Chapter 2
PUNONG MANGGA
[Angela's POV]
"Mariel dito ako mas komportable--"
tinigil ko ang pag gawa ko ng mga notes ko at tiningnan ko siya.
"Isa pa, do you think it's time for you to let go?"
She looked at me. Hindi siya nagsalita dahil siguro nag iisip siya. And she shake her head.
"No, Ate Angela. Malakas ang pakiramdam ko na malapit lang siya sa atin. Hindi ako titigil hanggang hindi natin ulit nakikita ang kapatid ko."
Kinuha niya ang libro niya at binuklat yon. Napailing na lang ako at tinuloy ko ang ginagawa ko. Ilang oras ang dumaan at lumabas si Manang Enchang na may dalang meryenda.
"Oh,'eto magmeryenda muna kayo."
Nilapag niya iyon sa mesa at tumingin sa akin.
"Tumawag si Billy papunta na daw sila dito."
"Sige po salamat."
Tumingin ako kay Mariel na kumuha ng isang basong juice. She sip at hindi niya inaalis ang tingin sa akin.
"Anong gagawin ni Billy dito?"
Hindi ako tumingin kay Mariel crush niya kasi si Billy at hindi ko pa sinasabi sa kanya ng nanliligaw ito sa akin.
Bago pa ako makapagsalita lumabas si Tito Emil at tinawag si Mariel. Tumayo siya but she's stamping her foot papasok.
Hindi talaga sila mag kasundo ni Tito Emil. Naisip kasi niya na hindi hinanap ng Papa niya si Maribel.
Well, hindi ko din naman nakita na nag effort si Tito para doon.
Ako, mabuti na lang at mahal na mahal ako ni Daddy. Kahit wala na ang Mommy ko hindi niya ako pinabayaan.
Sabi kasi ni Daddy umalis daw si Mommy at hindi na bumalik pero sabi ni Daddy wag daw ako magtatanim ng sama ng loob or galit kasi daw mahal na mahal naman daw ako ng Mommy ko.
May malalim daw itong dahilan kaya hindi na nakabalik pa.
Nasa state ako ng malalim na pag iisip ng biglang lumapit sa akin si Billy.
Kasunod niya sila Rein at Justin ang mga kaibigan namin ni Mariel sa SCM College.
Nakatago ang isa niyang kamay sa likoran niya pero hindi niya naitago ng maayos ang flowers na dala niya.
He gave it to me at naupo siya sa may tabi ko. Sina Rein at Justin naman ay sa harap namin.
"Look! That tree is too big."
Turo ni Justin sa puno ng mangga. Ngayon pa lang kasi sila nakapunta dito sa may garden namin madalas lang na madala ko dito ay si Billy.
"Oy, pwera nuno." saway ko sa kanya.
"Ano?" tanong naman ni Billy sa akin.
"Wala kinontra ko lang ang sinabi niya."
"For what?" sabi ni Justin na kinuha ang isang sandwich na supposed to be para kay Mariel. Binuksan yon at kinagat.
"Para hindi ka paglaruan ng mga nuno na nakatira sa puno na yan." sabi ko sabay amoy sa mga bulaklak na binigay ni Billy.
"Ha Ha Ha Ha"
Malakas na tawa ni Justin na halos mabulunan sa kinakain. Buti na lang at lumabas si Manang Enchang para magdala ulit ng meryenda para sa mga bisita.
"Nineteen years old kana Angel and you believe for those superstitious of oldies?" sabi nito at sabay kuha sa isang baso na nilapag ni Manang.
Tumingin siya kay Manang na nagsalita. "Ako man hindi rin naniniwala--"
"See? Even Manang never believes in that old fool craps."
Tumatawa pa din siya nang ituloy ni Manang ang pagsalita.
"Hindi ako naniniwala hanggang sa napatunayan ko isang beses. Ang punong yan ay wag ninyo pag laruan dahil matanda na yan. Nakatanim na yan bago pa kayo ipinanganak."
Ibinalik ni Manang sa tray ang mga nilapag niya.
"Hali, doon kayo sa sala, wag na kayo dito at masama ang pakiramdam ko sa lugar na ito."
At tumalikod na siya at ako naman ay tinulungan ni Billy sa mga gamit ko at sa mga naiwan ni Mariel. Pumasok na kami habang panay pa din ang tawa ni Justin.
"Manang sounds so creepy. ha ha ha"
At sabay kinutusan siya ni Rein kaya lang siya nagtigil.
"Bawasan mo kakulitan mo at wala tayo sa sarili nating bahay. Alam mo naman kung gaano ka strikto sina Tito." mahinang sabi ni Rein.
BINABASA MO ANG
Kambal sa Punso
RomanceMagkaiba ang kinalakihang mundo ng kambal na sina Mariel at Maribel. Si Mariel ay lumaking normal at maraming kaibigan. Nag-aaral sa isang kilalang Unibersidad. Ngunit hindi siya masaya. May kulang. Ang kanyang kapatid. Si Maribel ay lumaki sa isang...