Mga bilin

495 17 0
                                    

Chapter 31 

MGA BILIN 

[Maribel's POV] 

Lumayo sa amin sina Justin ng papalapit sa kanila ang mga kawal. Napalingon ako kay Imhar na nagsalita. 

"Patawarin mo ako aking anak kung ikaw ay matagal na nawalay sa akin. Hindi ko nais na iwan kayo ng iyong ama, ginawa ko lamang iyon upang ilayo kayo sa kapahamakan." 

Umiling si Iziah at siya ay lumuluha na. 

"No. No." wika nito.

Naisaloob ko na ano kaya ang nais niyang ipahiwatig sa salitang iyon. Nagsalita ulit si Imhar at pilit naupo mula sa pagkakahiga. 

"Palagay ko ay hindi na ako magtatagal--" 

"Wag nyo po sabihin yan. Tumigil na po kayo sa pagsasalita at lalo lamang kayo nahihirapan." wika ng aking kapatid na si Mariel.

Lumapit ako sa kanya. "Imhar. Lakasan mo ang iyong kalooban ipinapangako ko sa iyo na hindi magtatagumpay si Fonza." 

Hinawakan niya ako sa aking mukha at nagwika siya at hindi ko napigilan ang aking sarili na lumuha. 

"Salamat sa panahon na ikaw ay aking nakasama. Sa pamamagitan mo nabawasan ang pangungulila ko kay Iziah. Masarap sa pakiramdam ko na ikaw ay naging aking supling sa ilang sandaling panahon na iyon." 

Puno na ng luha ang aking mga pisngi. Panay rin ang luha ni Iziah maging ni Mariel. Nagpatuloy si Imhar at tumingin kay Mariel. 

"Gabayan mo ang iyong kapatid sapagkat marami pa siyang hindi nalalaman." at bumalik muli sa akin. 

"Wag mong katakutan ang umibig. Ito ang magdadala sa iyo ng kaligayahan. Alam ko na kapag nawala ako kayong tatlo--" at nilibot niya ang paningin sa amin. 

"--ay magiging maligaya sa inyong pag ibig. Dalisay at malinis ang hangarin nila. Sapagkat hindi nila ibubuwis ang kanilang buhay para lamang sa inyo." 

Tumayo ako sapagkat hindi ko na kaya pa ang sakit sa aking nararamdaman. Nagsalita si Imhar. 

"Ang kwintas ang magbabalik sa dati at magkakaroon ng panibagong buhay--" 

Hindi ko na narinig pa ang winika ni Imhar dahil sa lalaking kasama ng kapatid ko kanina napunta ang aking paningin. Sumigaw ito at bawat isa ay nakikita ko ang nagaganap. 

"Justin sa likod mo." 

Humarap naman si Justin sa likoran na sinugod ni Quizda na nagwika. 

"Hindi mapupunta sa iyo ang pag ibig ni Maribel. Siya ay akin lamang." 

"Hindi siya nababagay sa lamang lupa. Tingnan ko kung makukuha mo siya." 

Sigaw naman ni Justin na sinalag ang sibat at sinipa niya si Quizda. Nilingon ko pa ang dalawang kasama ni Justin at nakita ko na sugatan na din sila. 

Lubha akong nagaalala kay Justin sapagkat bukod sa sugat niya sa tagiliran ay may malaki na rin siyang sugat sa braso. 

Hindi ito maaari, hindi ko kakayanin na tunghayan lamang ang mga kaganapan. 

Kakalabanin ko si Fonza.

Kambal sa PunsoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon