. Chaka na ang the buzz interview niyo sa 'kin.

Donna: sige ako na gagawa niyan.


Hindi pa rin makapaniwala ang Team Vice pero hinanapan na nila ng reservation ang kaibigan nila.

Nakahanap naman agad si Donna ng reservation kaya agad tinawagan ni Vice si K para ibigay ang detalye. Umuwi na si Vice pero nagpaiwan na lang ang mga kaibigan niya. Nagbihis si Vice at tinawagan ang Nanay niya para sabihan na may pupuntahan sila kaya susunduin niya ito. Samantala, biglang kinabahan si Vice sa mga mangyayari.

Naka-semi formal outfit naman si Jose Marie (with Dark blue polo na medyo fitted and black pants) at ganoon din ang Nanay niya. Maaga silang dumating sa hotel. On the way naman na sina K at Zsazsa at papunta na rin ang Papa niya. Nag-order na si Vice para pagdating nina Karylle ay handa na ang pagkain.

Maya-maya dumating na sina K. Beso-beso. Kwentuhan. Pagkatapos ay sumunod na rin na dumating ang Papa ni Karylle na lalong nagpakaba kay Vice. Kumain muna sila. Kwentuhan ulit. Hinahawakan ng mahigpit si Karylle sa kamay sa ilalim ng mesa at naramdaman ni Karylle ang kaba ni Vice kaya naman hinawakan niya rin ito ng mahigpit.

Vice: ahmm... Tito, tita... *tingin kina Zsazsa at Modesto* nanay... *lingon kay Nanay Rosario* siguro nagtataka kayo kung bakit tayo nandito po. Gusto sana namin ipaalam na may plano na po kaming magpakasal ni Karylle. *tingin kay K*

Walang reaksyon ang mga magulang nila.

Karylla: mama? Papa?

Zsazsa: ahh Vice, actually noong sinabihan ako nitong si K na mag-uusap nga tayo dito... Nagkakutob na 'ko na baka ito ang sasabihin mo.

Nanay Rosario: tutoy, alam ko hindi na kayo mga bata ni Karylle kaya sigurado naman akong napag-isipan niyo na 'yan.

Zsazsa: kailan ba ang plano niyo?

Karylle: wala pang definite plans, Ma. Gusto lang ni Vice, ipaalam sa inyo that we're getting married.

Zsazsa: i see. I appreciate that, Vice.


Napansin naman ni Vice na hindi nagre-react ang daddy ni K.


Modesto: Palagay ko masyado kayong nagmamadali. *uminom ng juice* kailan lang naman noong naging kayo tapos wala pang isang taon magpapakasal na kayo.

Karylle: *tumingin kay Vice* Papa, di pa naman po ngayong taon kung sakali kasi marami pa rin po kaming projects.

Modesto: and so what is this all about?

Vice: ahh... Sir, nabasi po ni Karylle na sabihin lang po namin ito sa inyo kung may definite plans na kami for the wedding pero ininsist ko na sabihin na habang maaga pa. Sir, Ms.Zsazsa... Nay... Hindi po naging madali ang mga napagdaanan namin ni K bago pa man maging kami. Marami rin kaming naging issues sa isa't isa but still we manage to end up as good as this. Sir, I sincerely love your daughter. At wala po sa bilis o tagal ng pagiging mag-boyfriend namin ang basehan para magpakasal kami. Sigurado po ako sa anak ninyo.

Zsazsa: Vice, it's not that I want you for my daughter pero siguro kahit isang taon pa o dalawa... Kasi ang buhay ng may asawa at pamliya ay hindi madali. Alam mo naman nasa Showbiz pa tayo.

Karylle: ma, baka nga po lumampas pa sa 2 years 'yong wedding.

Nanay Rosario: mawalang galang na po ano...


Napatingin lahat kay Nanay Rosario.


Nanay Rosario: naiintindihan ko po ang iniisip niyo tungkol sa anak ko lalo pa nga at kailan lang naman sila naging magnobya nitong si Tutoy.... *tinignan siya ni Vice sa pagtawag sa kanya ng Tutoy* kaya lang kahit siguro di naman siya lumaki sa perpektong pamilya, nakita naman niya sa amin ng tatay niya ang kahalagahan ng pagmamahalan sa mag-asawa. Kilala ko ang anak ko, at ng sinabi niya sa akin noon na umiibig na siya sa isang babae... Totoo na 'yon dahil alam naman nating lahat na binabae siya noon at nabago na nga lang siya ni Karylle ngayon. Kaya nga lubos din akong nagpapasalamat sa anak ninyo kasi minahal din niya ang anak ko.


Hindi nakasagot ang mga magulang ni Karylle. Nahiya na rin naman si K.

Hindi maayos ang pakiramdam ni Vice pagkatapos ng dinner na iyon. Natapos 'yon ng pormal na ang lahat. Sumama muna si K pauwi sa Mama niya. Umuwi na rin si Sir Modesto. Hinatid na ni Vice ang Nanay niya. Umuwi siya mag-isa na wala sa mood.





...





Pagdating niya sa bahay, nasa sala ang mga kaibigan niyang bakla. Nag-aya siyang uminom kaya naman dali-daling naghanda ng inumin ang mga bakla.


Jan: hopia ka? *tanong kay Vice*

Vice: bakit naman?

Jan: naku, kahit pa ikaw na si Tutoy... Kilalang kilala ka na namin.

Archie: anong nangyari, Jose Marie?

Vice: di talaga ko feel ng tatay ni K.

Donna: sinabi niya?

Vice: ramdam ko *sabay lagok mg beer* di man niya direktang sinabi pero... *masama talaga loob niya*

Donna: alam mo nabigla lang 'yon.

Archie: oo nga chaka, Meme... Nag-iisang anak nila si Karylle. Kaya protective sila.

Vice: mas mahirap pa 'to kesa sa mga naging jowa ko dati. Ang komplikado.

Jan: malamang! Babae na chinupa mo eh komplikado talaga 'yan.

Vice: chupa ka diyan! *sabay bato ng unan kay Jan*

Jan: hmmm... Ikaw pa ba magdedeny na di pa kayo nag-ano ng gelpren mo? Tigilan mo nga ako hahaha.

Vice: gago!! Mahal ko si K.

Donna: eh teka, ano bang plano mo at parang gusto ko ng magpakasal?

Vice: *humiga sa sofa* gusto ko lang makasama si K. Makatabi ko matulog. Unang babaeng makikita ko sa pag gising ko. Magkakaanak kami. Magkakaapo. Hanggang pagtanda siya lang gusto kong kasama. Pero imposible ba talaga 'yon? *may biglang tumulong luha sa mata ni Vice na ikinahiya niyang makita ng mga kaibigan niya.*

Archie: ayy pucha iba na talaga 'to *nilapitan si Vice at hinawakan sa balikat*


Lumapit na rin sina Jan at Donna at yumakap kay Vice.

Swerte rin si Vice sa mga kaibigan niya kahit parang puro lang sila landian at kalokohan... Kahit parang puro lang sila harutan at tawanan... Sa oras ng dramahan magkakasama pa rin sila.


Nag-aalala naman si K kasi hindi sumasagot si Vice sa mga tawag at text niya. Alam niyang may problema sila.

Mga 2 am na ng pumasok sa kwarto si Vice. Humiga. May tama na siya ng kalasingan pero nalulungkot pa rin siya kaya tinawagan na niya si Karylle.



...




Karylle: babe..... *malungkot din* sa'n ka galing? Kanina pa kita gustong makausap eh.

Vice: dito lang naman ako sa bahay *tipsy*

Karylle: lasing ka?

Vice: medyo....

Karylle: bakit?

Vice: nagkainuman lang kami ng mga bakla.

Karylle: baby... Usap tayo.

Vice: ng?

Karylle: sa atin..

Vice: baby, nalulungkot ako.

Karylle: i know. Anong gusto mong gawin ko para mawala ang lungkot mo?

Vice: wala...

Karylle: baby.... Puntahan na lang kita.

Vice: di na, baby... Okay na sa akin makausap kita. Sige tulog na tayo... Sobrang late na rin. Pahinga ka na.

Karylle: teka....

Vice: bakit?

Karylle: baby, pakakasalan kita kahit anong mangyari tandaan mo 'yan. Kahit tayong dalawa lang ang humarap sa altar... Mahal kita. And I want to spend the rest of my life with you.

Vice: *naluha* baby naman eh...

Karylle: uyyyy.... Bakit?

Vice: naluha na naman ako...

Karylle: umiyak ka?

Vice: sleep na tayo.

Karylle: ayaw mo na ko kausap.

Vice: hindi naman.. Inaantok na lang talaga ko.

Karylle: baby, wag ka na malungkot. Di naman ako mawawala sa 'yo.

Vice: baby, inaantok na lang talaga ko.

Karylle: o sige. Kita na lang tayo bukas ha.

Vice: sige sa Showtime.

Karylle: at babe, isasama pala kita.

Vice: saan?

Karylle: sa birthday ng friend ko. I told them na rin na baka isama kita.

Vice: okay..

Karylle: sige Goodnight. Love you.

Vice: love you.



Binaba ang phone.
Ang totoo hindi pa inaantok si Vice, ayaw niya lang munang pag-usapan ang problema nila. Wala na siya sa mood.




...




Kinabukasan hindi nakapasok si Vice dahil sobrang late na siya nagising.
Nalungkot na rin si K pero hindi naman siya nag-alala kasi magkikita naman sila for the party.
Kaso lang hindi rin makakasama si Vice.

Bakit kaya?






To be continued....


The Irony -=ViceRylle=-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon