Chapter 32
PAGBUWIS NG BUHAY
[Angela's POV]
"Maribel!"
Sabay namin tawag ni Mariel sa tumakbong si Maribel. Hindi ko alam kung ano ang nasa isip niya pero alam ko na hindi siya tatayo para panoorin lamang sila Billy.
Napalingon ako at nakita kong sugatan na silang tatlo. Hindi ko na din nabalaan si Rein pero may isang kawal na sumaksak sa likod niya buti na lang at mabilis siya nakaiwas pero sa braso naman siya nasugatan.
Hinanap ko si Maribel at nakita ko na papalapit siya kay Fonza. Tumayo ako.
May lahi akong nuno at hindi ko alam kung anong kapangyarihan meron ako pero susubukan ko. Susundan ko si Maribel ng marinig ko ang sigaw ni Mariel pero hindi ko siya nilingon.
"Ate Angela!"
Napalingon ako sa tinitingnan ni Maribel. Nakita ko na buong lakas na sinipa ni Justin ang isang kawal na palagay ko ay ang pinuno ay sabay niyon ay ang paghagis niya ng sibat na tumusok sa dibdib nito.
"Justin sa likod mo."
Napalingon ako kay Billy at agad namang binigwasan ni Justin ang nasa likod niya kahit pa halos hindi na siya naka kilos ng ayos dahil sa mga sugat niya.
Nagawa pa din niyang humakbang papunta sa isang lugar at ang mata ko ay nakasunod sa kanya.
Napalingon lang akong muli kay Billy ng--
"Aahh!!"
Nasugatan siya sa braso ngunit kaya pa niya makipaglaban. Napalingon ako kay Fonza na tumayo at nagsalita.
"Hindi ito maaari nauubos aking mga kawal."
Hindi ko alam kung tumatakbo pa ako palapit kay Maribel na hindi ko din alam kung nasaan siya.
Oh tumigil na ako at nakita ko papalapit si Justin kay Fonza habang nakikipaglaban sa ilang kawal na pumipigil sa kanya.
I didn't realize the next thing happened kasi parang slow motion sa akin ang nangyayari. Itinaas ni Fonza ang kanyang mga kamay habang ang isang pusa sa kabila ng kamay niya ay umiilaw ang mata.
Alam ko maglalabas siya ng kapangyarihan at kung nakamamatay ito, hindi ko alam. Biglang tumigil ang pagiisip ko ng bigla ay nakita ko si Maribel sa likod ni Fonza na pinigilan ang kanyang kamay.
Nilingon siya ni Fonza at dahil malakas ang kapangyarihan niya sa paghila niya ng kanyang kamay ay tumilapon si Maribel sa ibaba ng trono.
"Isa kang pangahas na labanan ako."
Muli ay itinaas niya ang kanyang kamay at muli ay tumiggil ang aking mundo.
Mabilis ang pangyayari. Nakita ko si Justin na nasa harapan ni Maribel na halos lahat ng dugo niya ay naibuga na niya sa kanyang bibig.
"Justin!"
Sigaw ko at sarili ko lang ang malakas sa pandinig ko pero yon din ang sinigaw ni Rein, Billy at Mariel.
Napalingon ako sa kanila at nakaupo si Mariel sa may unahan ni Mommy. Hindi niya magawang makalapit. Habang si Rein at Billy ay nakipaglaban sa ilang natitirang mga kawal habang papalapit kina Maribel.
Hindi ko namalayan na nakalapit na ako kina Justin at naitakip ko ang aking kamay sa aking bibig. Hindi ko kayang makita si Justin. Naliligo na siya sa sariling dugo at pilit niyang inaabot ang mukha ni Maribel.
Panay ang buga niya ng dugo at alam kong gusto niyang magsalita. Napaluhod ako sa tabi nila at pagod na ako umiyak pero patuloy ang masaganang luha na kusang lumalabas sa aking mata.
"Justin." bulong ni Maribel na lumuluha. "Paano ako kapag nawala ka. Hindi ba nangako ka na ililigtas mo ako? Hindi ba at ikaw ang aking pag ibig. Ayaw ko na ang umibig pa kung ganito lamang ang aking mararamdaman."
Napalingon ako kina Rein at Billy na nakalapit na sa amin wala ng mga kawal maliban sa mga sugatan na halos hindi na makatayo.
"Pare, Justin kaya mo yan."
Hinawakan ni Rein ang isang kamay ni Rein at lumapit naman si Billy sa akin. Yumakap ako sa kanya. Habang lumuluha at tumingin ako kay Justin. Lumapit ako sa kanya.
"Justin. Diba kaya mo naman yan. Wag ka naman ganyan oh. Tigilan mo na ang pagbibiro.
"Parang awa mo na. Hindi na magandang biro to."
My voice broke and that moment his eyes shut at tuluyan ng nalaglag ang kamay na nakahawak sa mukha ni Maribel.
"JUSTIN!!!!"
Umalingawngaw ang sigaw ni Maribel. Tumungo na lumuluha si Rein at nagyakap kami ni Billy.

BINABASA MO ANG
Kambal sa Punso
RomanceMagkaiba ang kinalakihang mundo ng kambal na sina Mariel at Maribel. Si Mariel ay lumaking normal at maraming kaibigan. Nag-aaral sa isang kilalang Unibersidad. Ngunit hindi siya masaya. May kulang. Ang kanyang kapatid. Si Maribel ay lumaki sa isang...