Chapter 25
GOOD LUCK
[Mariel's POV]
Mabilis lumipas ang isang araw na yon. Dito natulog sila Rein sa kwarto ko.
Kami ni Ate sa kama, sa sofa naman si Billy at sa may baba naman sina Rein at Justin halos hindi rin naman kami natulog.
Hindi ko sukat akalain na ang takdang panahon at ang kabilugan ng buwan ay ang araw ng aking birthday.
Madaling araw pa lang noon pero gising na kaming lima at gumagawa ng plano.
"Here's the plan--" sabi ni Justin siya ang gumawa ng plano dahil siya naman ang papasok sa punso. "--when I get inside to that tree just give me ten minutes when I didn't get back you--"
Tinuro niya si Ate kasi si Ate ang mabubukas ng daan. "--going back here at Mariel's room and try to communicate with your Mum."
Hindi natapos ni Justin ang ilan pa niyang sasabihin dahil sa mumble ni Ate like 'She's not my Mum.'
Kaya naman pinatigil ko muna si Justin sa pagsalita.
"Ate why don't you give her chance?"
"It's easy for you to say that because you're not in my situation."
Napastraight ako sa pag upo sa sinabi ni Ate.
"Yeah right. It is your ego that you cannot accept that fact. Maswerte ka nga eh kasi bukod sa napakabait mong Daddy, you now know that your Mum's alive. Come of it, sayo na ang Papa ko, ikaw na ang mawalan ng kapatid or rather ikaw ang mapunta sa punso and I will be Tito Al's girl and that Imhar's daughter and I'll live like nothings wrong."
May sarcasm sa sinabi ko. I don't want to be rude pero kailan niya bibigyan ng pagkakataon ang Nanay niya kapag huli na ang lahat?
All eyes were looking at both of us biglang nagsalita si Billy.
"Hey guys. Kalma lang."
Tumayo si Ate at naupo sa sofa. Hindi naman siya sinundan ni Billy at nagsalita pa ulit si Justin.
"So, like what I'm saying before Erm-- communicate with them so you can do what you can for help. I'll just try to get Maribel in all ways I can manage."
Tumingin ako kay Justin. "Thanks and be safe ok. We'll cross our fingers."
At lumipas pa ang ilang oras umaga na. Dumating ang mga ni-hire ni Ate Angela na mag aayos ng mga gagawing program sa debu ko. In-assist muna yon nila ni Billy at naiwan kaming tatlo sa kwarto.
Pansin ko ang kaba ni Justin dahil halos hindi niya nagalaw ang mga pagkain. Madalas din ang pag upo niya at pagtayo, paglakad paroo't parito ng paulit ulit.
Even I, I can't help myself not to worry for him. Hindi nawawala sa isip ko ang panaginip ko.
Lumapit ako kay Justin na nakaupo sa sofa at hinawakan ko ang kamay niya. Naramdaman ko na malamig yon so I squeeze my hand to him.
"I'm sorry kailangan mo malagay sa alanganin dahil sa akin."
Ngumiti siya sa akin at nagsalita.
"You don't have to say sorry. Im not doing this for you right? We are doing this for Maribel. And papanindigan ko na I'm her pagibig."
Ngumiti ako sa kanya. For the very first time ngayon ko lang nakitang naging seryoso si Justin.
Hindi ko mapigilan ang sarili ko at naiyak na ako. Niyakap ko siya at nakatingin ako kay Rein na nakatingin lamang sa amin. Humiwalay sa akin si Justin at nagsalita.
"Just promise me one thing--"
"What is it?"
"If I die down there, give me a great burial ok?"
At tumawa ito. But I didn't take it funny at all.
Lalong bumilis ang tibok ng puso ko dahil alam ko kapag malapit ng mamatay ang isang tao ay nagiiwan siya ng mga bilin kaya naman tuluyan na ako umiyak ng umiyak.
Halos hindi ako mapatigil ni Rein at kahit sabihin ni Justin na 'I was just kidding.' It was never sound to me that way.
Lumipas pa ang mga oras at hapon na. Dumating na din sina Ate Angela.
"Pinasara na ni Manang ang garden. Baka daw kasi may pumuntang mga bisita sa puno. Alam mo naman yon ayaw ng may lumalapit don." sabi niya at nagsalita si Billy.
"Ano Justin ready kana ba?"
Lahat kami ay sa kanya nakatingin at lahat kami ay may bakas ng pangamba.
"Y-Yeah!"
Huminga ng malalim si Ate Angela at nagsalita.
"Well if you're ready, It's almost six PM tayo na sa baba."
Tumingin ako kay Justin niyakap ko siya at binulong na mag ingat. Niyakap at tinapik naman siya ni Rein sa balikat.
"Dude. Ingat ka. Bring Maribel back and yourself if you can. Good luck."
Pakiramdam ko kung hindi tense si Justin makukuha pa niya magbiro pero hindi na siya nagsalita at sumunod na kina Ate at Billy sa paglabas. Sumara na ang pinto at nagtinginan kami ni Rein.
BINABASA MO ANG
Kambal sa Punso
RomanceMagkaiba ang kinalakihang mundo ng kambal na sina Mariel at Maribel. Si Mariel ay lumaking normal at maraming kaibigan. Nag-aaral sa isang kilalang Unibersidad. Ngunit hindi siya masaya. May kulang. Ang kanyang kapatid. Si Maribel ay lumaki sa isang...