22. Trying to live without you

212 9 0
                                    

Dedicated to @Kiramilies

Keep reading.

Here's my update. Eksdi.

============

Kath's POV

Kaya ko ba talaga? Kaya ko ba talaga na hindi ko sya kasama?

Parang gusto kong bumalik sa kanya at bawiin lahat ng sinabi ko. Na hindi na pala ako lalayo. Na tatanggapin ko na yung sinasabi nya; mahal na nya yata ako.

Nandito ako sa resthouse namin dito sa **** at kasulukuyan akong nakaupo sa sand habang pinagmamasdan ang napakagandang sunset.

Kaya ko nga bang tanggapin kung ano man ang desisyon nya? Kaya ko bang—– uggghhhh! Ano ba yan Kath! Pumunta ka dito para i-rest ang utak. Para kahit isang linggo lang, tumahimik ang paligid. Na kahit isang linggo lang gumaan ang pakiramdam. Hindi, patuloy na iisip kung ano man yung sinabi nya o kung ano ba magiging desisyon nya.

Hindi ko namamalayan na tumulo na pala yung mga luha ko. But why?! Why I am crying? Nababaliw na ako! Coz Im crying with no reason.

I close my eyes and feel the peaceful atmosphere. Ibang iba sa bahay, sa school. Na sobrang ingay, minsan awkward. Ang sakit pala sa ulo.

Pwede bang mag-reset ng utak? Pwede bang i-delete na lang yung mga ayaw nating memories?

Its funny, I said that I dont want to think about him on my vacation. But I cant, he's still in my mind.

Hindi naman pwede na lagi nalang sya. Pumunta ako dito para sanayin yung sarili ko na wala para kahit ano pa man ang maging desisyon nya, kaya ko na. Kakayanin ko na.

Ayyyyyy. Ano ba yan?!!! Bakit ba hindi ko maiwasang hindi sya isipin?!

Bumalik na lang ako sa resthouse at pumunta sa kwarto ko dito.

Humiga ako sa bed ko at tumitig lang sa kisame.

Kailangan kong maibaling sa kahit na anong bagay ang atensyon ko para maiwan ko na syang isipin.

Pero bakit sya parin?? Bakit kahit na saan ako tumingin, nakikita ko sya?

Ewan na lang.

=============

Daniel's POV

Nagkukulong ako ngayon dito sa kwarto ko habang umiinom ng alak.

Kahapon pa ako dito. Kahapon pa ng gabi pagkaalis ni Kath. Ilang beses na ring may kumakatok sa pinto ng kwarto ko para lang pilitin akong kumain. Pati na rin ang tropa pumunta dito para pilitin akong pumasok.

Tinatamad ako. Wala akong gana, wala na man kasi yung inspirasyon ko eh.

Pero sya nga ba?? Sya nga ba yung inspirasyon ko o pilit ko lang pinapasok sa kokote ko kasi nasabi ko sa kanya na mahal ko na yata sya. At dahil sya rin ang lagi kong nakakasama.

Gabi na pero hindi parin ako lumalabas.

*tok*tok*tok*

"Nak, Daniel. Kain ka na. Baka magkasakit ka sa ginagawa mo." Mahigit sampung beses nang bumalik si manang dito para lang pilitin akong kumain.

Hindi ako sumagot sa halip itinungga ang bote ng alak na hawak ko.

Nakabukas yung tv ko pero hindi ako makanuod ng maayos dahil sa mga iniisip ko. Nakapatay ang mga ilaw ko. Ayaw ko pa ng kausap kahit na sino.

'Uyy. Daniel! Kung maka mukmok ka naman dyan, para kang nagluluksa?' Sermon ng utak ko sa akin.

Pero may point kasi yung utak ko eh.

Fall inlove with my bestfriend's boyfriend [Kathniel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon