Chapter 4
MALIKMATA
[Rein's POV]
"Mariel!"
Napalingon ako ng tinawag ni Justin si Mariel na kakarating lang. Nilapitan niya iyon at inakbayan.
"I am telling to your cousin to accept Billy's proposal so we can come here every day. See I wanted to check that old mango tree back at your garden. That tree, sounds to me, was full of mysteries."
Nakatingin lang ako kay Mariel at nakita ko na tumingin siya kay Angel at tiningnan din niya ang bulaklak na hawak nito.
Hindi ako nagbago sa pagkakaupo ko hindi gaya ng napuna ko kay Angel na nabigla sa pagkakita niya kay Mariel.
"Proposal?"
Sa tanong na yon marahil ay hindi alam ni Mariel na nililigawan ni Billy si Angela. Sa mga panahong ito gusto ko hilahin sa kwelyo si Justin para maupo na lang sa tabi ko.
"Yeah! Billy's courting Angela didn't you know that?"
Nakatayo lang sila at nakaakbay pa din si Justin kay Mariel.
"Nililigawan?"
Nakita ko na nagulat siya sa sinabi ni Billy. Ibinalik ko ang paningin ko sa nilalaro ko at naisip ko lang.
Gusto ba ni Mariel si Billy?
Bestfriend si Mariel at Angela bukod sa mag pinsan sila pero bakit yon hindi nakarating kay Mariel? Bakit kailangan itago ni Angela kay Mariel na nililigawan siya ni Billy?
Nagfa-flash back sa isip ko ang mukha ni Mariel at hindi ko namalayan game over ako.
Badtrip.
Pinindot ko ang button para magre-start ng game ng maupo sa tabi ko si Mariel. Pinagpapawisan ako, biglang uminit sa paligid bukod don bakit parang hindi 'ata ako humihinga?
"Oh akala ko ba manliligaw ka kay Ate? Eh bakit ako ang tinitingnan niyo?"
Nagsalita ulit si Mariel at nilingon ko siya na tumingin ulit siya sa hawak kong psp. Naramdaman ko ang pag hinga niya ng malalim at tumingin siya sa akin at nginitian niya ako pero binalik ko na lang ang paningin ko sa nilalaro ko.
Bigla siya lumayo sa akin. Hindi ko inaalis ang paningin ko sa nilalaro ko pero ang mata ko ay palihim na nakatingin sa bawat kilos ni Mariel.
Lumapit siya kay Justin na busy sa pagbabasa ng magazine. I shake my head. Ano bang utak ang meron ako? Pakiramdam ko para akong baliw.
Tumayo ako at lalabas muna ako sa may garden. Nakarating na ako at naupo ako sa may mesa na malapit sa may puno ng mangga.
Tinaas ko ang isa kong paa sa isa pang upuan?
Kinuha ko ang panyo sa bulsa ko pinunas ang pawis ko. 'What was that?'
Lagi ko naman nakakasama si Mariel.
There's a lot of times that we're together at sa totoo lang close naman kaming tatlo ni Justin. Hindi nga kami nagkakailangan kahit nga dati noon nag camping kami natulog ako na katabi si Mariel pero wala lang yon.
Hinawakan ko ang dibdib ko. Ang lakas lakas ng tibok nito. Bakit bigla akong kinabahan ng mapalapit sa akin si Mariel.
Masama 'to. Napalingon ako ng nakita ko na lumabas sina Mariel at Justin sa pinto. Nagtatawanan sila.
Lumapit sa akin ang dalawa at kahit ang tingnan si Mariel ng diretso hindi ko magawa.
"Narito ka lang pala." sabi ni Justin na tinanggal ang pagkakapatong ng paa ko sa isang banko at naupo doon.
Bihira lang magtagalog si Justin kaya naman sa tuwing magsasalita siya ng tagalog gusto ko tabunan ang tenga ko.
Ang sama kasing pakinggan. Hindi ako nagsalita at panay naman ang bungisngisan ng dalawa. Tinuon ko ang paningin ko sa puno ng mangga. Napalingon ako ng magsalita si Mariel.
"Makasaysayan ang puno na yan." sabi niya na hindi inaalis ang tingin sa puno ng mangga.
Pinagmamasdan ko siya at may panibagong expression na naman akong nabasa sa mukha niya.
"Is it true, that tree was planted even before you were born?"
Tanong naman ni Justin at sa puno na ng mangga natuon ang usapan namin.
"Oo. Naniniwala ba kayo sa mga nuno?"
Tanong ni Mariel but she was particularly looking at me. Hindi ako nagsalita pero si Justin ang sumagot.
"No. Of course not." sabi niya at tinuloy niya ang sasabihin niya habang papalapit siya sa puno ng mangga.
"For me, the truly fact is first to see before to believe. I mean, why believe if you don't have any references of proof?"
At tinapik tapik pa niya ang puno ng mangga. Lumayo siya doon at naglakad papasok ng bahay.
"Saan ka pupunta?" tanong naman ni Mariel.
"Nature's calling, you coming?"
"No, you're disgusting!"
Lumingon ito at maya pa ay dumiretso na sa loob. Nakatingin lang ako kay Mariel at kakaiba talaga ang pakiramdam ko ngayon.
Bakit ganon?
Malungkot ang mukha niya at nagsalita na nakatingin lang ay sa puno.
"Ako, naniniwala ako sa mga nuno."
Sa totoo lang naman kasi mahirap paniwalaan ang mga super natural na mga usapin na yan.
Noong bata pa ako. Ang lola ko hindi ako pinapalapit sa mga gubat lalo na at bata pa ako noon kasi nga daw kapag dapit hapon lumalabas daw ang mga super natural na yan.
Pero as far as I am concern, wala pa ako napatunayan.
"Ikaw Rein, do you believe?"
I look at her intently, hindi kasi ako ang uri ng tao na mahilig magsalita.
"O-Oo."
I nod. Pakiramdam ko tuloy hindi ako naging tapat sa sinabi ko.
"Mag two-two years na tayong magkakaibigan at kayo ni Justin ang bestfriends ko bukod kay Ate Angela. Do you think I can convey you into something that was so important?"
Napatitig ako sa kanya. She actually is going to tell me something that's really important. Meaning? She going to trust me in too much I'm expecting from her?
Magsasalita pa sana ako ng biglang lumabas ng bahay ulit si Justin.
"Hey! I've been in the kitchen and Manang did tell me. Well, do you or did you actually study about this?"
Hawak niya ang isang libro ng tungkol sa mga super naturals.
"You're weird." sabi pa ni Justin at nilapag ang libro sa mesa confirming the yes answer from Mariel's expression.
"You're weirder." at nagtawanan sila ng biglang sumilip si Angela sa may pinto.
"Tara kain na tayo."
"That's more like it."
Agad pumasok sa loob si Justin. Tumayo na rin kami at papasok na kami sa loob. Pagtayo ko nahulog ang susi ng kotse ko ng pulutin ko yon may napansin akong usok na itim.
I stop pero tumalikod na rin ako namalikmata lang siguro ako.

BINABASA MO ANG
Kambal sa Punso
RomanceMagkaiba ang kinalakihang mundo ng kambal na sina Mariel at Maribel. Si Mariel ay lumaking normal at maraming kaibigan. Nag-aaral sa isang kilalang Unibersidad. Ngunit hindi siya masaya. May kulang. Ang kanyang kapatid. Si Maribel ay lumaki sa isang...