21. Space?!/Mahal nya ako?!

212 7 0
                                    

Dedicated to @FayeHemmingsparas.

Thanx sa pagbasa.

=============

Kath's POV

Nakakabingi yung katahimikan dito sa bahay!

Nandito kasi si Deejay sa bahay. Sabi daw kasi ni Mama na bantayan at samahan daw ako dito sa bahay.

Eh sanay na ako na walang kasama tapos ngayon pa nila naisipang humanap ng magbabantay at sasama sa akin dito. Tss. Aminin ko man o hindi, hindi ko talaga maikakaila na engot din 'tong mga magulang ko.

Pero ang AWKWARD!!! Nagdi-dinner na kasi kami ni Deejay, as in kami lang dalawa.

Ngayon ko lang na-realize na ang sungit ko pala. Hindi lang yalaga ako maka-get over sa mga sinabi nya.

"Mahal na yata kita?,"

"H-huh?,"

"Sabi ko, mahal na yata kita ,"

"Mahal na yata kita?,"

"H-huh?,"

"Sabi ko, mahal na yata kita ,"

Aaaarrrrgggghhhh! Bait kailangang ulit ulitin!? Naiinis na ako sa utak na 'to! Kung hindi ko lang sya kailangan, naku! Itatapon ko 'to sa bunganga ng bulkan.

Hindi ko na talaga kaya magsasalit na ako.

"Deejay,"/"Kath," puta bakit nagsabay pa kami.

"Sorry," sabay ulit kami. Bakit ba ganito lagi.

"Sige ikaw na mauna." Sabay ulit kami. Naku nanghihinala na ako sayo tadhana ah.

Natawa nalang kami pareho.

"Ikaw nalang ang mauna." Sabi nya sa akin. Hayy, kahit ganito pala gentleman padin sya.

Ngumiti ako sa kanya bago nagsalita. "Sorry. Sorry kasi nasungitan kita kanina. Sorry kasi ang OA ng naging reaction ko kagabi. Sorr——" bago pa matuloy ang sasabihin ko, he cutted me off.

"Shhhh. It's okay. Sorry din. Siguro nga masyado lang akong mabilis." Tama baka kailangan nyang mag-isip. Baka kailangan nyang siguraduhin yung feelings nya. Baka kailangan nya ng space?! Siguro nga kailangan nya talaga.

"Maybe, y-you really n-need s-space?." My ghad! Bakit nauutal ako. Space lang yan Kath. Sya parin mapapangasawa mo.

"W-what d-do you m-mean??" Kahit hindi nya sabihin, halata sa mga mata nya ang kaba.

"Baka kailangan ko munang magbakasyon. Para makapag-isip ka." Parang naiiyak na ako. Pero kailangang pigilan.

"Hindi naman kailangang ganito eh. Kath naman, pag-usapan nalang natin. Wag lang ganito." Sh-t! Wag kang iiyak. Baka manghina ako.

"Pero kailangan. Don't worry, 1 week lang naman eh. Babalik naman ako eh. Ako parin naman yung mapapakasalan mo......." Huminto ako saglit. Nakayuko na sya. Sh-t! Alam ko naman na pinipigilan nya lang yung luha nya eh. Wag sa harap ko please. "...... May babalikan pa naman ako diba? Na gaya parin ng sabi mo na 'ako lang' kahit alam kong hindi naman totoo." Hindi ko namamalayan na tumulo na pala yung mga luha ko. "Ngayon na yung alis ko. Wag mo na akong hanapin. Babalik naman ako eh. Babalikan namab kita." Then, umakyat na ako sa kwarto ko.

Parang ayaw ko nang umalis. Natatakot ako na baka wala na akong balikan. Na baka sa space na binigay ko sa kanya, ma-realize nya na mali pala. Na hindi nya pala ako mahal, na nagkamali lang sya.

Pero kailangan, kailangang kailangan, kahit na mahirap.

Naka-empake na ako ng mga gamit ko.

>//:

Pagkabukas ko ng pintuan. I saw him.

"Kath, please. Wag ka ng umalis." Pagpupumilit nya. Nakaluhod sya sa harap ko ngayon at parang di ko na kayang makita syang ganyan. Konti nlng talaga at bibigay na ako.

"Deejay kailangan." Yun lang nasabi ko. Naluluha na ko pero kailangang pigilan.

"Please, Kath" tumingin nalang ako sa malayo para hindi ko sya makita. Konting ganito lang bibigay na ako. Ganun na ba ako ka-inlove sa kanya?

Itinayo ko sya and I cupped his face.

"Sabihin mo sa akin na mahal mo ako. Yung walang pag-aalinlangan. Yung walang yata. Yung sigurado ka."

============

Daniel's POV

Napatayo ako ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto ni Kath at may dala na syang maleta

"Kath, please. Wag ka ng umalis." Pagpupumilit ko sa kanya at lumuhod. Nakita ko ang awa sa mga mata ni Kath.

"Deejay kailangan." Nakita ko na nang-gigilid na yung luha nya pero pinipigilan nya.

"Please, Kath" sabi ko. Itinayo nya ako at hinawakan ang mukha ko gamit ang dalawa nyang kamay.

"Sabihin mo sa akin na mahal mo ako. Yung walang pag-aalinlangan. Yung walang yata. Yung sigurado ka." Natulala ako sa sinabi nya.

Pero, bakit hindi ko kaya. Hindi pa ko sigurado. Hindi ko kayang sabihin sa kanya na mahal ko na sya kung hindi ko pa sigurado.

Napayuko nalang ako dahil hindi ko alam ang isasagot ko.

"Diba hindi mo kaya..." Dun ko na sya nakitan umiyak. "..... Hindi mo kaya kasi di kapa sigurado."

Pinunasan ko ang luha nya gamit ang daliri ko pero tuloy tuloy parin sa pag-agos ang luha nya.

"Kailangan kong gawin 'to Deejay." Sabi nya.

"Please, hindi ko kaya." Malapit na akong umiyak. Weakness ko ang mga babaeng malalapit sa akin.

"Kailangan kayanin. Sa tingin mo ako kaya ko?! Hindi Deejay, hindi ko kaya, pero kailangan. Para sa atin. Kakayanin ko kasi mahal kita." Natulala ako sa sinabi nya. Humagulgol na sya sa iyak at tuluyan ng lumabas ng bahay nila.

Mahal nya ako?! Sh-t ka Daniel. Ang tanga tanga mo. Ang manhid manhid mo. Di mo manlang napansin!

"Ahhhhhh!!" Sigaw ko at umupo sa harap ng kwarto ni Kath.

Gusto kong iuntog ng malakas yung ulo ko dahil sa katangahan.

Di ko kayang wala sya, pero kailangan. Kailangan kong malaman kung ano ang totoo. Para kay Kath.

==========

Yan na oh. Mahirap pero kailangan. Hehe.

Comment.
Vote.

ComVo.

Fall inlove with my bestfriend's boyfriend [Kathniel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon