Fonza

542 16 0
                                    

Chapter 28 

FONZA 

[Rein's POV] 

Paglabas nila Angela, nagkatinginan kami ni Mariel lumapit siya sa akin at yumakap. 

Hindi ko siya masisisi kung umiyak siya sa sobrang pag alala. Kahit naman kasi ako sobra akong nagaalala para kay Justin. 

May tiwala ako sa kanya pero hindi naman kasi ordinaryong laban ito. Umihip ang malakas na hangin kahit pa pinanatili naming nakasara ang veranda at ang bintana. 

Malakas yon at halos lumipad ang mga frames na nakasabit sa ding ding. Yakap ko pa rin si Mariel. At tumingin siya sa akin. 

"Paparating na siya." 

Bulong niya at nilibot ko ang paningin ko sa buong paligid. Sa may salamin nakita ko ang unti unting paglinaw ng isang image doon. 

Isang magandang babae na balot ng itim na kasuotan. Kung titingnan mo parang hindi damit ang suot niya kundi isang malaking tela na nakabalot lamang sa kanya. 

May hawak siyang itim na pusa at pula ang kanyang mata. 

"Masiyadong matapang ang iyong kapatid upang tangkain niya ako takasan." sabi nito pero nanatili lang kaming magkayakap ni Mariel at sa akin napunta ang tingin ng babae. 

"Hindi ba at mahigpit kong ipinagbilin sa iyo na layuan mo ang binata na yan?" 

Lumapit siya sa may kinatatayuan namin. Hindi ko na namalayan nakuha niya si Mariel sa akin at tanging kamay na lang ni Mariel ang hawak ko. 

"Let me go." 

Pagpupumiglas ni Mariel. Pilit ko siya hinila pero masiyadong malakas ang hangin. Narinig ko ang mga steps sa labas marahil ay paparating na sila Angela. 

Hindi iyon nakaligtas sa pandinig ng babae at umuhip muli ang hangin. Ilang saglit pa ay nasa isang malawak na silid na kami. 

Madilim at may isang upuan sa pinakang harapan. Lumingon ako sa paligid at maraming nakapalibot sa amin mga sundalo na may mahahabang tenga. 

"Ikulong ang tagalupa." sigaw ng babae kaya bigla akong napatingin at kinakaladkad na nila palayo si Mariel. 

"Mariel!" 

"Rein!" 

May humawak sa akin at ipinasok ako sa isang kulungan. Nakita ko si Justin don, walang malay at duguan. Nilapitan ko siya. 

"Justin. Justin?" 

Bahagya naman siyang umungol. Lumapit ako sa may rehas at tumingin sa paligid. Sa may malapit sa kinauupuan ng babae na nasisiguro kong si Fonza ay may isang babae na walang malay nakalutang siya sa hangin. 

Kung hindi ito titingalain ay walang makakapansin na nakalutang siya doon. At ang babaing yon ay ang Mommy ni Angela. 

Hinahanap ko si Mariel at kasama niya si Maribel. Magkayakap sila. Tumayo ang balahibo ko sa batok ng marinig ko ang halakhak ni Fonza. 

"Ha ha ha ha. Ang lakas din naman ng loob ninyo na labanan ako." sabi niya na nakatingin ay kina Mariel.

Nagsalita naman si Maribel at bahagya niyang inilagay sa may likuran niya si Mariel na takot na takot. 

"Hindi ka magtatagumpay Fonza. Hindi mo makukuha ang isa sa amin kahit na paslangin mo pa kaming lahat." matapang niyang sabi.

Tumayo si Fonza na nakangiti pa rin. 

Kambal sa PunsoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon