Luke's POV
Sino tong kumag na to? At parang close na close sila ni Sam. Tsaka nasa tapat na pala kami ng McDo. Buti, walang nakakita. Hayss
Lumapit samin yung lalaki na tumawag kay Sam. Ako naman, nakakunot lang ang noo ko. Tsk. Siguro feeling close to ni Sam. Tss. Pati ba naman tong pangit na to pinapatulan niya
"Sammm..." sabi nung lalaki habang papalapit samin. Sapakin kita dyan eh
Eto namang si Sam, nakatingin lang. Tss. Pabebe pa. Gusto niya naman tong mukhang tae na to
"Sino siya? Boyfriend mo?" Hindi niya ko boyfriend. Tangi!
"Ha? Ahm. Ano. (Napatingin sakin si Sam) Oo, boyfriend ko siya." Then she smiled. Ha!? Ano!? Boyfriend!?
"Diba babe?" Sabi niya sabay kindat. Tss. F na f na naman nito.
"Ahh.. oo. (Sabay akbay) may problema ba sir?" Sabi ko. Pasalamat ka Sam, mabait ako ngayon. Kung hindi, hindi kita sasakayan dito sa trip mo. Tss.
"Pumasok muna tayo sa loob ng McDo. Ok? Nandun na kasi yung kaibigan namin eh. Tsaka para na rin maka order kami. " sabi ni Sam. Buti naman naisipan niya yun. Kanina pang kumukulo tiyan ko dito eh. Buti, di parinig ni Sam.
Pero sino yung lalaking yun? Parang hindi naman siya kilala ni Sam ah.
Sam's POV
Siya yun. Yung muntik ng humalik sakin. Yung nasa court kami pero para kaming nasa prom. Siya yun. Pero hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam ang name niya.
Pero parang malapit na talaga ako sa kanya dati pa. Pero ba't wala akong matandaan?
Nasa loob na kami. At si Luke ang nagpasyang oorder. Sabi ko naman yung kinain na lang namin dati. Tapos eto namang lalaki na to, yun na lang din. Parehas kaming tatlo, astig
"Totoo bang boyfriend mo siya?" Sabi niya. Ang cute niya pa din. Shets.
"Bakit? May mali ba?" Sabi ko. Hayss. Hindi ko boyfriend si Luke. Never.
"Nakakalungkot lang kasi na...--"
"Kain na." -Luke. Ugh! Panira na namannn! Lagi na lang.
"Umupo ka na nga jan, Lu-- este babe. Mag uusap pa kami ni ano eh." Leche. Ano ba kasing name mo?
Justin?
Marco?
Kevin?
Angelo?Alin ditooo?
Magkaharap kami ngayon ng lalaking hindi ko kilala. Sina Alliah daw kasi nasa taas eh nasa baba kami. Nagdedate na siguro yung mga yun. Kilig na naman si Cymon. Hahhahahaha
"Sam, I'm so happy for you.. Sana hindi ka na ulit masaktan.. at ipangako mo rin--"
Bigla na lang sumakit ang ulo ko. Napahawak ako sa ulo ko at parang nanghihina ako. Anong nangyayari sakin?
"Sam, ayos ka lang ba?" Sabi nung lalaki.
"Ang arte mo! Kumain ka na nga!" Sabi naman ni Luke. Hindi ako nagiinarte, ang sakit talaga ng ulo ko, Luke..
Alliah's POV
HAHAHAHHAHAHAHAA utas na talaga ako dito kay Cy. Ang cocorny ng jokes niya. Hahahha. Sina Sam? Awan ko dun sa mga yun. Pero kanina, nararamdaman ko mga bes na..
Sina Luke at Samantha ang magkakatuluyann! Waaaa! Bagay sila, promiseee!
Yung muntik na silang magkiss. Ugh! Why so sweet? I'm so naiinggit. Hahaha. Ayus lang yun andyan naman si Cy este si Rayver. Diba?
Pero di ko na nakita yung tumawag kay Sam. Umakyat na kami ni Cy eh. Gutom na daw siya, ahhahaha
"Ahmm. Cy?" Panimula ko. Tumahimik na kasi siya eh. Hays. Problema kaya neto?
"Hmm?"
"Paano mo ba malalaman na nakaka move on ka na?" Wala lang akong masingit na topic eh. Hayss.
"Pag masaya ka na sa iba. Pag di mo na siya hinahanap hanap..."
Ganito na nga ba ang nararamdaman ko sayo, Cy?
But, I still love Rayver.Luke's POV
Vaffanculo! Anong nangyari kay Sam? May lason ba tong pagkain dito sa McDo? Ilang years na kong nakain dito pero... di naman ako nagkakaganito ah.
"Ahmm. Dadalhin ko na lang siya sa bahay namin. Aalagaan ko naman siya dun eh--" sabi ni.. basta! Hindi ko alam ang pangalan niya
"Anio! Ako yung boyfriend diba?! Kaibigan ka lang. Dadalhin ko siya sa bahay namin. Pakisabi na lang kay na Alliah na di na siya aattend ng klase niya ngayong hapon, pati na rin ako. " sabi ko sabay binuhat ko si Sam. Buti na lang magaan to.
Hindi ko na rin inintay magsalita yung lalaking yun. Sino ba kasi siya?
Teka? Hindi ko nga pala dala yung sasakyan ko? Shet!
Nagcommute na lang kaming dalwa pero naka tricycle na alng kami. Tapos siya naman nakapatong lang yung ulo niya sakin.
Hindi naman siya ganito nung papunta kami sa McDo ah? Ayos naman siya. Ano bang nangyari dito?
May sakit ba siya o ano?
Binuksan ko na yung gate at kinuha ko na ang susi na loob ng bag ko. Si baby lang naman ang tao sa loob eh pati si tita. Hays. Pero may susi pa rin ako. Hahaha. Baka kasi tulog yung mga yun eh.
Dumeretso na ko sa kwarto ng hindi ako napapansin ng mga tao dito sa bahay. Haha
Ihiniga ko na siya sa kama ko. Hays. Naka uniform pa naman kami. Ano ng susuutin nito?
Naghubad muna ako at nagpalit ng t shirt na color black. Hahha tapos nag short na lang ako tapos yung buhok ko, ginulo ko na lang. Hahaha. Mukha na kong ewan
Tiningnan ko si Sam. Nakakaawa :( ano ba kasing nangyari sa kanya? Hindi ba to alam ni Alliah?
"Oy Sam! Baka gusto mo ng gumising jan?"
"Sammm!"
Ano ba yan, hayyy
Ano ng gagawin ko dito? Wala naman akong damit na pambabae? Hays hindi ko alam ang gagawin ko dito kay Sam eh. Ano ba kasing nangyari ditooo?
Inayos ko yung buhok niya na nakagulo. Kinuha ko na rin yung pamuyod niya sa may wrist niya at pinuyudan siya. Yung mataas na puyod ah.
Oh yan! Malinis na rin yung pagmumukha nito. Hays. Tinanggal ko na rin yung sapatos niya, yung medyas niya. Pero, paano yung damit niya? Hays
Ang shunga ko din, inako ko na ako ang mag aalaga pero di ko naman maggawa?
Ano ng gagawin ko dito?
"Saaammm? Gising na ppooo.." hayyy. Kunwari mabait ako HAHA
Nag bigla siyang nagsalita...
"Saranghae..."
BINABASA MO ANG
First, Last And Only
Teen FictionSi Samantha Robles ay unti-unti ng nahuhulog kay Lucas Buenavista ngunit hindi niya alam na matagal niya na pala itong minamahal. Will her first love will be the last?