Dedicated to @alexisgracepalaraThankie sa bagong cover. Fallow nyo sya ah. Syempre ako din. Eksdi.
Luvlots!
==============
Kath's POV
Uggghhhh! Nakakainis talaga yung babaeng impoktita na yun. Lagi nalang ako yung pinupuntirya. Mabuti nalang at may natitira pa akong kabutihan para sa kanya.
At pasalamat sya andyan yung napakabait kong boyfriend.
Walang pasok ngayon dahil may meeting daw lahat ng teachers. Tss. Kahit kami may-ari ng school na yan hindi ko parin maiwasang isipin na 'may nangungurakot parin bang teacher??'. Siguro oo.
Pero I dont care. Wala naman akong pakialam eh. Di naman ako apektado.
Nandito kami papasok sa subdivision nila Deejay. Kamasa ko sya ngayon actually. Wala naman daw pasok kaya magro-roadtrip daw kami. Kukunin nya lang daw yung car nya.
Papasok na kami sa gate ng bahay nila Deejay. Parang may naririnig kaming kaingayan sa loob or should I say "kaguluhan".
Pagpasok namin, nakita ko sila Jc at ang tropa sa garden. Ano bang ginagawa nila dyan? Para silang mga tanga eh.
"Uyy. Penge pa ako!"
"Diligan mo na 'to oh!!"
Diligan? Nagtatanim ba sila? Aba himala!
"Huy! Anong ginagawa nyo dyan??" Tanong ni Deejay.
"Uy Bro!" Sabi ni Jc at tumingin sa akin. "Hi Kath!" I just nodded as a response.
"Nagtatanim kasi kami eh." Nakangiting sabi ni Les.
Oh? Talaga? Nagtatanim sila? Ano naman tinatanim nila?
Ayy tanga lang Kath? Malamang halaman. Try ko kaya magtanim ng ref at magbunga ng mga pagkain.
"Ano namang tinitignan nyo, aber?" Nakapamewang na tanong ni Deejay.
Edi sya na. Lahat ng gusto kong itanong sya na yung nagtatanong. Hmp.
"Bala, kuya. Try nyo gusto nyo?"
"BALA?!" sabay na sabi namin ni Deejay.Sira ba 'tong mga kaibigan nya? Bala?! Sure sila?! Bala talaga itatanim nila? Mga baliw.
"Bala? Diba yun yung pang-hukay?" Rinig kong bulong ni Seth kay Les.
"Pala yun, bregs. Pfft." Natatawang bulong ni Les kay Seth. Tang*na waley naman.
Binatukan sila ni Deejay isa isa. "Tang*na! Mga sira!"
"Uso kaya 'to! Tanim-bala. Hahahaha!" Sabi pa ni Kats habang dinidiligan yung bagong tanim nyang bala.
"Tara na nga Kath. Baka mahawa ka pa sa kabaliwan ng mga yan." Pailing-iling na sabi ni Deejay.
Ano ba kasing naisipan nila at nag tatanim sila ng bala. Kung hindi ko sila kilala. Malamang nagpagkamalan ko na silang baliw.
Napailing na lang rin ako at nagpatangay na sa hila ni Deejay paakyat sa kwarto nya.
"Akala ko ba magro-roadtrip tayo?" Sabi ko at nag-pout.
"Oo nga. Paano tayo magro-roadtrip kung hindi natin kukunin yung susi ng kotse ko diba?" Tss. Medyo sarcastic.
I just rolled my eyes. "Whatever!"
============
Third Person's POV
BINABASA MO ANG
Fall inlove with my bestfriend's boyfriend [Kathniel]
Fiksi PenggemarIsang babaeng in-arrange marriage ng kanyang mga magulang sa lalaking hindi mn lang nya kilala. What if she will be married to her bestfriend's boyfriend. The guy that she hate so much. To the guy that full of boastfulness in his body. Would the gir...