28. Forever

224 7 1
                                    

Dedicated to @almadeguzmanfelix.

Thank you for the vote.

Sorry kung late ang update. Sisihin nyo yung watty.

Mwahugs ebribadeh!

=============

Kath's POV

Nakakainis naman si Deejay eh. Hindi nya man lang sabihin kung galit sya hindi yung para akong tanga dito kakaisip habang nakatinin sa kisame namin. Galit nga ba sya? Wala naman kasi akong naaalalang nagawa ko na ikinagalit nya.

Hayaan ko na nga sya! Alangan naman tawagan ko sya. No way! Titiisin ko na lan na hindi kami magpansinan kaysa ako yung tatawag sa kanya para mag-sorry kung ano man ang nagawa ko sa kanya.

Babae ako. At aminin man nating mga babae o hindi, matataas talaga ang pride natin. Mataas ang pride ko. Kaya kahit na anong pilit nyo hindi dapat ako ano unang tumawag.

Uuuggghhhh! Ano ba yan Kath. Sabi nang wag nang isipin eh.

Feeling ko ang lamig. Ang bigat ng katawan ko. Gising na ako pero ayaw ko pang bumangon. Parang gusto ko pang matulog at magpahinga.

"Yo. Yo. Yo, Kath!" Napatingin ako sa pintuan kung saan nanggaling ang ingay. Tss. Nandito nanaman sila.

"Bangon na, Kath!" Sigaw ni Kats sabay dagan sa akin at pilit tumayo.

"Ano ba! Bakit ba kayo nandito? Baba nalang kayo sa kusina kung yun ang gusto nyo!" Matamlay na sabi ko sa kanila.

"Aray ko, beh!" Sabi naman ni Seth with hawak pa sa bandang puso.

"Kung wala naman pala kayong kailanan, pwede na kayong umalis." Sabi ko sabay taklob ng kumot sa buo kong katawan pati narin sa mukha.

"Okay ka lang ba talaga, Kath?" Tanong ni Jc at naramdaman kong parang may umupo sa kabilang side ng kama.

Hindi na ko sumagot. Nakikita naman siguro nila ang kalagayan ko diba? Bakit ba ganyan ang mga pilipino? Alam na nga nila ang sagot, tanong parin sila ng tanong.

(Author: kasi, mas masarap sa pakiramdam kung sa kanya mismo mangaling yung sagot.)

Shut up, author. I don't need your opinion.

(Author: tss... sige na, pahinga ka na. Ciao!)

Epal rin talaga si auhor noh.

"Pakipatay na lang yung aircon, tapos pwede na kayong lumayas."

Narinig ko ang pag-'tsk' si Jc at may naramdaman akong naganggal sa kumot ko at chi-neck ang noo ko. "Syet, mga bregs! Inaapoy ng lagnat si Kath!" Sigaw ni Jc.

=============

Lester's POV

"Syet, mga bregs! Inaapoy ng lagnat si Kath!" Sigaw ni Jc.

Parang nagulantang ang mundo namin sa sinigaw ni Jc. "A-ano. Ahhh... anong gagawin. Tatawagan ko na ba si tita? Si tito? O dapat malaman muna 'to ni Daniel. Ano gagawin natin!" Tarantang sabi ni Seth na halos mahulog na yung cellphone na hawak nya.

Lahat na kami nagpapanic. Ano nga ba gagawin namin?

Kumalma. Tama, kailangan muna naming kumalma.

Pinakalma ko muna ang sarili ko bago ko kinuha an cellphone na hawak ni Seth na halos hindi na nya mapindot. Tsk. Tsk. Tsk. Wrong timing naman kasi yang lagnat ni Kath eh. Wala pa naman sila tito at tita ngayon.

"Kalma. Kumalma muna kayo para makapag-isip tayo ng tama. Inhale. Exhale. Inhale. Exhale." Sinunod naman nila ang sinabi ko. Mga uto-uto.

Pumunta muna ako sa veranda at di-nial ang number ni Daniel. *calling Daniel* matapos ang ilang ring ng napaka-corny nyang ringback ay sinagot na nya.

Fall inlove with my bestfriend's boyfriend [Kathniel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon