Kautusan

726 19 0
                                    

Chapter 6 

KAUTUSAN 

[Maribel's POV] 

Nakaupo ako sa aking higaan ng marinig ko ang ilang pag katok sa pintuan ng aking silid. 

Hindi ako nag wika at maya maya ay narinig ko ang pag bukas niyon. 

Niluwa doon ang isang kawal. 

"Kamahalan, ipinatatawag kayo ng Mahal na Reyna Fonza." 

"Magtigil ka." wika ko at tumayo ako mula sa aking pagkakaupo. 

"Malinaw ang akin pinagbibilin hindi ba?" 

"Ngunit ang bilin sa amin ng mahal na Reyna ay--" 

"Hindi na mahalaga kung ano ang ipinagbilin sa inyo ng inyong mahal na mangkukulam, ang aking ipinag uutos ang masusunod." 

Yumukod ang kawal. 

"Masusunod, M-Maribel. Pinaaalala rin ng mahal na Reyna na magtungo ka roon na nag iisa." 

Bigla'y bumukas ang pinto at lumabas roon si Imhar. 

"Ano ang aking naririnig na kaguluhan?" wika niya na tumunghay sa akin at maya pa ay nalipat iyon sa kawal. 

"Humayo ka na." wika ko at tumalikod na ang kawal.

Bumalik ako sa pagkakaupo at lumapit sa akin si Imhar tangan niya ang suklay upang ayusin ang mahaba at tuwid na itim kong buhok. 

"Ano ang nagaganap at naparito ang kawal?" 

Hindi ako tumingin kay Imhar. 

"Ipinatatawag ako ni Fonza." 

Matagal ang katahimikan na namagitan sa amin ni Imhar bago muli siya nagwika. 

"Ngunit ano ang dahilan?" 

"Batid naman natin Imhar kung ano ang dahilan at ako ay kaniyang ipinatatawag." 

Hindi nagsalita si Imhar. Marahil ay naisip niya na tama ang aking hinuha. Madalas ako ipatawag ni Fonza upang talakayin sa akin ang nalalapit niyang mga balakin. 

Tumayo na ako upang mag tungo sa trono ni Fonza. Kasunod ko ay si Imhar. 

Sa aking paglakad hindi maaari na hindi ko kasama si Imhar. Kahit minsan hindi ako lumabas ng aking silid na nag iisa lamang. 

Hindi ako nangangamba na isama si Imhar taliwas sa bilin ni Fonza. Kahit minsan ay hindi niya nasaling ang aking mga kagustuhan. 

Lumabas na kami ng silid at sa labas niyon ay marami ang nakabantay na kawal. Pagkakita sa amin ay kanya kanya ng yukod ang mga ito. Hindi ako umalis sa kinatatayuan ko. Inilibot ko ang aking paningin sa lahat ng kawal at nag wika. 

"Sa inyong palagay nasaan ako." 

Ang katabi kong kawal ang siyang sumagot. 

"Nasa loob po kayo ng kaharian Kamahalan." 

Nilingon ko ang nagwikang kawal at tinapunan ko siya ng matalim na paningin. 

"Ilang ulit ko ipapaalala sa inyo na hindi kamahalan ang ngalan ko kung hindi ay Maribel." 

Malakas at makapangyarihan ang aking tinig. Sa kabilang tabi ko ay nakatunghay lamang si Imhar at nakita ko ang paglapit sa akin ni Quizda.  

Ang pinuno ng mga kawal sa buong kaharian. Yumukod ito at nag wika. 

"Maribel ihahatid kana namin sa iyong patutunguhan." 

"Hindi ba at kakawika lamang ng kawal na ito--" lingon ko sa kawal na aking katabi "--na ako'y nasa loob ng kaharian? Sa palagay ko ay hindi ko na kailangan na sundan pa ako ng isang pulong ng mga kawal sapagkat wala namang panganib na sasalubong sa akin. Para sa inyong kaalaman, mula ng marating ko ang kaharian na ito ay doon na nagsimulang manganib ang aking buhay." 

Doo'y nilipasan ko lamang si Quizda at hinila ko na si Imhar palayo.

Kambal sa PunsoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon