Carmina's POV
Mabilis lang na lumipas ang lahat. Graduation day na namin later pero heto ako at nakahiga pa sa kama.
"Anak, andito si Niko. Sinusundo ka ata?" Sabi ni mama habang nakatok sa pintuan ko.
"Ha? Ah.. eh.. opo ma, pasabi na lang po na maghintay muna siya saglit. Mag aayos lang po ako."
Ano ba yan. Di pa ko naliligo eh. Hays. Nagpuyod na ko at bumaba na.
"Bat ka nandito?" Tanong ko agad.
"Masama?"
"Tss. Umalis ka na nga. Magrready pa ko mamaya eh."
"Porket nagselos ka kahapon, ganyan ka na"
"Anong nagselos ka dyan?!"
"Aminin mo na kasi. Yieee. Carminaaa.. nagseselos siyaaaa" tsk parang bata
"Eh sino ba namang hindi magsselos dun sa ginawa mo? Parang hindi ikaw yung nasa play nung isang araw, bat kasi sobrang bait mo dun sa kapartner mo? Tsk."
"Hays. Sorry na. Hahaha. Teka, maligo ka na nga. Amoy tae ka na."
"Aba. Sino bang may sabi sayo na pumunta ka dito? Ha? Tss. At ang kapal mo din para sabihan akong amoy tae!"
"Meron ka ba ngayon?"
"Wala!"
"Eh bat ka ganyan?"
"Hmm. Wala lang. Bakit? May angal?"
"Anak!"
"Po?"
"Easy lang." Sigaw ni mama. Hays. Bat ba kasi close tong si Niko at si mama. Ayan tuloy lagi na kong talo.
"Oy Niko, mag aayos na ko sa taas ah. Babu na. Mamaya ka na lang bumalik kapag ready na ko."
"Hmm. Sige. Pupunta muna ako kay na Luke. Text mo ko ah."
Ngumiti na lang ako at kumaway sakanya habang paalis ng bahay at pumunta na ko sa kwarto ko para maligo at mag ayos.
Hailey's POV
"Ayoko nga niyan. Ampanget." Aba. Kanina pa kaming ikot ng ikot dito sa Mall. Yeah, ngayon pa lang nabili si Irene ng damit niya para mamaya. Hays. Tinamad siya kahapon eh.
"Ang arte mo naman! Jusko! Eto na lang Ayreng!" Sabi naman ni Ynalle habang kinuha yung isang dress.
"Pang alien naman yan. Wag yan. Ayoko niyan."
"Ahhh! Eto na lang!" Sabi ko naman.
"Ayoko ng pink."
"Jusko. Eh anong color?"
"Black."
"Ayyy! Eto oh!"
"Magkano ba yan?"
"2,000?"
"Akin na yan." Sabi nung lalaking nasa likodan ko. Bading ba siya?!
"LUKE!?" sigaw ni Ynalle. Ha!?
"Kanina ko pa kayong tinitingnan. Di niyo ba kita? Hays. Tara na nga. Bumili na ko ng iba mo pang gagamitin. Mallate ka pa mamaya ikaw pa naman ang salutatorian. Tsss. Tara na." Sabi ni Luke kay Irene.
Pedeng kiligin? Myghad
Nasa bahay na kami ni Irene at inaayusan na namin siya. Akalain niyo ba naman yung mga binili ni Luke? Okay iisa isahin ko. Face mask, make up, lipstick, perfume, bracelets, necklace, yung sapatos na di heels pero di naman kataasan. Haha. Tas ano pa, bag, tissue, mga pamuyod hairpins at higit sa lahat bumili siya ng pancake HAHAHAHA
BINABASA MO ANG
First, Last And Only
Teen FictionSi Samantha Robles ay unti-unti ng nahuhulog kay Lucas Buenavista ngunit hindi niya alam na matagal niya na pala itong minamahal. Will her first love will be the last?