Isang Ina at Anak

554 17 0
                                    

Chapter 22 

ISANG INA AT ANAK 

[Maribel's POV] 

Muli'y nawika si Imhar. 

"Ang iyong ama. Ang ngalan ba niya ay Alberto?" 

Nanatili ang paningin ko kay Imhar na may pagkabigla hindi ba ang ibig sabihin nito ay-- 

"Siya ang anak ng kapatid ng aking ama, Imhar. Ang ibig bang sabihin nito ay--" 

Naitakip ni Imhar ang kanyang mga kamay sa kanyang bibig at doon ay lumuha siya. Nilapitan ko siya ng may pag alala at muli ay nilingon ko si Mariel. 

"That means.. Ang Mommy mo ay siya?" 

Umiling iling pa si Mariel at sa akin niya inukol ang kanyang paningin. 

"Maribel sino ba ang kasama mo? Bihag din ba siya ni Fonza? Wait.." 

Tumunghay siya kay Angela. 

"Meaning.. Siya ang Mommy mo at kaya siya nawala is because kinuha din siya ni Fonza." 

Hindi ko man maintindihan ang ilan sa winika ng aking kapatid ay nagwika ako. 

"Siya si Imhar. Siya ang kapatid ni Fonza." 

"You're being friend with your enemy?" 

Mula sa pag aalo ko kay Imhar ay napalapit ako sa pader. Tumayo ako ng tuwid at pinagsalikop ko ang aking mga kamay. 

Magwiwika ako ngunit nag wika ang aking kapatid at ang isang lalaki na katabi ni Mariel ay hinila na ang lalaking pangahas. 

"Maribel, bakit kasama mo siya baka mamaya sabihin niya sa kapatid niya na nakakausap mo kami at hindi kana namin makita." 

"Hindi aking kapatid si Imhar at si Fonza ay malaki ang pinagkaiba. Magmula ng makarating ako rito ay hindi ako pinabayaan ni Imhar kahit na minsan. Ako rin ang naging dahilan kung kaya nawalan ng kapangyarihan si Imhar na dapat sana ay matagal na niyang nagamit upang makasama niya ang kanyang supling." 

Tumunghay ako sa kay Angela na ngayon ay lumuluha at inaalo pa siya ng isang lalaki na katabi nito. Lahat naman ng paningin ay naukol sa kanya. 

"There's no proof that she's my Mum." 

Hindi ko mawari kung ano ang winika ni Angela ngunit batid ko na hindi iyon kanais nais sapagkat pagalala sa mukha ng aking kapatid ang aking nasilayan. 

"Bakit hindi natin tanungin si Tito Al. I'm sure makikilala niya ang--ang Mommy mo kung siya talaga ito." 

"Ang kwintas ay mula pa sa aking ama at ito ay may limang sulok at bawat sulok ay may nakaukit dito na isang usal." 

"Hindi sapat na dahilan yon para tanggapin ko ang sinasabi mo. Kahit ano pa ang sabihin mo nuno ka pa din." 

Lahat naman kami ay nagukol ng paningin kay Imhar at nalipat kay Angela. Ngunit tinalikuran niya si Imhar at inakap niya ang lalaki na katabi nito. 

Napalapit ako sa pader. Napahinga ako ng malalim sapagkat ang lalaking inaakap niya ay pangahas. Hindi nararapat na iyon ay hinahayan lamang ng aking kapatid.  

At hindi rin nararapat na magwika siya ng mga pangahas na salita kay Imhar. 

"Hindi maganda ang iyong paratang. Isa kang lapastangan. Kung si Imhar man ay may dugong nuno hindi iyon sapat na dahilan upang magwika ka ng pangahas sa kanya. Ngayon din ay hingin mo ang kanyang kapatawaran." 

Hindi ko alam kung bakit ngunit nakaramdam ako ng poot. Sa aking buong buhay kahit minsan ay hindi ako nabigo kay Imhar at masakit para sa akin ang makitang si Imhar ay lalapastanganin lamang ng tulad niya. 

Hinawakan ako ni Imhar at bago pa ako makapag wika ay narinig ko ang mabigat na paghinga ni Imhar. Nag wika siya. 

"Hindi ko maaaring sisihin si Iziah kung hindi niya matatanggap ang katotohanan, ngunit marahil ay hindi naman niya ipagkakait na bigyan ng tulong ang alaga kong si Maribel." 

Ang lahat ay natuon mabuti ang paningin at pandinig kay Imhar maging ako. 

"Ang lagusan ay nabuksan at marahil hindi pa ito nakakarating sa kaalaman ni Fonza." 

"Pero paano po kami makakatulong?" wika ni Mariel na hindi inaalis ang tingin kay Imhar. 

"Ang isang nuno ay may kapangyarihang buksan ang isang lagusan at may kakayahan din isara ito at hindi na mabuksan kailanman. Ngunit dahil ang aming punso ay nababalot sa isang sumpa kahit mabuksan ang lagusan ay hindi pa rin makakarating dito ang kahit sino--" 

"Excuse me. Here's the plan. Why doesn't she just step inside so she can slip through the mirror?" 

Hindi ko maintindihan ang winika ng pangahas ngunit wala sa winika niya ang aking isipan. Hindi na ako makakapag pigil pa. 

"Isa kang pangahas." 

Malakas ang aking tinig at lumapit na ako sa pader at muling nagwika. 

"Ilang ulit ko na napupuna ang pagsingit mo sa aming usapan. Hindi ka nararapat magsalita kung ikaw ay hindi naman kinakausap. Ang dapat sa iyo ay nakatunghay lamang, nagmamasid at naghihintay ng ipaguutos sa iyo." 

Nagiinit ang aking mukha. Ninanais ko siyang lapatan ng aking kamay sa mukha. 

Sa buong buhay ko wala pa akong nakasalamuha ng tulad niya.

Kambal sa PunsoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon