Simula no'ng malaman ni Karylle ang nangyari sa kanila ng baby niya naging tahimik siya. Nandoon pa rin naman na nakikisama siya sa mga tao sa paligid niya pero halata mong malungkot siya. Hanggang sa makalabas siya ng ospital, parang lagi na siyang may malalim na iniisip. Natutulala. Normal naman ang pakikitungo niya sa iba. Sa kaibigan. Sa pamilya niya. Puwera lang kay Vice na tila iniiwasan niya. Kinausap na rin ni Vice ang manager ni Karylle tungkol sa nangyari at nakiusap ito para bigyan ng short leave si K. Alam na rin ng mga kasama nila sa Showtime ang nangyari kaya pinagpahinga na rin ni Direk Bobet at ng officers ng programa si K kaya. May problema man, the show must go on.
Halos mag-aapat na araw ng malamig si Karylle kay Vice. Sa hindi maipaliwanag na dahilan naiilang si K sa tuwing nasa harap o nasa tabi niya ang asawa niya. May oras na hindi na rin maunawaan ni Vice si Karylle pero dahil malinaw naman sa kanya ang maaaring epekto ng nangyari sa baby sana nila ay pinipilit pa rin niyang unahin ang mahal niya kaysa sa kung anuman ang nararamdaman niya.
Wednesday. Whole day ang schedule ni Vice. Pagkagising niya, nakahanda na lahat ng isusuot niya para sa buong araw. Tulog pa naman noon si K sa tabi niya. Napangiti siya kahit na di niya feel ang mga piniling outfit para sa kanya ni K, natuwa pa rin siya dahil mukhang bumubuti na ang mahal niya. Pagkalabas niya ng kwarto may nakahanda na rin na almusal para sa kaknila. Hindi alam ni Vice kung anong oras ba nagising ang asawa niya para gawin lahat ng 'yon. Kaya good mood siya nang pumasok.
During break...
Vice: Karylle, salamat sa hinanda mo kanina.
Karylle: Wala 'yon. Dapat naman talaga ginagawa ko 'yon para sa 'yo di ba?
Vice: *napangiti* Masaya ko kasi okay ka na ulit.
Hindi sumagot si Karylle.
Vice: Ahh... uuwi muna pala ko diyan after ng show bago kami mag-taping.
Karylle: Bakit?
Vice: Gusto ko lang makita ka. At saka... *umisip ng sasabihing dahilan* para bilan ka ng pagkain.
Karylle: Wag na. Okay lang naman ako. Hihintayin na lang kitang umuwi.
Vice: O sige. I love you, K.
Karylle: Sige. Ingat ka at 'wag mong kakalimutang kumain.
Vice: Okay. *naglalambing* Namimiss na kita.
Hindi sumagot si Karylle. Sa kabilang linya. Hinayaan na lang ni Vice na hindi sumagot si K.
Buong araw ang trabaho ni Vice. Pagkatapos kasi ng Showtime 2 oras lang na break at magsisimula naman na ang taping niya para sa GGV. Buong araw nagpepretend na okay siya at masaya dahil ganoon ang trabaho niya. Kailangan niyang ipakitang matatag siya dahil hindi niya magagawang makapagpasaya ng iba kung siya mismo ay malungkot.
During short breaks, tinetext niya si Karylle pero hindi nagpaparamdam ito.
Halos 9 pm na ng makaalis si Vice sa studio pauwi sa bahay. Kahit pagod at drained na, excited pa rin siyang makita at makasama si Karylle. Pagkauwi niya, nadatnan niya sa sala sina Donna at Jan na nanonod ng TV.
Donna: Hi, Meme.
Vice: Si Karylle?
BINABASA MO ANG
The Irony -=ViceRylle=-
FanfictionThis is a story of two celebrities who fell in love for some mutual reasons. This story goes on mature and serious genre. A gay who fell for a woman is not as simple as we imagine it. It's complicated but never an impossibility.