Dedicated sayo 'to @KathNiel525_26.Thanks sayo na nagcomment. Mwa
=========
Daniel's POVIts been almost 7 years since that accident. Sa apat na taon na yun, hindi ko na naramdaman na naging buo ako. Feeling ko laging may kulang.
Pero ano? O sino? Sino pa nga ba?
Nakatitig ako sa mukha ng anak ko. 'Anak ko ba talaga 'to?' . Napabuntong hininga nalang ako sa naisip ko.
"Daddy!! Daddy! Love mo ba si mommy?" Nanlaki ang mata ko sa gulat ng itanong sa akin yun ni Ken; anak ko. Anak namin ni Zharm.
"O-oo n-naman anak." Pagsisinungaling ko. Never ko pang naramdaman sa iba ang naramdaman ko kay Kath. Walang pumalit sa kanya at never kong maiisipang palitan siya.
"Bakit hindi mo po nikikiss si mommy?"
"A-ah. Kabata mo pa yan na agad ang nasa isip mo." Sabi ko at agad napatingin sa babaeng pababa sa hagdan. Ang ina ng anak ko.
"Mommy kiss kayo ni Daddy!" Nagkatinginan kami ni Zharm at agad siyang lumapit sa akin para halikan ako sa pisngi.
"O ayan na baby ah. Kiniss ko na si Daddy." Zharm.
"Pero mommy, dapat po sa lips." Napayuko nalang si Zharm na parang nahihiya na sa pinagsasabi ng anak namin. Alam nya. Alam niya na mahal ko parin si Kath. Alam niya na sa tagal na pagsasama namin ay si Kath parin ang nasa puso ko.
"Isa lang baby ah." At tumango nalang si Ken.
Lumapit ako kay Zharm at yumuko ako ng konti para magpantay na ang mukha naming dalawa. First time ko iong gagawin sa kanya. First time ko siyang ikikiss. Hinawakan ko ang dalawa niyang pisngi at dahan dahang inilapit ang mukha ko sa kanya. Sobrang lapit na ng mukha namin sa isa't-isa. Ram dam ko na ang mainit na hininga niya. Pero bago namin magawa yun, bigla nalang.....
"Bestfri----ooops. Sorry. Wrong timing. Hehe." Napatingin ako sa pumasok. Nanlaki ang mata ko sa gulat ng makita ko kung sino yun.
Nakaramdam ako ng pagbuo ng tubig sa gilid ng mata ko. Hindi na normal ang pagibok ng puso ko. Isang tao lang ang nakapagpapatibok sa puso ko ng gan'to. Nakaramdam ako ng kirot, nakaramdam ako ng sakit. Sa loob ng mahabang panahon, nakita ko ulit siya.
Nakita kong napatingin sa akin si Zharm. Pero hindi ko na mapipigilan ang pagtulo ng luha ko, kaya bago pa tumulo ito ay agad na akong umakyat sa taas.
Third Person's POV
"Anyare sa asawa mo?" Tanong ni Kath sa bestfriend niya.
"A-ahh. Baka sumama lang yung pakiramdam." Sagot nit na halata mong hindi nagsasabi ng totoo."Kailan ka pa umuwi?" Tanong niya para maiba ang topic.
"Kahapon lang." Sagot niya habang nilalaro ang bata.
Napahaba rin ang usapan nila hanggang sa nagpaalam nang umuwi si Kath.
×//_
Nasa parking lot si Kath sa shool na minamanage niya. Yung school kung saan sila nagtapos ng pagaaral.
Sa kabilang banda ay papunta na rin si Daniel sa parking lot. Pumunta siya dito dahil tinawagan siya ng kanyang mama na may pinahatid sa kanya na nakalagay sa paper bag.
Natanaw niya ang isang babae na papapunta sa kanyang sasakyan. Agad na bumilis ang tibok ng puso niya. Nagka-set na yata ang puso niya na tumibok ng ganun kapag nakikita ang kanyang pinakamamahal.
Tumakbo siya palapit sa dalaga at tinawag ito. "Kath!"
Napalingon ang dalaga sa nagtawag sa kanya at nakita niya an asawa ng kanyang kaibigan.
"D-daniel. Oh anong ginagawa mo dito?" Tanong ng dalaga sa kanya. Tila nadurog ang puso niya dahil sa narinig. 'Dati rati lang, Deejay ang tawag niya sa akin.' Sabi nito sa isip nito.
Walang pagaalinlangang hinalikan ni Daniel si Kath. Nagsimula ng gumalaw ang mga labi ni Daniel. At bakas sa mukha ni Kath na gulat na gulat sa mga nangyayare.
Hindi nagtagal ay tumugon na din si Kath sa halik ng binata. Nakasandal na si Kath sa kotse nito. Bumaba ang halik ni Daniel sa leeg ni Kath. Habang ang kamay ng nito ay nasa likod ni Kath at hinahanap ang buksanan ng pinto ng kotse.
Nasa loob na sila ng kotse ni Kath at nakapatong na ito sa dalaga. Habang nangyayare iyon ay napapaluha si Kath. Naalala na niya. Naalala na niya na ang lalaking kasama niya ngayon ay ang lalaking pinakamamahal niya sa kahit ano man.
Napaluha siya habang nagfa-flahback sa utak niya ang mga panahon na kasama niya si Daniel.
Flashback.
"Does forever really exsist?" Tanong ni Kath
"Yeah."
"But some people does'nt believe in forever."
"Then we will prove to them that forever really exsist?"
"What if they still not believe in forever?"
"Believing in forever is a choice. Now, sleep na."
End of Flashback.
Tuloy tuloy lang sa pagagos ang luha ni Kath. 'Forever ko.' Sabi niya sa isip niya at napahagulgol sa iyak. Napatigil si Daniel sa ginagawa niya at napaupo.
"S-sorry. Hindi ko sinasadya." Napayuko nalang siya dahil a kahihiyang ginawa niya.
Umupo rin si Kath at niyakap si Daniel ng mahigpit. Nagulat si Daniel sa ginawa nito pero mas ikinagulat niya ang ibinulong sa kanya ni Kath. "Deejay."
Napaluha si Daniel sa narinig. "Kath." Yun nalamang ang naisambit nito.
^//_
Nagmamaneho si Daniel habang hawak sa kabilang kamay nito ang kamay ni Kath na nakapatong sa binti ng dalaga.
Hindi nila alam kung saan sila pupunta. Ang tangin nasa isip nila ay gusto nilang lumayo. Gusto nilang tumakas sa mga problema. Sa ngayon yan muna ang plano nila, ang tumakas. Anv lumayo sa mga taong maaaring humusga sa kanilang ginawa.
Mahal nila ang isa't isa. Kaya nilan ipagpalit lahat para sa pagmamahal nila, para sa kanilang dalawa.
"Salamat Kath. Salamat sa pagbalik sa buhay ko. Thanks, my life. Thanks, my love. Thanks, my forever. Ever."
==========
Hihi. Hindi naman po talaga tragic sana yung ending. Eh yun na po yung napublished ko. May balak po sana akong gumawa ng book 2 kaso tinamad na ako kaya. Special chapter nalang.
Love you all readers.
Happy April Fools!!!
4/1/16
BINABASA MO ANG
Fall inlove with my bestfriend's boyfriend [Kathniel]
أدب الهواةIsang babaeng in-arrange marriage ng kanyang mga magulang sa lalaking hindi mn lang nya kilala. What if she will be married to her bestfriend's boyfriend. The guy that she hate so much. To the guy that full of boastfulness in his body. Would the gir...