Ang Kambal

4.9K 72 28
                                    

by: SMK:D

Karaniwan sa panahon ngayon hindi na pinapaniwalaan ang mga nuno sa punso. 

Madalas na lang ito pinaniniwalaan o bihira pa ay sa mga malalayo at liblib na lugar ng mga probinsiya? 

Marami sa atin, ito ay kathang isip lamang. Pero hindi ba natin alam na marahil ito ay totoo?

Sa isang malayong lugar sa isang probinsiya may isang malaking puno ng mangga na halos limang tao ang kailangan magkapit kamay upang mapalibutan ito. 

Ito ay isang puno na mula pa sa kaninu-nunoan ng mga Vergara. 

Itinanim iyon ng kanilang mga ninuno sa tabi ng bahay na sa pagdaan ng maraming panahon ay nagbago na. 

At tanging isang tao lamang ang naniniwala dito dahil napatunayan niya.

Chapter 1 

ANG KAMBAL 

[Angela's POV] 

Narito ako ngayon sa ilalim ng puno ng mangga sa may garden. Masarap kasi ang hangin dito at narito ako para mag review sa nalalapit na namin finals. 

Busy ako sa mga notes ko ng bigla ay lumapit sa akin si Mariel, ang pinsan ko. 

"Hindi ako makapag review sa taas." sabi pa niya na naka simangot. 

"Bakit?" 

"Si Papa kasi ang dami sinasabi, hindi ba pupwede na kung gusto niya siya na lang?" 

She sigh at inilapag ang mga libro niya sa mesa at tumingin sa puno. 

"Ang dami naman ng lugar na pwede ka mag review bakit dito pa?" 

Sabi niya. Ayaw niya dito sa lugar na ito kasi she thinks it was so creepy. 

Madalas pa din kasi siya dalawin sa panaginip ng hindi niya makakalimutang pangyayari sa amin noong mga bata pa kami. 

FLASH BACK 

Malakas ang ulan noon may kasamang kulog at kidlat. Halos hindi na maintindihan ng iba ang gagawin dahil ng mga panahon din na yon ay manganganak na ang Tita Greca na asawa ng Tito Emilio ko na siyang kapatid ni Daddy Alberto. 

"Madali Enchang, tawagin mo ang pinaka malapit na komadrona. Sumasakit na ang tiyan ni Greca." 

Tarantang sabi ni Tito Emil. Agad namang sumunod ang mga katulong ang iba ay hinahanda ang iba pang gagamitin. Maya maya pa dumating na ang komadrona 

"Nasaan ang manganganak?" 

"Nasa kwarto po. Halika kayo." sabi ni Manang Enchang ilang saglit pa 

"AAAhhhhh!!!!" pawisan sa pag iri si Tita Greca 

"Sige pa umiri ka pa at nakikita ko na ang ulo ng bata." 

Halos hindi naman alam ni Tito Emilio ang gagawin. Siguro ng mga panahon na yon kung pwede lang makipag palit ng sitwasyon ay ginawa na niya. 

Makalipas ang ilang pang minuto sa pag iri, lumabas ang isang napakaganda maputi at malusog na sanggol. 

"Oh babae ang anak ninyo." 

Nakangiting sabi ng komadrona at ibinalot ang sanggol sa kumot. Inabot niya iyon kay Tito Emil. Wala naman siya pagsidlan ng katuwaan ng masilayan ang anak. Ayon pa sa kanya kuhang kuha niya ang ganda ng kanyang ina. 

Kambal sa PunsoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon