Iziah

506 21 0
                                    

Chapter 21 

IZIAH 

[Maribel's POV] 

Dahan dahan naming nilapitan ni Imhar ang pinto sa loob ng aking silid. Walang lagusan ang pinto na iyon. 

Isang pader ang nasa likod niyon at doon namin naririnig ang mga tinig na parang nagkakagulo. 

Bubuksan ko sana ng pinigilan ako ni Imhar. Hinila niya ako sa may likuran niya at siya ang dahan dahan na nagbukas niyon. 

Natambad sa amin ang isang silid na may mga tao na nagtatalo talo maliban sa isang babae na dahan dahang lumalapit sa pader at nakatingin sa amin. 

Tulad ko ay may maitim at mahaba siyang buhok. Ngunit ang kanyang kasuotan ay hindi pangkaraniwan. Ang kasuotan niya ay hindi ko masasabing maganda oh di kaya ay maayos sapagkat sa isip ko ay halos nakahubad na ang babaing ito. 

Magkawangis ang aming mukha. At dahil sila ay kakaiba ang kumudlit sa aking isipan ay marahil siya ang aking kapatid. 

"M-Mariel?" 

Naiusal ko. Tumingin ako kay Imhar na nakatingin sa isang babae. 

"Nakikita ba nila tayo Imhar?" 

Sumagot siya na hindi inaalis ang paningin sa isang babae.  

"Marahil Maribel." 

Ang kaguluhan ay biglang nawala ng magsalita si Mariel. 

"Maribel." 

Lahat sila ay sa amin na nakatunghay na parang ngayon lamang nila nabatid na naroon lamang kami. 

Isa isa ko sila tinunghayan. Kakaiba ang kanilang mga kasuotan. Magwiwika sana ako ngunit isang pangahas ang pumigil sa akin. 

"Wow, Mariel, Is she your twin sister? She kinda cute huh? With the dress like that? Or is it really a dress? Seems to me it's a gown for a party." 

Tinunghayan ko ito ng masama. Ang tulad niya ay isang pangahas. Napatunghay naman ako sa isang lalaki na katabi ni Mariel at ng pangahas na lalaki. 

"Sushh.. so what ever kung anong suot niya?" 

Humawak sa pader si Mariel na animo'y para lamang siya na kakulong sa isang salamin. 

"Maribel ikaw ba yan? Ang tagal kong hinintay na makita ka." 

"Maging ako aking kapatid." 

Napatingin ako kay Imhar ng makita kong nakatunghay pa din siya sa isang babae at nagsalita. 

"Ang kwintas na iyan--" 

Lahat naman sila maging ako ay napalingon sa kwintas na sinasabi ni Imhar na nakasuot sa babae. Hawak niya iyon at tinuhayan muli si Imhar. 

Ngumiti siya ng may pag aalinlangan. 

"Er-- Erm-- Galing po ito sa Mommy ko." wika nito.

Kung ano man ang winika nitong Mommy ay doon nag mula ang kwintas nito. 

"--ay sa aking si Iziah." 

Halos pabulong niya iyon winika kaya naman ang aking mata ay hindi naalis kay Imhar. 

"Ang kwintas na iyon ay sa iyong supling Imhar?" 

Sumangayon si Imhar na nakatunghay sa babae may mumunting luha sa kanyang mata. Lumingon ako kung nasaan ang aking kapatid at nag wika. 

"Aking mahal na kapatid batid kong hindi ito ang tamang panahon ngunit maaari ba naming masilayan ang M-Mommy na pinanggalingan ng kwintas na iyan?" 

Bahagyang ngumiti sa akin si Mariel at tumingin sa babae. Nagwika. 

"Ang Mommy oh ang ina na nagbigay ng kwintas na yan kay Ate Angela ay hindi na namin alam kung nasaan. Iniwan lang niya ang kwintas noon kay Ate." 

Ate Angela? Ang ibig bang ipahiwatig nito ay ito ang Ate Angela na nakasama na niya noon.

Kambal sa PunsoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon