24. Bea?!

207 7 2
                                    


Dedicated to wannabewriter_99

Thankie sa pag-follow. Eksdi

============

Kath's POV

It's been a month since that unexpected scenery happened. And guess what..

Kami na!! Believe it or not. It's true, kami na nga.

Ganito kasi yun.....

Flashback.

Nagulat ako ng bigla nya akong yakapin. "I love you" a-ano d-daw?

T-tama ba y-yung r-rinig ko? 'I love you' daw?

Kumalas sya ng yakap at tumingin sa mukha ko ng naka-simangot.

"Hindi sya tanong pero ang sakit pag walang sagot."

"Sus. Drama nito." Kinurot ko ang ilong nya.

"Sagutin mo na kasi yung sinabi ko." Nakakalokong sabi nya. "Sinabi mo na nga sa akin yun nung paalis ka eh." Dagdag pa nya.

Feeling ko namumula na ako ngayon.

"O sige na. I love you too."

"Talaga?! Yes!" Halos magtatatalon na sya sa tuwa. "Thank you." Dagdag pa nya at hinalikan ako sa noo.

Ngumiti lang ako sa kanya at hindi parin kumakalas sa mga yakap nya.

"So..? Tayo na ba?" Napakalas ako sa yakap nya at tumingin sa mukha nya ng may 'Ano?!' look. "Mahal naman natin ang isa't isa kaya hindi na kailangan ng ligawan diba?" Dagdag pa nya.

"Hindi naman yata pwede yan. Iparanas mo naman sa akin yung feeling ng nililigawan." Tutol ko sa gusto nyang mangyari.

"Sus, di na kailangan ng ganyan. Mahal naman natin yung isa't isa diba?." Talagang papanindigan nya yung gusto nyang mangyari ah.

Tumalikod ako sa kanya na nagpipigil ng ngiti. Syet! Kinikilig ako.

Niyakap nya ako mula sa likod. "Sige na kasi. Kahit tayo na liligawan pa din kita. Pramise." Lakas loob akong tumingin sa kanya at nagpipigil lalo ng ngiti dahil sa kilig. "At isa pa.... Wag mo nang pigilan yang kilig mo. Utot na yan pag hindi mo pa nilabas." At dahil sa sinabi nya ay hindi ko na napigilan ang ngiti ko.

"Oo na nga. Hindi rin naman ako mananalo sa kakulitan mo eh." Sabi ko.

Niyakap nya ako ng mahigpit at nagtatatalon. "Hooooooo. Kami na!!" Sigaw nya. Wala naman kaming kasama dito eh.

End of Flashback.

Ayun. So.. Naniniwala na kayo? Kami na nga eh.

Wala naman nagbago maliban sa masyado na syang naging sweet sa akin. Possessive, caring.

Iniisip ko na papakawalan ko pa ba 'to? Eh ang gwapo eh.

"Chandria!!" Na tigil ang pagpapantasya ko sa BOYFRIEND ko dahil sa nagtawag.

"Oh, Zharm. Musta na?" Tanong ko sa kanya.

Hindi ko na rin kasi sya masyadong nakakasa si Zharm simula nung maging kami ni DeeJay

"Eto. Humihinga pa din. Hahaha. Kayo musta na kayo ni Daniel?"

Bukas na yung monthsary namin ni Deejay, pero hanggang ngayon hindi parin sya nagpapakita sa akin. Ewan ko ba kung bakit absent yun ngayon.

Fall inlove with my bestfriend's boyfriend [Kathniel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon