Chapter 33
PAGKAWALA NG INA
[Mariel's POV]
Nakatulala akong nakaupo lamang. Wala akong lakas upang tumayo at lapitan sila Justin.
Parang nililipad ang aking utak at patuloy lamang ang paglaglag ng masaganang luha sa aking pisngi.
"JUSTIN!!!!"
Parang natauhan ako sa sigaw ni Maribel. Lalo akong napaiyak ng malakas. Sa sigaw na iyon isa lang ang ibig sabihin noon.
Wala na siya. Nangyari na ang aking panaginip.
"Justin." sabi ko pero mahina lamang at naramdaman kong humaplos ang kamay ni Imhar sa aking likuran kaya humarap ako sa kanya upang yumakap.
Kaibigan ko si Justin at napakasakit isipin na wala na siya dahil sa pagligtas niya sa kapatid ko. Ano ang sasabihin ng kanyang mga magulang paano ko sasabihin na namatay siya dahil sa isang nuno.
That will be a very stupid story at sapalagay ko I deserve to put into Mental Hospital. Napahiwalay ako kay Imhar ng makita kong tumayo si Maribel. Narinig ko naman ang mahinang pagsalita ni Imhar.
"Maribel hindi."
Napalingon ako muli kay Maribel ng magsalita siya.
"Wala kang kasing sama Fonza. Kailanman, anuman ang iyong gawin, hinding hindi mo mapapalitan ang sakit ng katotohanan na hindi ka iibigin ng aking ama. Buhay ang kinuha mo at buhay rin ang magiging kapalit noon."
lumapit siya sa isang kawal upang kunin ang isang spear doon. Muli siyang nagsalita habang si Fonza naman ay unti unting naglalakad sa gitna kung saan maraming katawan ng mga kawal ang nakahiga don at walang buhay.
"Hindi ako ganoon ka mangmang Fonza--"
Sumunod siya kay Fonza at ngayon ay para lamang silang umiikot doon at handang maglaban.
"--alam ko ng inusal mo ang isang sumpa ay hindi mo kailanman winika sa kahit na sino. Ipinabatid mo sa kanilang lahat na ang aking kapatid ang iyong magiging taga pagmana. Ipinabatid mo sa kanila iyon na hindi mo nalalaman na maaari ko ito maisip dahil sa hindi mo sinasadyang pagsiwalat. Fonza, ang aking kapatid ang iyong taga pag mana ngunit nagawa mo akong alukin ng iyong kapangyarihan?"
Ha ha ha tumawa ang aking kapatid at hindi ko nakita ang kahit anong bakas ng tagumpay sa kanyang mga mata kundi ang sakit na kanyang nararamdaman.
"Iyon ang iyong ipinabatid sapagkat batid mo na kailan man ay hindi ko magagawang paslangin ang aking kapatid na iyong magiging katapusan?"
Lumingon ako kay Fonza at nakita ko ang takot sa kanyang mata. So meaning kung sino ang magiging tagapagmana ay siya lamang makakatalo kay Fonza?
Wait-- Bakit ako papatayin ni Maribel? Narinig ko na bumulong si Imhar sa aking likuran. Hindi niya yon sinasabi sakin kung hindi sa kanyang sarili.
"Kapag namatay ang tagapagmana, Mamamatay si Fonza?"
Nilingon ko siya at nakita ko ang biglang pagkatakot sa kanyang mukha.
Kailangan kong mamatay?
Nilingon ko ulit kung nasaan sina Maribel at nakita kong ibinaliktad niya ang spear patusok sa kanyang sarili.
Ano ang gagawin niya. Napalingon ako sa kay Fonza at naramdaman ko naman si Imhar na nasa tabi ko na siya.
"Hindi! Pagsisisihan mo iyan kapag itinuloy mo ang iyong nasa isipan."
Inangat niya ang kanyang kamay. Alam ko na ang kasunod noon. May mamamatay na naman at si Maribel iyon. Yon ang nasa aking panaginip.
Umiling ako.
"Hindi. Ayaw ko. Ayaw ko na ng ganito. Diyos ko."
Hindi ko mapigilan ang sarili ko. At hindi ko na alam kung ano pa ang ginawa ni Fonza ang alam ko na lamang ay sa akin niya itinapon ang kanyang kapangyarihan.
Hindi ko alam pero tumigil ang aking mundo. Nakita ko si Maribel na sumisigaw at maging si Ate Angel na sumisigaw rin at tumayo at dahan dahan tumatakbo papalapit sa akin.
Halos sa kanya napunta ang isip ko. Umiiyak siya at kasunod niya si Billy. Si Rein ay nakaupo sa tabi ni Justin na nakatulala lamang.
At tumulo ang luha ko. Hindi ako makahinga. At nakita ko na bumubuga ng dugo tulad ni Justin--
Si Imhar...
Ipinanggalang niya ang sarili niya sa akin. Napigil ko ang aking paghinga at ang mga luha ko ay buong naglaglagan muli sa aking pisngi.
Bumalik ang ingay at narinig ko ang sigaw ni Maribel at Ate.
"IMHAR!!!!"
"MOMMY!!!!"
It was a sudden ng makita ko sa harapan ko si Ate Angela at binuhat niya ang ulo ni Imhar. Si Billy ay umakbay sa akin at hinawakan ang aking kamay. I grasp it at hinigpitan ko ang kapit doon.
Hindi ko alam kung gaano ako katagal na hindi humihinga ang tanging nararamdaman ko lamang ay ang luha sa aking mata, ang sakit ng aking puso, at panginginig ng aking katawan.
"Mommy ko... Please please wag mo ako iiwan. No, Please hold on."
Umiiyak na sabi ni Ate Angela at doon pa lang ako huminga at yumakap kay Billy.

BINABASA MO ANG
Kambal sa Punso
RomanceMagkaiba ang kinalakihang mundo ng kambal na sina Mariel at Maribel. Si Mariel ay lumaking normal at maraming kaibigan. Nag-aaral sa isang kilalang Unibersidad. Ngunit hindi siya masaya. May kulang. Ang kanyang kapatid. Si Maribel ay lumaki sa isang...