Jenny's POV
Pagka gising ko. Naala ko agad yung sinabi sakin ni Tito Francis Kevin. Pero bakit kaya ayaw niya? Ayaw niya bang malaman ng anak niya ang katotohanan? Hays. Pero kung sasabihin ko, baka mapahamak lang ako. Hays. Ano bang tamang gawin?
Ang sabihin ang totoo pero magkakagulo.
O hayaang nasasaktan ang kaibigan ko?
Ang hirap naman noon. Hays. Mamaya ko na nga lang to iisipin. Nagligpit na ko ng higaan at pumuntang baba....
Luke's POV
Hahahahha. Hey guys! Alam niyo ba kung bakit ako masaya ngayon? Kasi maayos na ulit kami ni Kaeee! Waaa! Hahaha. Pero nakakatawa talaga yung si Sam na yun. Hindi kami close ha. Pero utas talaga ako sa kanya. Tsaka parang siya pa yung girlfriend ko kaysa kay Kae. Si Kae nga di ko pa nabibigayan ng gift pero si Sam nabilhan ko na. Napkin pa! Hanep naman oh. Haha.
Tapos ang cute niya pa nung namumula siya nun sinabi ko na may stain siya sa likod. Haha. Yung parang batang nagulat dahil inagawan siya ng kendi. Ha? Ano daw? Basta. Ang cut--- ay. No no no.
Hindi pwedeng magkagusto ako sa kanya at never akong magkakagusto sa isang babaeng papansin.
Kanina pa kaming magkachat ni Kae ng biglang tumawag si Rayver sakin.
[Bakit?] Sabi ko. Ano bang sasabihin niya?
[Saan tayo magbabakasyon? Nakakaboring dito sa bahay eh.] sabi ni Rayver sakin. Oo nga, saan pedeng magbakasyon? Yung masaya ah. Haha.
[Oy pare. Bye muna. Natawag si Alliah eh.] tss. Lumalablayp na naman 'tong kumag na to.
Tatawag tapos babye na agad. Tss.
Chinat ko si Kae. Hindi nagtagal, nagchat siya sakin. Pero bakit? Bakit yun? Paano niya nalaman?
Kae: Babe, saan ka nagpunta yesterday? Ahmm. I'm sorry ha. Nagtampo lang naman kasi ako sayo eh. Ikaw naman, sineryoso mo agad. Hmmmpf.
Teka, kahapon? Anong sasabihin ko? Sa Hotel. Ni Sam? Haist. Baka lalo lang kaming mag away nito. Sa bar, oo, dun na lang
Ako: ha? Kahapon? Nagpunta lang ako sa bar. Uminom lang.
Nagpaalam na siya sakin. May family date daw sila e. Pero kailan niya kaya ako ipapakilala sa mga magulang niya? Hay.
Alliah's POV
Nagdedate kami ngayon ni Rayver. Ang tagal noong pagkain. Hays. Haha I'm excited na. Haha. Saan? Sa sasabihin niya. Ni Rayver. May sasabihin daw siya eh. Ano naman kaya iyon?
"Bii, diba gagraduate na kayo ngayong year?" Tanong sakin ni rayver
"Ha? Ahmm. Oo. Ang bilis nga eh. Maya maya pa, March na." bakit niya kaya natanong? Anong meron? May dapat bang mangyari?
"Ba't mo naman natanong?" Tanong ko. Ano naman kayang rason?
"Ha? Wala noh. Galingan mo ha. Dapat nasa honor student ka pa rin. Mahal na mahal kita, Alliah. Huwag mo kong iiwan ha?" Bakit ganoon? Parang ang daming ibig sabihin ng mga sinasabi niya. Bakit parang ang hirap niyang ipaliwanag sakin kung ano talaga yun.
Napatango na lang ako. Parang naiiyak ako. Hindi ko maintindihan kung bakit. Kung bakit sinasabi niya yun sakin ngayon. Hanggang sa dumating na yung order namin.
Tahimik lang kami ngayon. Kumakain. Walang nagsasalita. Ano ba kasing nangyari? May dapat ba kong malaman?
Bakasyon na bakasyon ngayon pero parang ang lungkot. Napansin ko rin si Samantha, yung boyfriend daw niya. Posible nga ba talagang may boyfriend siya? Dati?
"Umuwi na tayo. Gusto ko ng magpahinga." Sabi ko. Hindi ko alam kung bakit. Pero bigla ko na lang nasabi ang mga words na yun. Hays. Pagod lang siguro ako. Hayy
"Sige. Magpahinga ka na. Hindi na kita maiihahatid pa, Alliah. Masanay ka na simula ngayon. Magingat ka palagi. Mahal na mahal kita..." sabi niya sakin habang paalis pa lang ako sa upuan ko. Hindi na ko sumagot sa kanya.
Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Basta ang alam ko lang, nasasaktan ako. Naglalakad lang ako habang umiiyak ng may nakabangga ako na pamilyar sakin ang mukha..
"Cymon..." tumingin ako sa kanya. Hindi ko siya makita dahil sa mga luha na nakapalibot sa mga mata ko. Pinunasan niya ang luha ko at pumunta kami sa may park. Gabi na pala. Hays. Ang bilis lang talaga ng mga nangyayari. Ang bilis lang nilang sabihin na mahal ka niya. Kaya mabilis ding nasasaktan.
"Cymon..." napatingin ako sa kanya na matagal na pala siyang nakatingin sakin. Iyak pa rin ako ng iyak. Siya naman, nakatingin lang. Wala akong pake kung pagtawanan niya ko ngayon. Ang sakit eh. Hindi ko kasi alam ang ibig niyang sabihin. Hindi ko alam kung anong dahilan. Kung bakit.
"Masakit diba? Pero mas masakit yung nararamdaman ko ngayon." Bakit siya ganto? Ngayon lang ulit kami ng nag usap ni Cymon, nakakamiss lang. Yung tawanan namin dati. Yung mga jokes. Hays. Ano nga ba talagang rason kung bakit niya ko iniwasan? Iniwasan nga ba? Tsaka ano yung mas masakit na nararamdaman niya? May sakit siya?
"A-anong ibig mong sabihin?" Tanong ko.
"Wala. Malalaman mo iyon sa tamang panahon. Pero tanggap ko naman yun eh. Tsk. Ano nga bang problema mo kung bakit ka umiiyak?" Sasabihin ko ba? Hays
"Hindi ko alam kung bakit. Kung bakit ganun yung mga sinasabi sakin ni Rayver. Kung bakit ang sakit ng mga sinasabi niya sakin. Kung bakit ganun siya ngayon. Kung bakit ganun siya. Kung bakit hindi siya kagaya ng dati." Hinayaan ko na lang ang mga luha ko na pumatak. Hays. Ang sakit sakit eh.
"Naramdaman ko na yan, Liah. Yung nagbago na lang ang lahat. Hindi na katulad ng dati. Hindi katulad ng dati na masaya kayo. Iniisip mo rin na... wala ka ng halaga sa kanya." Sabi niya habang nakatingin sakin. Kanina pa siyang titig ng titig sakin. Hindi ko alam pero ang gaan talaga ng loob ko kapag nandito sa tabi ko Cy.
Cy at Liah ang tawag namin sa isa't isa. Magkaibigan kami ni Cy pero parang simula nung nakilala ko si Rayver. Parang nagbago ang lahat ng samin ni Cy. I mean, yung friendship namin. Nagbago na rin pero kahit ganun, nandito pa rin siya para sakin. Para alagaan ako, para icomfort ako, para pasayahin ako, at para na rin mahalin ako bilang isang kaibigan. Sana si Cy na lang ang boyfriend ko. Sana siya na lang talaga. Pero wala naman siyang nararamdaman sakin. At para sa kanya, we're just friends. Ang swerte ng magiging girlfriend niya. Kasi sa kilalang kilala ko si Cy, sabi niya sakin, kapag magkaka girlfriend siya. Gagawin niya lahat. Lahat lahat para lang mapasaya ang taong mahal niya. Hays.
"Cy, bakit..?" Sabi ko.
"Ha? Anong bakit?" Tanong niya sakin habang pinupunasan niya ang mga luha ko.
Cymon's POV
Anong bakit? Anong sasabibin ni Liah? Nakakamiss lang talaga siya. Ilang months na kaming hindi nag uusap. Ilang months na rin akong umiiyak at nasasaktan.
"Bakit ganito ka sakin? Tsaka bakit mo ko iniwasan? May naggawa ba kong masama sayo? May naggawa ba kong mali? Bakit lagi kang nandyan para sakin? Bakit parang simula ng naging kami ni Rayver, nagbago ka? Hindi mo na ko pinapansin. Hindi mo na ko kinakausap. Hindi mo na ko tinitingnan. Hindi mo na ko pinapatawa. May mali ba? Sabihin mo lang. Gagawin ko lahat. Gusto ko lang naman maging masaya ka. Tayo. Pero simula nung nakilala ko si Rayver, hindi na ikaw ang Cy na kilala ko. Lagi mo na kong iniiwasan. Hindi naman kita malapitan, dahil kasama mo yung mga kaibigan mo. Bakit ka ba nagkakaganyan?"
I'm sorry, Liah. Kung nagawa ko yun sayo. Kung nagbago ako. Nagawa ko lang yun...
Kasi mahal kita.
Mahal kita, Liah.
BINABASA MO ANG
First, Last And Only
Teen FictionSi Samantha Robles ay unti-unti ng nahuhulog kay Lucas Buenavista ngunit hindi niya alam na matagal niya na pala itong minamahal. Will her first love will be the last?