Chapter 36
BAGONG SIMULA
[Mariel's POV]
Mabilis lumipas ang panahon. Isang taon na ang lumipas matapos mangyari ang bangongot na yon. Hinding hindi ko yon makakalimutan.
Yon ang pinaka masaya at pinaka masakit na pangyayari sa aking buhay. Biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko.
"Hoy! Are you coming or not?"
Tanong ni Ate Angela. Pupunta kami sa memorial park. Birthday ni Papa at last year pa kami nagsimulang mag celebrate doon para kahit may pumanaw kaming kaanak buo pa din ang aming pamilya.
"Oh Sorry I'm coming."
Umalis na siya at ako naman kinuha ang bag ko. Pagbaba ko sa sala hinihintay ako ni Rein.
"Ang tagal mo naman, ikaw na lang ang hinihintay namin nauna na sina Tito don."
"Sorry naman, ang sungit naman nito hay kapag si Justin hindi niya ako sinusungitan ng ganyan."
Dumiretso na kami sa sasakyan. Nakarating na kami doon at para lang kami nagpipicnic sa park.
"You're late." sabi ni Papa na nakangiti at lumapit ako sa kanya para yakapin.
"Happy birthday!"
"Thanks!"
Hinanap ng mata ko si Ate Angela at nakita ko sila sa puntod ni Imhar lumapit ako doon at tumabi sa pagkakaupo nila.
"Mommy nasan ka man ngayon alam ko masaya ka kasi malaya na kaming lahat. It's so sad that you didn't able to be with us pero andito ka lang sa aming puso. Sana nakasama pa kita ng matagal para naranasan ko ang mahalin ng tulad mo. But no matter at least nakapagpahinga kana."
Nakita ko na wala sa loob na hinawakan ni Ate ang kwintas niya. Nagsalita ako at humarap sa puntod ni Tita Imhar.
"Masuwerte si Maribel at naranasan niya magkaroon ng isang ina. Thank you Tita I wouldn't be here sitting in front of you kung hindi mo niligtas ang buhay ko."
Tumingin ako kay Ate Angela at ngumiti siya sa akin. Tumayo siya at bumulong--
"Una na ako sa inyo ha? May surprise daw sa akin si Billy." she said while giggling.
Napatingin naman ako sa naiwan na si Maribel nagkatinginan kami at tumawa. Tumingin siya sa kay Imhar at nagsalita naman ako.
"Napansin ko na ang nasuot ko palang damit ay katulad na katulad ng sayo ha ha."
"Ayos lamang yon." sabi niya at nagsalita siya.
"Imhar, mahal kong ina. Hindi ko alam ang mangyayari sa akin kung hindi mo ako ginabayan sa aking paglaki. Maraming salamat. Hindi ka man nakasama ng iyong si Iziah narito ako upang buhayin ka sa kanyang alala." sabi niya at hindi ko napansin na nasa likod na namin si Rein.
Bigla niyang kinuha ang kamay ni Maribel at lumayo na sila. Napatayo ako teka mukhang nagkamali ata si Rein.
"Rein."
Tawag ko pero hindi na niya ako narinig. Lumapit naman sa akin si Justin at inakbayan ako.
"Hey Babe."
BINABASA MO ANG
Kambal sa Punso
RomanceMagkaiba ang kinalakihang mundo ng kambal na sina Mariel at Maribel. Si Mariel ay lumaking normal at maraming kaibigan. Nag-aaral sa isang kilalang Unibersidad. Ngunit hindi siya masaya. May kulang. Ang kanyang kapatid. Si Maribel ay lumaki sa isang...