Chapter 8
QUIZDA
[Maribel's POV]
Sa paglalakad namin patungo sa aking silid ay nakasalubong namin si Quizda.
Yumukod ito at bumati.
"Maribel, mawalang galang na ngunit maaari ba kitang makausap kahit saglit lamang?"
Saglit akong hindi nakapag wika at nilingon ko si Imhar. Ilang saglit pa ay tumungo ako bilang pag ayon sa nais niya.
Bahagyang lumayo sa amin si Imhar ngunit hindi siya umalis.
"Batid ko na ito'y isang kapangahasan ngunit sa palagay ko ay hindi naman masama kung mag baka sakali akong mag paalam sa iyo."
Huminto siya sa pagsalita. Marahil ay hinihintay niya na may sabihin ako ngunit nanatili akong tahimik.
Wala sa akin ang kausapin sila. Sa totoo lang si Imhar lamang ang kinikilala ko sa kaharian na ito. Isa pa wla rin naman akong sasabihin sa kanya.
"May pagtatangi ako sa iyo."
Nabigla ako sa kanyang tinuran ngunit hindi ko iyon ipinakita sa kanya. Muli ay tumigil siya at hinintay ang aking sagot. Ilang saglit na katahimikan. Huminga siya ng malalim.
"Kung iyong mamarapatin nais ko sanang suyuin ka."
Nang sapalagay ko ay tapos na siyang magsalita ay marahan akong nagwika.
"Hindi ko ninanais na suyuin mo ako. Sa aking palagay ay ang pagtatangi na sinasabi mo ay hindi ko naiibigan kung ano man iyon."
At tinalikuran ko na siya. Kasabay ko na lumisan si Imhar patungo sa aking silid.
Nang makarating kami roon, doon lamang nagwika si Imhar na batid ko na kanina pa niya ibig gawin.
"Ang nilahad sayo ni Quizda ay hindi ko naiibigan."
"Maging ako Imhar."
Naupo ako sa gilid ng aking higaan.
"Hindi ba at ang pagtatangi ay para lamang sa kanila?"
Lumapit sa akin si Imhar at hinaplos ang aking mahaba at maitim na buhok. Madalas niya iyon gawin.
"Ang pagtatangi ay para sa lahat. Hindi mo naman mapipigilan ang isang nilalang lalo na sa tulad mo. Isa kang mabait at marikit na diwata."
Tiningala ko si Imhar. "Isa akong tao Imhar."
Bahagyang ngumiti si Imhar
"Para sa akin isa kang diwata na napunta sa madilim naming kaharian dahil sa iyong kagandahan kahit paano ay may liwanag dito."
Nginitian ko siya at niyakap. Siya na ang aking naging ina mula pa pagkamusmos ko.
Kinuha ko ang salamin at tumunghay roon. Naalala ko na naman ang nalalapit na kabilugan ng buwan.
"Nangangamba ako Imhar. Paano kung magtagumpay si Fonza sa kanyang binabalak at makuha niya ang aking kapatid?"
Inilpag ko ang salamin at huminga ng malalim. Muli akong nagwika.
"Kung ang aking kapatid, hindi niya kakayanin ang hirap ng pinagdaanan ko. Mahina siya."
"Batid kong nangungulila ka at nangangamba, ngunit paano natin mapipigilan si Fonza. Wala naman akong alam na paraan upang tulungan ka upang kahit papaano'y masilayan mo muli ang iyong kapatid. Matagal mo na siyang hindi nakikita."
"Nagkakamali ka Imhar--"
Kinuha ko ang salamin at tumunghay roon.
"--lagi ko siya nasisilayan sa pamamagitan nito."
"Batid mong ikaw ang nasa salamin na yan."
Hinaplos ko ang salamin at doo'y pumatak ang aking luha.
"Marahil nga ako ito Imhar ngunit sa aking puso ay siya rin ang aking kapatid." nilingon ko si Imhar at nag wika.
"Magkatulad ang aming wangis, at nararamdaman ko ang bawat hirap at pighati na kanyang nararamdaman. Marahil nga ay magkalayo kami ngunit batid ko na kahit ganoo'y hindi ako nakakalimutan ng aking kapatid."
Lumapit si Imhar sa akin.
"Magpahinga kana."
At tinulungan ko ilapat ang aking sarili sa aking higaan. Hinaplos niya ang aking buhok.
BINABASA MO ANG
Kambal sa Punso
RomanceMagkaiba ang kinalakihang mundo ng kambal na sina Mariel at Maribel. Si Mariel ay lumaking normal at maraming kaibigan. Nag-aaral sa isang kilalang Unibersidad. Ngunit hindi siya masaya. May kulang. Ang kanyang kapatid. Si Maribel ay lumaki sa isang...