Ang Binata

515 18 0
                                    

Chapter 24 

ANG BINATA 

[Rein's POV] 

Napalingon ako kay Angela at automatically napahawak ako kay Mariel pero binawi ko din dahil nagkatinginan kami at alam ko pareho kami nagblush. 

Pasaway talaga ang kamay ko. Gusto ko kasi sabihin kay Maribel na masarap ang pag ibig. 

Ano daw?? 

Naririnig ko ba ang sarili ko?? Napatingin ako sa kasama ni Maribel ng magsalita ulit ito. 

"Ang isang magiting na lalaki lamang na malinis ang hangarin na iligtas sa anumang kapahamakan si Maribel ang siyang maaari nating sabihin na pag ibig niya. Kahit siya ay isang ordinaryong tao lamang at kahit nababalot sa sumpa ang punso maaari siyang makarating dito upang iligtas si Maribel." 

"Ang hirap naman yata noon." sabi ni Billy.

Well he has a fair point paano namin madi-distinguish kung sino ang pag ibig ni Maribel? Lahat kami ay natahimk sa sinabi ng babae ng biglang nagsalita si Justin habang may laman na naman ang bibig. 

"She? no once gointo shave her--" (See? no once going to save her--

Nilunok niya yon at tumingin sa amin. 

"--the person with a pure heart can only save her? There's no way we can find that guy for a period of time. Isa pa, we can't bring all the guys here at ipagsaksakan ang sarili there in that stupid mirror just to prove that it was her pagibig." 

May sarcasm sa tono ng pananalita niya at nagpatuloy siya. 

"That was outrageous, no once going to believe us. They'll think we are insane and some crack fools." 

Hindi na namin siya pinansin pero narinig ko pa ang bulong niya. And was a sudden na pareho ata kami ng nasa isip kaya-- 

"Pag ibig. I can slip my hands through that mirror but if it's me I wouldn't--" 

Binalik ko ang tingin ko sa kanya at nagulat pa ang lahat ng magsalita ako kasi medyo napalakas. 

"Dude ikaw ang pagibig ni Maribel." 

Nilapitan ko siya at inakbayan habang medyo hinihila ko siya papalapit ng salamin. 

Siya naman ay halos parang hindi pa makapaniwala kasi sa kanya pa mismo galing ang idea na yon. 

"No Way. Yan? Na ah!!" 

At tinuro niya pa si Maribel. 

"Pare wala tayong pagpipilian. Ikaw lang nakakalagos sa salamin. Kailangan nating iligtas si Maribel hindi pwede na ayaw mo." sabi ni Billy.

Tumingin naman ako kay Maribel ng magsalita ito. 

"Kung ang isang hambog na tulad din lamang naman niya ang magliligtas sa akin hindi na bale. Yan ba ang sinasabing pagibig. Walang pag galang?" 

"No. Please Justin. Tulungan mo naman ang kapatid ko." 

Nilapitan ko si Mariel at hinawakan ko siya. Tiningnan si Justin. 

"Justin kahit para kay Mariel." 

Huminga naman siya ng malalim na ibig sabihin ay suko siya sa amin. 

"So what's the plan?" 

Sabi naman ni Billy na mukhang excited na parang mag a-outing lang kami. Lahat kami ay lumingon kina Maribel. 

"Sa pagbilog ng buwan. Humihina ang kapangyarihan naming mga nuno. At doon ang tamang pagkakataon upang makapasok ka dito at maging malakas ang iyong laban sa mga kawal. Sa inyong hardin sa puno ng mangga doon kayo magkita ni Maribel habang lilinlangin ko muna ang mga kawal upang maitakas mo siya. Kinakailangan ang inyong ibayong pagtutulungan at tiwala sa inyong mga sarili. Kung kayo ay mananatili sa inyong sitwasyon gaya ngayon hindi kayo magtatagumpay." 

Humarap siya kay Maribel. "Maribel, marahil ay masiyadong matalim ang iyong mga salita sa binata. Sige na humingi ka ng paumanhin." 

Tumingin naman sa amin si Maribel at pinagsalikop ang kamay niya. Para siyang isang prinsesa kung kumilos. 

"Ipagpaumanhin mo binata." 

Tiningnan ko naman si Justin at parang nakakita siya ng isang diwata. Nakatulala kaya I poke him hard on his ribs at nagsalita siya. 

"Erm-- hmm. I'm sorry for what I've said before." 

Narinig ko ang 'Oooyyy!' ni Billy at tiningnan ko naman si Maribel na hindi ko alam kung matutuwa ba siya oh magagalit ng maalala ko English nga pala sinabi ni Justin. 

"Er--Nagso-sorry, I mean humihingi din siya ng pasensiya sa mga sinabi niya kanina." 

Yon na lang nasabi ko at nakangiti silang lahat sa akin maliban kay Justin. 

"Just when you become an interpreter?" 

Kinutusan ko siya at sinabing  "Tagalugin mo kasi."

Kambal sa PunsoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon