Chapter 5
KWENTO NG PUNSO
[Maribel's POV]
Mahigit na labing anim na taon na ang nakakalipas ng dumating ako dito sa kaharian ng punso.
Ngunit kahit minsan ay wala namang pagbabago sa mga kalakaran dito. Nakasanayan ko na rin ang pamumuhay dito. Ang mabuhay ng malungkot.
Sa unang mga araw na narito ako, wala akong ginawa kundi ang lumuha. Dalawang taon pa lamang ako noon at ang panahon na yon ay nanganga-ilangan pa ako ng pagkalinga ng isang magulang.
Marahil, kung nabuhay ako dito sa punso na wala si Imhar sa aking tabi ay marahil matagal na ako pumanaw sa lungkot na aking pinagdaanan sa ilang panahon na yon na lumipas.
Si Imhar ay isa sa makapangyarihan nuno at siya lamang ang natatangi kong pinagkakatiwalaan.
Kapatid niya si Fonza. Sa kanilang dalawa, si Imhar ay ibang iba sa kanyang kapatid. Mabait at mapagmahal siya, hindi tulad ni Fonza na malupit.
Dati maganda ang kaharian ng punso, ngunit dahil na rin sa kasakiman ni Fonza sa pag ibig niya sa aking ama ay naglikha ito ng malaking pagbabago sa buong kaharian, ayon sa kwento sa akin ni Imhar.
Nang mabigo siya sa pagibig sa aking ama, ang paraiso at tahimik na mundo ng mga nuno ay napalitan ng poot at kadiliman.
Mula ng dumating ako rito sa kaharian ng punso, kahit minsan ay hindi ko sinunod ang mga payo at ang mga ipinag uutos ni Fonza.
Madalas ko salungatin ang kanyang mga kautusan na siyang naging daan upang matuto akong maging matatag at matapag habang ako ay lumalaki sa lugar na ito.
Ang kautusang tawagin siyang 'Mahal na Reyna' ay ni minsan hindi namutawi sa aking mga labi.
Maging ang mga kawal na tumatawag sa akin ng 'kamahalan' ay mariin kong ipinagbabawal sa bawat kawal na makasalamuha ko.
Sa mundong ito walang maaaring makapanakit sa akin dahil ako ang kapatid ng susunod nilang Reyna.
Iyon ang sumpa. Ang palakihin ang aking mahal na kapatid sa aming mundo at sa takdang panahon ay ililipat sa kanya ang korona.
Sa tikas at tapang na masisilayan sa akin ng mga nuno hindi nila aakalain na ang isang katulad ko na kanilang tinitingala at iginagalang ay may kahinaan pag sapit ng gabi na ako'y napapag isa sa aking silid.
Madalas lamang akong lumuluha. Tinutunghayan ko ang aking sarili sa isang salamin.
Sa bawat panahon na dumaan sa aking buhay wala na akong maalala sa lahat ng taong nakasama ko noon.
Ang wangis ng aking ama, maging ang larawan ng aking ina, si Ate Angela at ang kanyang ama ay hindi ko na maalaala.
Sa bawat pagtunghay ko sa salamin isa lamang ang alaala na pumapasok sa aking isipan. Yon ay ang aking kakambal.
Sa tuwing nakatunghay ako sa aking sarili nakikita ko ang malungkot na mukha ni Mariel.
Madalas, inaalala ko ang kanyang kaligtasan dahil isa siyang mahina at baka walang nagtatanggol sa kanya.
Sa bawat gabi at sa bawat panahon ng aking pag iisa. Ang luha ko lamang ang tanging saksi sa hinagpis at pangungulila ko sa aking kapatid.
Naaalala pa kaya niya ako? Hinahanap niya kaya ako? Kahit minsan kaya ay naramdaman niya ang pagmamahal na madalas ko iusal sa hangin
upang liparin iyon at maipaabot ko sa kanya ang mahigpit kong yakap at pag mamahal?
BINABASA MO ANG
Kambal sa Punso
RomanceMagkaiba ang kinalakihang mundo ng kambal na sina Mariel at Maribel. Si Mariel ay lumaking normal at maraming kaibigan. Nag-aaral sa isang kilalang Unibersidad. Ngunit hindi siya masaya. May kulang. Ang kanyang kapatid. Si Maribel ay lumaki sa isang...