The Last Chapter

200 3 0
                                    


Daniel's POV

Halos mabunggo ko na lahat ng tao dito sa hallway ng ospital makarating lang kay Kath. Ni wala na nga akong pakealam sa kasama ko kanina na pumunta dito.

Pagkadating ko doon, nakita ko sila Tita Min, Tito Ted at ang tropa sA labas ng ER na halos hindi mapakali.

"Tita, Tito." Sabi ko yumakap ako sa kanilang dalawa. "Bregs! Kamusta si Kath." Nagaalalang tanong ko.

"Ayun. Nasa loob parin." Sabi ni Jc.

"Tita, tito!" Napatingin ako sa nagsalita. Si Zharm pala at halata ko ang pagod nya at paghawak nya sa tyan nya. Nakalimutan ko nga pala na buntis sya.

Napatayo kaming lahat ng lumabas ang doctor.

"Doc. kamusta na po ang anak namin." Tito Ted.

"Ayos na po sya. Ililipat na po namin sya sa room nya at hintayin na lang po natin sya na magkamalay." Doc.

"Maraming salamat po." Sabi ni tita Min and the Doctor just nod.

***

Dalawang araw na ang nakakalipas, pero hindi parin nagigising sia Kath. Nandito kami sa room nya at binabantayan sya.

Nakaupo ako sa upuan sa tabi ng bed nya at hawak ko ang kamay nya.

Si Zharm at sila Jc, Kats, Les, at Seth, nandun sa mga couch natutulog na.

Kung tutuusin dapat hindi na ako nagpapakita dito. Dapat ay nahihiya na akong pumunta dito dahil kung tutuusin, ako naman talaga ang may kasalanan sa nangyari kay Kath.

Nawala ang pagkaantok ko ng maramdaman ko ang paggalaw ng kamay ni Kath.

"Kath. Kath." Sabi ko sabay yakap sa kanya. Gising na si Kath at sobrang saya ko.

Nakita ko din na nagising ang tropa dahil sa pagsigaw ko ng pangalan ni Kath. Nagulat sila ng makita nilang gising na si Kath.

"Zharmela!!" Sabi ni Kath. "Bakit umiiyak ka dyan?" Natatawang sabi ni Kath. Parang hindi galing sa sakit ah.

============

Third Person's POV

Humiwalay si Daniel sa pagkayakap kay Kath at tumingin sa mata nito.

"Maaya ako at nagising kana. S-sorry din sa nangyari." Sabi ni Daniel at yumuko.

"Uhhmm. Excuse me. S-sino ka? Zharm, sino sila?" Sabi ni Kath.

Gumuho ang mundo nilang lima sa mga narinig. Hindi na sila naaalala ng dalaga.

Biglang natulala si Daniel at sabay nito ang pagtulo ng luha nito.

"Haha. Wag ka nang magbiro Kath." Nakuha pang tumawa ni Daniel pero sa totoo lang ay kinakabahan na sya sa sinabi ni Kath.

Tumingin si Kath kay Zharm. She is very clueless sa mga nangyayari. Tumingin si Kath kay Zharm wearing 'sino sila!?' -look.

"Sorry. I really don't know you. Even the four of you." Sabi ni Kath at itinuro pa ang apat na kaibigan ni Daniel. Na naging kaibigan na din ni Kath pero hindi na nya maalala.

Lumuluha pa rin si Daniel dahil hindi parin sya makapaniwala sa mga sinabi ni Kath.

"Please Kath. Alalahanin mo. Kahit kapiraso lang sa mga memories natin. Alalahanin mo." Ngayon hindi nalang lumuluha si Daniel, humihikbi na sya.

Hinawakan ni Daniel ang kamay ni Kath pero pilit iyong tinatanggal ni Kath. At dahil dun ma lalong nanghina si Daniel.

Iniisip nya na dahil tin naman sa kanya kaya nagkaganyan ang taong sobra sobra nyang mahal. Dahil din sa kagaguhan nya at katangahan nya.

Biglang bumukas ang pinto at pumasok ang mga magulang ng dalaga. Pinauwi ng mga ito si Daniel at ang lahat ng nasa loob ng kwarto.

Iyak lang ng iyak si Daniel na hindi alam ang gagawin pag nawala sa kanya ang taong pinakamamahal sa kahit ano man at kahit sino man sa mundo.

Halo saktan nya ang sarili nya at pilit sinisisi ang sarili sa nangyari sa nobya.

"Ahhhhhh! Ang tanga tanga!!" Sigaw nya sabay suntok ng pader.

"Kuya, tama na." Jc.

"Tama na yan, bregs." Seth.

"Okay lang yan." Les.

"Wala na tayong magagawa, Deej." Kats.

"Yun na nga eh. Wala man lang akong magawa! Ahhh. Put*!" Sobrang naaawa na ang kanyang mga kaibigan sa kalagayan nya at sa mga pinaggagawa nya sa sarili nya.

***

Nasa van na silang lima at kasalukuyang natutulog si Daniel.

"Bregs, naaawa na ako kay Daniel. Nasasaktan sya alam ko. Pero hindi naman kailangang humantong sa point na sasaktan nya ang sarili nya at sarili nya ang sisisihin nya sa mga nangyayari." Umpisa ni Les.

Nakatingin lang sila kay Daniel. Except kay Seth dahil sya ang driver nila ngayon.

"Kung tutuusin, hindi nya deserve 'tong mga nangyayari. Bakit kailangan pa syang makalimutan ni Kath." Kats.

"Wala namang mali sa relasyon nila. Mahal nila ang isa't-isa. Akala ko sila na hanggang matapos itong story na 'to. Tsk." Jc.

"Wala kasing forever. Forever is just a word that you will find in a dictionary but doesn't exsist." Biglang pagsingit ni Seth sa usapan kaya napatingin silang lahat sa kanya. "Lahat ng bagay may kapaguran, lahat ng bagay may limitation. Kahit gaano ka-perfect ang relationship ninyo at kahit pa walang gustong bumitaw sa inyo, kung hindi naman pabor ang tadhana sa inyong dalawa, wala rin. Dapat go with the flow ka lang. Kung kayo talaga, tadhana na ang bahala sa inyo. Minsan acceptance lang naman ang kailangan. Tanggapin mo lang ang mga nangyayari para wala nang masaktan, para walang magsisisi. At wala kang pagsisisihan." Sabi ni Seth.

Walang umimik sa kanila dahil sa sinabi ni Seth. Alam naman nila na lagi nalang huhugot yan. Pero hindi nila expected na sa ganiong sitwasyon. Na makakatulong sa ganitong sitwasyon.

Tama. Tama lahat ng sinabi nya. Hindi mo aakalain na may ganitong pagiisip ang mga taong sobrang laki ng kalokohan sa buhay.

*******

Daniel's POV

Ang sakit parin. Ang sakit sakit. 1 buwan na ang nakakalipas pero fresh parin yung sakit. Balita ko nga pumunta sila ng France para makarecover si Kath sa mga pangyayari at para malayo sa mga bagay na ayaw na nilang maalala nya. And I guess isa ako sa nilalayuan nila.

Masakit kasi yung magigising ka nalang, wala na lahat sayo. She's my everything. And worst, I lost my everything.

Should I accept it? Should I need to forget her, knowing na nakalimutan na nya ako? Pero hindi ganun kadali yun.

"Daniel, wag mo namang sirain yung buhay mo." Sermon sa akin ni Zharm.

Ewan ko ba kung bakit sya nandito. Nililinis nya at pinupulot ang mga bote ng alak na nakakalat sa kwarto ko.

"Payag na ako.... Payag na akong panagutan ka. Pero please, hindi ko maipapangako na mamahalin kita at mapapakasalan kita."

===========

It's up to you....

Basahin nyo yung next kong ipopost. "Must Read.."

Comment.
Vote.

ComVo.

Fall inlove with my bestfriend's boyfriend (signing off)

03/12/16

Fall inlove with my bestfriend's boyfriend [Kathniel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon