09

61 14 1
                                    

Jenny's POV

Anong sasabihin ko? Alam niya na? Wala akong masabi. Dapat ko bang sabihin?

Mahal na mahal ko tong si Samantha at ayoko siyang masaktan ng dahil lang sa mga kasinungalingan ko na hindi ko masabi sabi sa kanya.

Maraming mga mangyayari kapag sinabi ko sakanya. Maaaring hindi ko na siya makita. Hays. Maaari ring mawalan ang daddy ko ng trabaho. Kapag sinabi ko. Anong gagawin ko?

'Wala kang pagsasabihin nito. Naiintindihan mo? Kapag nalaman 'to ni Sam, maraming kamalasan ang mangyayari sa pamilya mo.'

"Hey guys! Kain na tayo? Andoon na yung foods na niluto ko. Alam kong magugustuhan niyo yun. Promise. Simple lang sila pero sobrang sarap. Kumuha na tayo sa labas. Nagkakainan na yung ibang mga kagrupo oh." sabi ni Carmina na bigla bigla na lang sumulpot. Hays. 

"Oh sya, kain na tayo. Maya na ulit yang chika chika. Gutom na ko eh. Tara na nga Chandria." aya ni Alliah kay Chandria. Takaw talaga nila. Hanggang sa sumunod na silang lahat. Maliban lang samin ni Sam.

"K-kain na tayo?" Hays. Wala na kong masabi e

"Mauna ka na. Susunod na lang ako. Mag aayos lang ako saglit." sabi niya habang tinatanggal yung pusod niya. Hays. Kakaawa siya pero bawal kong sabihin eh. Dapat ko bang sabihin kay Sam yung totoo?



Sam's POV

Nakain na kami. After 25 minutes daw magpplay na. Anong gagawin namin? Sasayaw lang kami ng Mr.Chu by Apink. Yun yung tinuro samin ni Alliah e. Madali dali daw. Haha.

Pero kahit may problema na dumating sakin, pinipilit ko pa ding magpatawa o tumawa.

Nasimula na yung play. Nauna ang mga boys. Sabi kasi namin lagi na lang girls ang nauuna. Haha.

"Happy virus." sabi ng katabi ko. Ano daw? Virus? Pero bakit? Natawa lang ako dito eh.

Paglingon ko, wala na yung nagsalita. Hmm? Asan yung nagteleport? Ano siya si Kai?

Sina Cymon na yung magpplay. Haha. Ano naman kayang gagawin nila?

"Uhmm. Sa lahat ng nandito, gusto kong malaman niyo lahat na.. itong kakantahin ko ay para sa babaeng mahal na mahal ko. Pero.. iniwasan niya na ko." sabi ni Cymon. Gotcha. Ang hirap talaga ng posisyon na ginagawa ni Cymon. I mean, umaasa pa rin siya para sa taong mahal niya. Kahit na alam niya na na yung taong mahal niya ay may mahal ng iba. Hays. 

Hanggang sa natapos na siyang kumanta. Pero nakatingin pa rin ako sa kanya. Kay Cymon ha. Wag kayong ano dyan. Iniisip ko na sana may lalaki ring ganoon sa 'kin. Yung lahat gagawin para maging masaya ako. Lahat gagawin para sakin. Hays. 

Next na sila Luke. Eto namang si Jenny, kilig na kilig. Ewan ko ba kung bakit pero sobra na siyang adik kay Luke. Pero ako? No. Hindi ko siya crush. At never ko siyang magiging crush. Mark my words. Hehe. 

Inis na inis na nga siya sakin eh. Halata naman eh, nakakabwisit na siya.

Growl pala yung sasayawin nila eh. Pero infairness, magaling siya. Haha.

Sunod na kami. Sasayaw kami ng Mr.chu. Madali lang naman pala yung mga steps eh. Kaya kaya ko to. Fighting!

Nagsasayaw na kami. Sa gitna. Oo sa gitna nakakahiya nga eh. Naka palda kasi kami tapos iikot pa. Hayss.

Ng bigla kong naisip yung sinabi niya...

'I'm your boyfriend'

What the f.

Nang sa hindi inaasahan, bigla na lang akong natumba. Rinig ko pa silang lahat na nag aalala sakin pero hinayaan ko na lang ang sarili ko na pumikit. Para kahit paano, mabawasan naman yung mga hindi pagkakaintindihan sa utak ko.



Luke's POV

Anong nangyari kay panget? Biglaang natumba? Sinadya na naman niya yun eh, papansin talaga. tss.

Masyado na siyang papansin sakin ha. Halatang halata na. Eh ang panget naman niya. Akala mo naman kung sinong kagandahan.

May tumulong sa kanya at nagbuhat. Kaklase niya ata yun. Basta. Papunta silang clinic para tingnan kung anong sakit meron siya. Basta. Yun na yun.

Pero nung hindi pa siya natumba, napapansin ko rin na maputla siya. Teka, ano bang pake ko? May mahal na ko at hindi yun si Sam. Si Kaelyn lang ang mahal ko. Siya lang at walang iba. Nung mga nakaraang araw naman, nag ka ayos na kami ni Kae. Buti na lang talaga.

Pinapasok na kami sa mga room na naka assign. Syempre, itetext ko muna si Kae. At maggogoodnight ako sa kanya. Haha. Corny na kung corny. Mahal ko eh.

"Uy bro, tulog na daw sabi ni sir. Di naman magrereply yang si Kae e. Sure ako na busy na naman yun. Sinasayang mo lang yang oras mo sa kanya. Malay mo, may iba na pala." tsk. Sari sari na si Rayver e.

"Tulog your face! Mahal ko siya pare ha. Tandaan mo. Hindi ko siya ipagpapalit." Sabi ko habang tumalikod sa kanya.

"Kahit, ipagpalit ka niya sa iba? Di mo siya ipagpapalit? Bro, hindi lang si Kae ang babae sa mundo." sabi niya. Teka, pero bakit nga lagi na lang na busy si Kae. Hindi naman siya honor student. Projects? Ugh. 



Jenny's POV

Gising na 'ko. Pero silang lahat, tulog pa. Haha. Mamaya, ibibigay na yung mga certificates. Waa. Haha.

Katabi ko ngayon si Sam. Nandito naman siya sa room namin, pero hindi pa rin talaga siya nagigising simula nung natumba siya. Ano bang nangyari sa kanya?

Dahil ba yun sa tinanong niya sakin?

Dahil ba dun sa boyfriend niya?

Aish. No. Hindi yun noh. Pero sana po Lord, maayos na 'tong problema na to. Ayoko ko pong nasasaktan ang kaibigan ko. 

"Babe..." sabi ni Sam habang pikit.

Teka, nagslesleep talk siya? Never pa siyang nagslesleep talk ah. Never pa talaga. As in. Ngayon lang.

Pero.... babe?. Sinabi niya yung pangalan na babe or whatever. Huh? Ang gulo lang.

Pero bakit babe?

Nangbiglang nagring ang phone ko....

Tito Francis is calling....

Daddy ni Sam. Ohmyghad!

(H-hello po tito?)

(Jen, mamaya magkita tayo sa may office ko. I want to talk to you. Huwag kang magsasama ng iba. May importante akong sasabihin sayo.) sabi ni tito then inend niya na yung call.

Pero ang dami na talagang naitulong ng papa ni Sam sa amin. Tinulangan kasi siya ni papa nung muntik ng kuhanin yung pera ni tito Francis tapos ayun. Hinire ni tito si papa. Hindi naman kasi kami totally mayaman eh, okay lang. Pero nangangailangan pa rin kami ng nagtatrabaho. Nakakahiya na kasing humingi pa kami ng favor kay tito Kevin.

Pero dati rin, may kaya lang din sina Sam. Pero simula nung may nangyari. Nagbago lahat.

Yumaman sila. Basta. Marami. Pero...

Anong kayang sasabihin ni tito?

Tungkol kanino?

Tito Francis send a message...

Agad ko itong binuksan at..

Tito Francis: Agahan mo ha. Kung nagtataka ka, tungkol 'to sa anak ko.

Hindi na ko nagmessage pa. Hay. 

First, Last And OnlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon