Moving On

36.2K 221 5
                                    

Pagkauwi ni Karylle sa bahay niya, umiyak siya sa loob ng kwarto. Tripleng sakit ang nararamdaman niya. Napaupo na lamang siya sa likod ng pinto. Tinatawagan siya ni Vice pero hindi na muna niya ito sinasagot.

Maya-maya ay pinilit na niya pakalmahin ang sarili niya. Nag-shower na muna siya para kahit kaunti ay ma-refresh siya. Wala na muna siyang kinausap buong gabi. Nagkulong lang muna siya sa kwarto dahil pakiramdam niya mas madali siyang makaka-move on kapag mas dinama lang niya ang sakit ng mag-isa.

Kinabukasan, maagang gumising si Karylle. Naisip niyang tumakbo para makapagpalipas ng stress at lungkot.

Tumakbo siya...

1 km...

2 km...

3 km...

.

.

.

10.2 km...

Hindi na niya kinayang humigit pa do'n. Pagkauwi niya medyo gumaan naman kahit paano ang pakiramdam niya. At dahil maaga pa naman, naisip pa niyang magyoga.

Yoga for an hour.

Nang makauwi si Karylle, mas okay na siya. Natignan na niya ang cellphone niya. Ang daming text messages. Marami ring missed calls. 'yong ibang messages nireplyan niya, the rest hindi na.

Nag-shower na siya at nagbihis. Sa paghahanap niya ng isusuot, nakita niya ang couple shirt nila ni Vice, natigilan siya. Huminga na lang siya ng malalim at tinuloy ng magbihis. Kumuha na lang siya ng simple top and shorts tapos ordinary shoes. Nagtali na lang siya ng buhok. Light make-up then done.

...

Wala ng bakas ng lungkot sa mukha ni Karylle pagkadating niya sa Studio. Ang hindi lang siya sigurado kung hindi na ba siya maaapektuhan pag nakita niya si Vice.

Pumasok si K sa dressing room. Nando'n naman sa loob si Anne at Colleen.

Anne: Wow, K, fresh na fresh ang look mo ha.

Karylle: *napangiti* bagong ligo lang.

Colleen: Ganyan ba epekto sa 'yo ni Kuya Vice?

Hindi na nagsalita si K, smile na lang.

Anne: Kamusta pala si Vice kahapon?

Karylle: Malungkot pa rin siya, Anne.

Anne: Duda ko matatagalan bago makarecover si Vice. Di kasi siya nag-oopen eh.

Hindi na lang ulit nag-react si K.

Maya-maya may kumatok sa dressing room. Si Vice.

Vice: *silip sa pinto* pwedeng pumasok?

Anne: Aba himala nagpaalam ka ha, sis. Pasok na.

Hindi muna tumitingin si Karylle.

Lumapit naman agad si Vice kay Karylle at niyakap ito from behind sa bewang. Nalungkot silang dalawa. Naging sensitive naman sina Anne at Colleen. Lumabas muna sila.

Vice: Sorry, K... Alam ko nasaktan kita. I'm so sorry...

Napayuko si Karylle. Naging weak ulit siya. Hindi niya mapigilan maluha.

Karylle: Naiintindihan kita, Vice. *tear fell*

Humarap si Vice kay Karylle.Pinunasan niya ang luha na sa pisngi ni K.

Vice: Ayaw kong mawala ka sa buhay ko...

Karylle: Kung ayaw mo kong mawala, bakit mo ko iiwan?

Vice: *napayuko* dahil pag nagpatuloy tayo na ganito ako, mas masasaktan lang kita.

Karylle: *inangat ang mukha ni Vice* mahal mo pa ba ko? *malungkot na tanong*

Vice: sobra... *naiyak si Vice* kaya lang Karylle, nahihirapan talaga ko. Nahihirapan ako tanggapin na wala na ang Lolo ko kasi mahal na mahal ko 'yon eh. Kaya humihingi ako ng panahon... Gusto ko kasing ayusin ko muna 'to ng mag-isa. I'm so sorry... *nagtakip na ng mukha kasi sobra na siyang naiyak*

Niyakap ni Karylle si Vice. Napayakap naman ng sobrang higpit si Vice.

Karylle: maghihintay ako, Vice. Hihintayin kita hanggang dumating 'yong time na okay ka na ulit.

Vice: *tumingin sa mata ni K* Salamat. K, salamat.

Hindi na nakatiis si K at hinalikan niya si Vice sa labi. Hindi na rin naman umalma si Vice dahil parang kailangan niya rin naman iyon.

Pagkatapos ay ngumiti sila sa isa't isa. Pinunasan ni Karylle ang mukha ni Vice.

Nag-ayos na sila at natawa si Vice sa hitsura niya 'nong tumingin siya sa salamin.

Vice: Ampanget ko, K oh... Pati mata ko parang sinumpa. *hawak sa pisngi, punas sa mata na namumugto*

Karylle: Amin na, ako na magmemake-up sa 'yo.

Vice: Sure ka?

Karylle: Ang arte.. Upo ka na diyan. *kuha ng make-up at nilagay sa table*

Tumingin si Vice sa mga gamit ni Karylle.

Vice: Ayy ang sosyal ng mga make-up ohh... *tingin-tingin sa mga make-up. Kinalat na lahat.*

Karylle: Vice! >.< wag mo kayang ikalat yan. *pina-steady lang si Vice sa kinauupuan niya.* Naglilikot ka na naman.

Vice: Eh K, kakapit ba yan sa balat ko... kasi parang sa pang mayayamang balat lang 'tong make-up mo.

Karylle: pumikit ka na lang Vice. *brush brush ng powder sa mukha ni Vice*

Maya-maya ay pumasok na si Anne at natutuwa naman siyang makita si Vice na medyo okay na ulit. Nagkwentuhan sila at nagtatawanan na pero hindi na sinabi ng dalawa ang tunay na lagay ng realsyon nila.

After few minutes:

It's Showtime. 

The Irony -=ViceRylle=-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon