Chapter 16
PAGHIHINAGPIS
[Maribel's POV]
Hindi ako mapalagay sa aking higaan. Mula pa kanina ay masama ang aking nararamdaman. Hindi ko mawari ngunit pakiramdam ko ay may takot akong nararamdaman sa aking puso.
Wala naman akong kinakatakutan. Sa labing limang taon ko rito ay hindi pa naman nanganib ang aking buhay.
Ngunit bakit ganoon parang ang takot ko ay may kasamang pag dadalamhati. Mula sa kaibuturan ng aking puso ay matagal na ang aking pagka ulila sa aking kapatid.
Tama! Hindi kaya ang nararamdaman ko ay dahil sa aking kapatid? Naupo ako mula sa pagkakahiga. Ilang saglit ay biglang bumukas ang aking silid.
Si Imhar, sa mundo ng punso, walang umaga, walang gabi. Hindi gaya ko sila ay laging gising at kailan man ay hindi natutulog.
"Oh, hindi ba't dapat ay nagpapahinga ka pa?"
Wika ni Imhar na nabigla sapagkat ako ay nakatayo na at paroon at parito sa paglalakad.
"Ano ang bumabagabag sa iyo at hindi ka mapalagay?"
Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang dalawa niyang kamay.
"Imhar, hindi ko mabatid ngunit ako'y nakakaramdam ng takot sa aking dibdib."
Sa mata ni Imhar nabasa ko ang pag alala.
"Marahil ay masiyado mo lamang dinaramdam ang pagkapiit mo rito maging ang pangungulila mo sa iyong kapatid."
"Hindi. Iba ang pakiramdam ko ngayon."
"Huminahon ka muna."
At inalalayan niya ako upang maupo sa aking higaan.
"Hindi makakatulong kung patuloy kang magaalala. Ang mabuti pa ay maging mahinahon ka upang alam mo ang iyong nararapat na gawin."
Gawin?
Ano ba ang aking magagawa. Matagal na ako rito pero lahat na nag pagsuway ay aking nagawa ngunit mapa hanggang ngayon narito pa din ako.
"Batid mo Imhar na kahit na ano ang aking gawin ay wala naman akong magagawa."
Tiningnan ko si Imhar at may lungkot sa kanyang mga mata.
"Paumanhin at wala manlamang ako maitulong sa iyo."
Umiling ako at humarap kay Imhar. Muli ay hinawakan ko ang kanyang dalawang kamay.
"Hindi Imhar. Napakalaki ng tulong na ginawa mo sa akin. Kung mayroon na dapat na humingi ng pasensiya ay walang iba kung hindi ako. Kung hindi dahil sa akin sana ay nasa iyo pa ang iyong kapangyarihan. Kung hindi mo ako tinangka itakas noo'y sana hindi ka nahihirapan."
Umiling din si Imhar at may luhang tumulo mula sa kanyang mga mata.
"Bukal sa akin kalooban ang aking pag tulong. Itinurin na kitang parang tunay na anak."
"Ganoon din ako Imhar. Ikaw ang aking alalay hanggang sa ako'y lumaki. Kaya naman ikaw ang aking naging ina sa mundong ito."
Nagyakap kami. Sa ilang saglit na kami ay magkayakap ni Imhar. Naririnig ko ang mga tinig na parang nagmumula sa ilalim ng balon.
Unti unti ay humiwalay ako sa pagkakayakap kay Imhar. Ang buong akala ko ay ako lamang ang nakakarinig ngunit ng mapalingon ako kay Imhar, maging siya ay tahimik at lumilinga upang hanapin kung saan nanggagaling ang tinig na iyon.
"Naririnig mo din ba iyon Imhar?"
"Oo. At kung hindi ako nagkakamali ito ay nagmumula sa inyong mundo."
"Hindi kaya lumabas si Fonza upang puntahan ang aking kapatid?"
Iyon na marahil ang dahilan kung bakit nasakop ng takot ang aking puso.
"Hindi maaari sapagkat nanggaling na siya roon at sa kasalukuyan nasa trono niya siya ngayon."
At hinanap namin ni Imhar sa aking silid ang tining na mukhang nagmumula sa likod ng isang pinto.
BINABASA MO ANG
Kambal sa Punso
RomansMagkaiba ang kinalakihang mundo ng kambal na sina Mariel at Maribel. Si Mariel ay lumaking normal at maraming kaibigan. Nag-aaral sa isang kilalang Unibersidad. Ngunit hindi siya masaya. May kulang. Ang kanyang kapatid. Si Maribel ay lumaki sa isang...