Chapter 35
PAGSISISI
[Emilio's POV]
Binilin ko kay Enchang na sabihin kay Mariel na gagabihin na ako ng dating. Ang totoo ay dahil nagisip lamang ako. Malaki ang naging pagkukulang ko sa aking anak.
Mula ng mawala si Greca ang pagalaga sa kambal ay ibinigay ko na kay Enchang.
Kaya naman kahit nawala si Maribel ay hindi na din ako nagtangka pang hanapin siya dahil sa takot na pati si Mariel na natitira sa akin ay kunin pa niya.
Pero hindi tinigilan ni Mariel ang paghahanap sa kanyang kapatid kaya naman naisip ko na ilayo siya pero hindi siya pumayag sa kagustuhan ko.
Alas siete na at siguradong nagsisimula na ang kanyang party. Nasa tapat na ako ng gate at naririnig ko na ang ingay at pagbaba ko doon ay sumalubong sa akin si Alberto at si Enchang.
"Emilio ang mga bata ay nawawala."
Hysterical na sabi ni Enchang. Tumingin ako kay Alberto at nakatingin lang siya sa akin at nagaalala.
"Baka nasa kwarto lamang."
"Wala kuya. Tinawagan ko na din ang bahay nila Billy at nina Rein at Justin at nabanggit nila na hindi naman daw umuuwi ang tatlo at ang paalam sa kani-kanilang pamilya ay tatlong araw na mamamalagi dito."
Tumingin ako kay Enchang.
"Totoo iyon. Hindi umuuwi ang mga batang iyon hindi ko lamang sinabi sayo dahil alam kong hindi ka naman papayag. Kagustuhan ito ng anak mo."
"Oh asan sila kung ganon sinong nagaasikaso sa mga bisita?"
"Ang mga katiwala." sagot ni Alberto.
Humakbang na ako papasok sa loob at nakita ko na marami ng bisita. Kasunod ko naman sila at nagsalita ulit si Enchang.
"Kanina lang ay narito pa sila. Naghatid ako ng meryenda sa taas at naroon sina Mariel kasama sina Rein at Justin dahil si Angela at Billy ang nagaayos dito sa baba. Naku Emilio, hindi lumalabas ang anak mo tatlong araw na hindi mo man lamang siya kinakausap kung anong problema niya."
"Sa palagay ko naman ay wala Manang dahil wala naman nababanggit si Angela sa akin." sabi naman ni Alberto.
Tama naman si Enchang sa kanyang sinabi. Nakarating na kami sa kwarto ni Mariel at wala nga sila doon.
"Isang oras palang sila nawawala. Kanina ay nakita ko lang si Billy sa garden kasama si Angela ng sawayin ko at umakyat na sila sa taas. Pinaakyat ko ang isang katiwala para pababain na ang mga bata ay wala naman na sila doon kaya tumawag na ako agad dito kay Alberto."
Inakbayan ni Alberto si Enchang.
"Kumalma ka lamang Manang siguradong ayos lang ang mga bata kasama nila ang tatlo hindi nila papabayaan ang mga yon."
Huminga ako ng malalim at tumayo mula sa pagkakaupo sa kama. Lumapit ako sa veranda at binuksan yon.
Maya maya ay lumapit ako sa bintana at binukasan din yon ng mapansin ko ang puno ng mangga.
Lumiliwanag yon.
Lumingon ako sa dalawa at biglang tumakbo palabas. Sumunod naman sila sa akin at dahil sa may pool ginaganap ang party walang tao sa sala papuntang Garden.
Nang makalabas ako doon napatigil ako dahil nakita ko si Rein sa tabi ng puno at kitang kita ko ng ilusot niya ang kamay niya roon at lumagos.
Hindi ko na napansin ang pag takip ni Enchang ng kanyang bibig upang pigilan ang pagsigaw dahil nakatuon ang paningin ko ay sa inaalalayan ni Rein.
Maging si Rein ay napuna ko rin. Sugatan at nakita ko he pull a body at nagulat ako ng makita ko ang katawan ni Justin duguan at walang buhay.
"Diyos ko."
Narinig kong sabi ni Enchang at si Alberto ay lumapit upang tumulong. Hiniga nila ito sa may bermuada. Napaluhod ako ng makita ko ang katawan ng aking anak.
Dahan dahan naglaglagan ang luha sa aking mata. Huli na ang lahat. Huling huli na ang lahat. Naririnig ko ang pagiyak ni Enchang sa aking tabi at namamanhid naman ang aking buong pagkatao dahan dahan akong lumapit sa katawan ni Mariel.
Inilabas pa nila ang isa pang katawan at kilala ko iyon ang kasintahan ni Alberto habang yakap ko ang katawan ni Mariel ay kita ko ang pagkabigla ni Alberto at--
"Si Angel?"
"Ligtas po siya." sabi ni Rein.
Hinintay kong si Angela at si Billy ang lumabas ng puno pero nakita ko lumabas doon si Mariel. Inilayo ako ang aking sarili sa aking yakap na katawan at tiningnan ko si Mariel.
Lumapit siya sa akin at yumakap.
"Sorry Pa. Hindi ko siya naibalik ng ligtas."
Niyakap niya lang ako at ako naman ay nakatingin lamang sa anak ko na wala ng buhay.
"Maribel!"
BINABASA MO ANG
Kambal sa Punso
RomanceMagkaiba ang kinalakihang mundo ng kambal na sina Mariel at Maribel. Si Mariel ay lumaking normal at maraming kaibigan. Nag-aaral sa isang kilalang Unibersidad. Ngunit hindi siya masaya. May kulang. Ang kanyang kapatid. Si Maribel ay lumaki sa isang...