Ang Kaharian

700 19 1
                                    

Chapter 9 

ANG KAHARIAN 

[Imhar's POV] 

Masiyado nang naghihinagpis ang kalooban ni Maribel at hindi ko na kayang makita pa ang paghihirap ng kanyang kalooban. 

Anak na ang turing ko sa kanya mula ng siya ay dalhin ni Fonza dito sa aming mundo. Hinaplos ko ang kanyang buhok upang madali siyang makatulog. 

"Imhar, maaari mo bang ilahad muli sa akin ang kwento ng inyong kaharian?" 

Tinunghayan ko siya. Madalas niya ipalahad sa akin ang kasaysayan ng aming kaharian.

Sa isang kaharian ng punso, isang mabait na Hari at Reyna ang namumuno. Iyon ay ang aming ama at ina. 

Nagkaroon sila ng dalawang supling. Si Fonza at ako, si Imhar. Tahimik ang aming kaharian. 

Masaya kaming namumuhay at para kaming nasa paraiso. Ngunit hindi nagtagal namatay ang aming amang hari dahil sa isang karamdaman. 

Lumipas ang panahon at ang aming ina naman ang nasa kalagitnaan ng paghihingalo dahil sa katandaan. 

Ang isang nuno ay daang taon ang tinatagal ang buhay. At ilang araw na lang ang hinihintay at itatalaga na ang bagong Reyna. Isa iyon sa amin ni Fonza. 

"Ano at malungkot ka Imhar?" 

Wika ni Fonza sa akin habang nakaupo ako sa isang bato sa may hardin. 

"May dinaramdam kaba?" 

"Wala Fonza, ngunit nangangamba ako. Ikaw ang magiging Reyna. Batid ko iyon at kinalulugod ko ngunit-- paano na kapag naitalaga kana? Wala nang magtatakip sa akin." 

Nang panahon na iyon ay ako ay umiibig sa isang taga lupa. Batid iyon ni Fonza at mahigpit na ipinagbabawal sa kaharian ang makihalubilo oh ang kahit na magpakita lamang sa mga tao. 

Bago pa makapagsalita si Fonza ay may tumawag na sa akin na animo'y nasa ilalim ng lupa. 

"Nasan kana Imhar narito na ako." 

"Nariyan na siya. Humayo kana." 

Tinunghayan ko lamang si Fonza at nilingon ang balon na pinanggagalingan ng tinig. 

"Hindi maaari." 

"Ngunit bakit?" 

"Sapagkat hindi kami nababagay tulad ng iyong tinuran noon." 

"Ngunit kayo ay nag-iibigan. Hindi ka manlang ba lalabas upang kahit magpaalam sa kanya?" 

Tinalikuran ko na si Fonza at tuluyan ko ng nilisan ang hardin. 

Batid ko na ng lumisan ako ay noon nakilala ni Fonza si Emilio sapagkat inilahad niya sa akin ang kaganapang iyon. Naging mabuti itong kaibigan sa aking kapatid. 

Nang mga panahon din iyon ay may dinadala ako sa aking sinapupunan. Nagpatuloy ang kaayusan sa kaharian ng punso kahit na si Fonza ang tinalagang Reyna ng punso. 

Masaya ang bawat panahong lumipas. Hanggang sa inilahad ni Fonza sa akin na siya ay umiibig. Ngunit kay Emilio. 

Isinilang ko ang isang panibagong nuno at binigyan ko siya ng ngalan. Si Iziah. 

Lumipas ang panahon. 

"Lalabas ako Imhar. Marahil ay ito na ang tamang panahon upang sabihin ko kay Emilio ang tunay kong nararamdaman."

Sinamahan ko si Fonza sa lagusan at doon nasaksihan ko ang kanyang pagkabigo. 

Di tulad ko ay hindi siya iniibig ni Emilio. 

"Isa ba siyang kaibigan Emilio." 

Wika ni Fonza ng minsan siyang lumabas at nakita si Emilio sa may puno ng mangga kasama ang isang babae. 

"Hindi Fonza, isa siyang special." 

"Special?" 

"Ang ibig kong sabihin ay natatangi siya." 

"Katulad ko'y natatangi din siya?" 

"Hindi. iba siya. Tinatangi siya ng aking puso. Ikaw ay natatangi kong kaibigan sapagkat kakaiba ka." 

"Ngunit Emilio. Ikaw ay aking iniibig." 

Sa wika ni Fonza noo'y batid kong isang malaking kamalian ang siya ay masaktan. 

"Ano? Fonza si Greca ay aking magiging asawa." 

Sa kasamaang palad ay hindi iyon natanggap ng aking kapatid. Bumalik siya sa aming kaharian ng bigo at puno ng poot sa dibdib. 

Ipinagpilitan niya na ibigay ko sa amang tao ang aking si Iziah at mula noo'y ipinagbawal niya ang kahit na ano pang ugnayan mula sa tagalupa. 

"Ngunit nais kong ipabatid sa inyo na sa darating na panahon. Isang taga lupa ang aking magiging tagapagmana." 

Yon nga ang dahilan at kinuha niya ang isa sa kambal. Tinangka kong iligtas noon si Maribel ngunit dahil sa aking kabiguan, minarapat ni Fonza na tanggalan ako ng kapangyarihan. 

Mula noon naging madilim na ang aming kaharian. Pagtatapos ko sa aking kwento. 

"Imhar, gaano kalakas ang kapangyarihan ng pagibig at nagawa nitong sirain ang buong kaharian." 

Nangiti ako sa tinuran ni Maribel. Naupo siya sa pagkakahiga at nagwika. 

"Kung ano man iyon sinasamo kong hindi ito maganap sa aking kapatid." 

"Maribel, hindi masama ang umibig at lalong hindi ito mapipigilan." 

"Ngunit Imhar, paano ba ang umibig? Paano mo malalaman na ito'y nagaganap na." 

Tumayo na ako. 

"Magpahinga kana. Ikaw lamang ang makapagsasabi kung ito ay naganap na sa iyo. Ngunit lagi mo pakatatandaan masarap ang umibig ngunit kailangan mong maging handa sa lahat ng magaganap sapagkat ito'y nakasasakit kung minsan." at tinalikuran ko na siya.

Kambal sa PunsoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon