Luke's POV
Nasa school na ko tapos si baby hinabilin ko muna kay na tita. Yung kapatid kong pangalwa saming magkakapatid? Ewan ko ba dun. Di na nagparamdam. Simula nung iniwan siya nung girlfriend niya ata. Hayy. Kaya eto, nakaupo na lang ako dito sa may upuan ko. Ano ba kasing pag uusapan? Sabado ngayon dapat nasa Mall kami ni Baby Ziah hayy ganun kami magbonding nung baby na yun eh. Hahaha. Sipag ko noh? Hahaha
Nagtatawag si Ma'am ng mga names kung sinong present at hindi. Pero heto ako, nakatulala. Matutunaw na ata tong chair na nasa harapan ko. Hahaha. Teka, pumasok ba si Sam? Parang di ko siya nakita ah.
"Mr. Buenavista?!" Sigaw ni Ma'am. Ano bang problema niya sa apelyido ko?
"Po?" Tanong ko. Hayss. Nagtatawag nga pala si Ma'am. "Present po." Hayy. Pag tingin ko sa may kanan ko, walang nakaupo. Nakakamiss talaga si Rayver kahit sobrang t*nga nun. Si Niko naman nasa likodan ko pero ayun nagbubuklat ng libro ang sipag niya ngayon. Hahaha
"Ok. Mamayang mga 10:40 pupunta kayong Function Hall, dun mag m- meeting. Ok? Pupunta lang akong Faculty room." Paalam ni Mam. Makapunta kaya sa room nina Sam? Hihingi lang naman ako ng sorry eh. Tsaka kailangan ko tong gawin para kay baby. Halos di na kumain ng ayos si baby ng dahil sa kanya. Ano bang pinakain ni Sam kay Ziah kaya nagkaganun? Samantalang, pag si Kaelyn yung nandun sa bahay, laging tahimik si baby.
Wala na kong magawa. Bumaba na ko at nagpasyang pumunta sa room nina Sam. Nakita ko ring umalis na yung adviser nila kaya peedeng pwede na kong pumunta dun. Yes! Pagsinuswerte nga naman oh. Haha
*knock knock*
"Who's there?" Si Alliah ang nagbukas nung pinto nila. Ako naman naka poker face lang. Ang waley kasi. Pa who's there who's there pa. Hahaha
Tiningnan ko yung buong classroom nila pero hindi ko nakita si Sam. Sa pagkakaalam ko, katabi ni Alliah si Sam? Bat wala si Sam? Imposible naman yubg umabsent dahil honor student siya kagaya nina Jenny. Hayy. Ganun ba siya ka affected sa sinabi ko?
"Sinong hinahanap mo? Si Cymon?" Tanong ni Alliah sabay ngiti ng malapad nung sinabi niyang Cymon. Ay nakoo. Inlababo na areng batang ari. Hahahhaa
"Tanga hindi. Si Sam?" Seryoso kong tanong at bigla namang lumapit sakin si Jenny at parang may gusto siyang sabihin.
"Waa! At bakit mo naman hinahanap si bee? Pag aalaga-in mo na naman siya noh?"
"Huh? Anong pag-aalaga-in? May sakit ka ba ha Lukoret?" Tanong ni Alliah. Shunga talaga neto kahit kelan.
Hindi pala alam ni Alliah. Hayy
"Ha? Wala akong sakit noh." Sagot ko kay Alliah.
Lumapit si Jeremy sa may pintuan kung nasaan kami.
"Nasa may court. May kasamang lalaki." Sabi ni Jeremy sabay balik dun sa pwesto nila ni Cymon. Court?! Marunong ba siyang magbasketball?
"Teka lang, (sabay hila sa kamay ko) at bakit mo naman pupuntahan si bubuyog ha? Ano bang kailangan mo kay Sam?" Hayss. Alam mo kasi Jenny, wag ka munang epal ah, kailangan ko ngayon si Sam. At walang makakapigil sakin.
"May sasabihin ako sakanya. Ok?" Paliwanag ko at sabay takbo sa may gate pero nandun yung guard. Tangines
"Kuya, may pinapabili nga pala si Ma'am sakin. Pang decorate daw ng room namin." Hindi na siya nagalin langan at binuksan niya na yung gate. Waaa! Malaya na koooo
Tumakbo na ko para siguradong makahabol pa ko kay na Sam. Pag dating ko dun, walang tao sa court. Pero may nakikita akong lobo sa likod nung court. At nakita ko si Sam. May kasama siyang lalaki pero nakatalikod siya kaya hindi ko makita yung mukha.
"Talaga? Ibig sabihin, super close talaga tayo dati?" Sabi ni Sam habang tawa ng tawa. Nakatayo pa rin ako dito at pinagmamasdan kung gaano kasaya si Sam.
"Oo. Haha. Pag minsan nga, napagkakamalan ba tayong mag boyfriend at girlfriend eh. Tapos ikaw naman nun, tawa ka lang tawa. Hahaha" sabi ni nung lalaki. Parang.. pamilyar yung boses sakin nung lalaking yun.
Pero ayoko namang lumapit sakanila dahil mas lalong magagalit lang sakin si Samantha. Ano? Pagmamasdan ko na lang sila? Tss
Kumuha si Samantha ng pagkain dun sa isang basket at pinagmamasdan ko lang siya ngayon. Masarap naman pala talagang kasama si Sam, palatawa din siya kagaya ko. Pero, hindi naman siya si Kae para mahalin ko. Si Kaelyn lang ang papakasalan ko. Oo. Tama. Hayy
"Ano pa? Kwento ka paaaaa" sabi ni Sam sabay tingin dun sa lalaki. Hindi niya ba ko napapansin? Oh hindi niya talaga ako papansinin?
"Hahahaha. Wait lang. Ano pa ba? Ayun, sa sobrang close natin dati nakilala ko na rin mga parents mo akala nga nila tayo eh. Haha. Pag minsan, sa inyo na rin ako natutulog. Parang kapatid mo na ko dati. Tapos si Ate Ash siya lagi yung nagttreat satin. Tanda mo pa ba?" Paliwanag nung lalaking kasama ni Sam. Si Samantha naman, nagiisip. Hahaha. Mukhang ewan.
"Kilala mo si Ate? Talaga? Oh god. Hays. Sorry talaga ah wala akong matandaan eh. Pwede mo ba kong tulungan para matandaan ko yung dati? Para kahit papaano hindi ako ma- awkwardan satin? Haha. Medyo awkward pa rin para sakin eh. Hahaha."
"Oo naman. Si Ate Ash pa nga naghahatid satin sa school dati eh. Pero simula nung may nangyari sayo.. hindi na kita nakita. Hindi ko nga alam kung saan ka pumunta nun eh. Akala ko nga, iniwan mo na ko." Andrama akala mo naman kung sino. Sino ba siya at parang kilalang kilala niya si Sam? Parang kasing edad niya lang si Samantha eh. San kaya to pumapasok? Hayy.
"Ha? A-anong nangyari sakin? Kasi pag gising ko nun, ang alam ko nasa.. Korea ako nun tapos pumunta na lang kaming Pilipinas para dito pumasok. May alam ka ba dun? Sa pagkakaalam ko kasi, dun kami nagbakasyon. Pero ano yung sinasabi mong 4 years mo kong hindi nakita? Ano bang nangyari sakin?" Pag aalala ni Sam. 4 years? Halos 4 years na ding.. ibig sabihin!?
"Ha? Wala. Wala akong alam kung bakit hindi ka nagparamdam after 4 years. Ang alam ko lang din, nagbakasyon ka." Sabi nung lalaki sabay lapit kay Samantha tapos umakbay. Ano bang problema niya? Pa akbay akbay pa akala mo naman kung sino
Napatingin si Sam dun sa lalaki at pinagmamasdan. Tss. Pangit yan pag nakita ko. Promise. Mas gwapo naman ako dun ah. Mas maputi ako. Mas matangkad. Tss.
Lumapit ako ng kaunti sa may lugar nila at pinagmasdan si Sam habang tinitingnan yung lalaki.
Maganda naman si Sam eh. Ang sungit nga lang
Napa tingin si Sam sa direksyon kung nasaan ako. At bigla naman akong nagtago dun sa puno na nasa harapan ko.
"Lucas?" Tanong ni Sam. Nakita niya ko?
"Bakit?" Tanong nung lalaki. Ha? Bakit siya bumakit eh ako yung hinahanap
Papalapit na si Sam sa may puno at
"Luke?! Anong ginagawa mo dito?!" Tanong niya at napatingin ako dun sa lalaking kasama niya. Pagtingin ko.
"Lucas? / Kuya?"
BINABASA MO ANG
First, Last And Only
Teen FictionSi Samantha Robles ay unti-unti ng nahuhulog kay Lucas Buenavista ngunit hindi niya alam na matagal niya na pala itong minamahal. Will her first love will be the last?