Chapter 15
NALALAPIT NA
[Mariel's POV]
Hindi ako makagalaw sa kinauupuan ko. Gustuhin ko man tumakbo palabas ay hindi ko magawa.
Napuno ng takot ang aking puso at isip. Fifteen years ng huli ko nakita ang babaing ito, pero nasaan ang kapatid ko bakit hindi niya kasama.
Oo, noon ay mahina ako at iyakin. Si Maribel siya ang matapang at palaban pero wala si Maribel kailangan ko maging matapang.
"A-Anong g-ginagawa mo dito?"
Lakas loob kong tanong kahit na alam ko na halos pumiyok ang aking boses sa takot.
"Narito ako upang bigyan ka ng babala."
Sabi pa nito na dahan dahang naglakad sa may paanan ng aking kama.
"Nalalapit na ang kabilugan ng buwan, at narito ako upang ipabatid sayo na magbabalik na ang iyong kapatid."
Biglang nawala ang takot ko sa sinabi niya? Babalik na si Maribel ang ibig bang sabihin non ay hindi na sila magkakahiwalay pa?
Hindi na niya kailangan pa itanong ang mga nasa isipan niya dahil nagsalita ulit si Fonza.
"Ibabalik ko na ang kapatid mo upang ikaw ang kunin ko. Para sa iyong kaalaman, IKAW ang aking magiging tagapag mana."
ANO???
Taga pagmana? Ibig sabihin magkakapalit lamang kami ni Maribel ng sitwasyon? Naguguluhan ako.
"You're freak. Asan ang kapatid ko?"
Matapang kong sabi hindi na ako matatakot sa kanya. Kung ganoon ang mangyayari, kailangan ko maging matatag upang matakasan ko lahat ng kasamaan ng witch na ito.
Lumapit siya sa isang life size mirror sa kwarto ko. Karamihan sa mga gamit namin ay antiques kaya naman para na din talaga haunted house dito.
Isa na ang salamin na nilapitan niya. Ang akala ko nilapitan niya lang yon upang tingnan ang kanyang sarili ngunit humawi siya sa harapan niyon.
Sa lahat ng kilos ni Fonza nakatuon ang aking isip kaya naman ng mapatingin ako sa salamin ay nakita ko ang isang babae.
Sa katunayan, nakita ko ang aking sarili sa salamin. Ang pinagkaiba lang ay nakasuot ako ng isang violet gown. Yon ang tingin ko sa suot ko para lang akong pupunta sa isang school gatherings.
Mahaba ang kanyang buhok na halos hanggang sa bewang kulay itim.
Wala sa sarili ay kinapa ko ang aking sarili upang patunayan na hindi ako ang babaing yon na kausap ang isang babae rin na may mahahabang tenga kagaya ng kay Fonza.
Ang babaeng yon ay may maamong mukha. Para ngang nakita ko na siya hindi ko lang masabi kung saan.
Ilang saglit pa hindi ko namalayan na nasa harap na ako ng salamin at pinagmamasdan ko ang aking sarili na alam ko na ang aking kapatid.
Siya si Maribel. Tumutulo ang luha ko. Ang mahal kong kapatid nakikita din niya kaya ako? Nawala ang isip ko sa mga iniisip ko ng biglang magsalita si Fonza.
"Hintayin mo ang takdang panahon. Ang lahat ng iyong mga gawain ay aking nalalaman. Kaya naman winiwika ko sa iyo na-- sa kabilugan ng buwan magaganap ang nakatakda. At iwasan mo ang lalaking taga lupa. Kung ayaw mo na pati siya ay madamay sa lahat ng ito."
"Ang sama mo. Ang sama sama mo? Bakit mo ba ito ginagawa sa amin?"
Isang kisap mata ko ay wala na si Fonza sa harap ko. Nilingon ko ang salamin at ang sarili ko na lamang ang aking nakikita.
"Maribel."
Umiyak lang ako ng umiyak. Pakiramdam ko ang ilang minuto ko pa lang na naiitulog ay mahaba na din pala dahil alas tress na ng umaga.
Bumalik ako sa aking kama at niyakap ko ang aking unan. Nakita ko ang kapatid ko hindi sa panaginip.
Ang aking kapatid. At ang sabi ni Fonza layuan ko ang lalaking taga lupa? Sino? Si Rein ba ang sinasabi niya? Dahil si Rein lang naman ang lagi kong kasama.

BINABASA MO ANG
Kambal sa Punso
RomanceMagkaiba ang kinalakihang mundo ng kambal na sina Mariel at Maribel. Si Mariel ay lumaking normal at maraming kaibigan. Nag-aaral sa isang kilalang Unibersidad. Ngunit hindi siya masaya. May kulang. Ang kanyang kapatid. Si Maribel ay lumaki sa isang...