Alliah's POV
Alam mo yung feeling na nawawala lahat ng sakit kapag kasama mo siya. Yung feeling na parang ang saya mo na lang lagi. Lagi kang nakangiti. Lahat ng problema mo, nawawala. Lagi mo siyang makakasama. Lagi ka niyang papatawanin. Lagi niyang sasabihin sayo na 'lagi lang akong nandito. Hindi kita iiwan'. Ang cute lang ng ganun noh? Laging may concern sayo.
"Uy. Kanina ka pang naka tulala jan. Baka may iba ka na ah." Sabi niya. Anong iba? Ogag talaga to kahit kelan hahahah
"Dami mong tenhead. Hahaha. Wala namang tayo tapos may iba? Hahaha" sabi ko sabay tawa ng malakas.
Wait, may nagawa ba kong mali? Bakit wala siyang reaction? Hindi siya natawa?
Cymon's POV
Yung bigla bigla mo na lang maririnig na wala nga palang kayo. 'Walang tayo'. Ang sakit diba? Lalo na't pag mahal mo yung nagsabi nun sayo. Ano ba dapat maging reaction ko? Sasabay ba ko sa sinabi niya? Oh magpapaka martyr dito? Hayss.
"Ha? Oo nga noh. Haha." Sabi ko sabay fake smile. Siguro naman, hindi niya nahalata yun. Niyaya ko siya pag tapos naming kumain. Sinabi ko na maglakad lakad na lang muna kami.
"Cy, close ba kayo ng boyfriend ko?" Sabi niya sabay tingin sakin habang naglalakad kami.
'Boyfriend'. May boyfriend na si Liah kaya wala na talaga. Hayy. Ako? Ewan ko ba dito kung anong tingin niya sakin. Eh kung sa katotohanan lang, mas mukha pa kong boyfriend niya kesa dun aa totoo niyang boyfriend. Bakit kasi iniwan pa si Alliah? Hindi man lang niya kayang ipaglaban
"Uy. Cy. Alam mo, kanina ka pang ganyan. May problema ka ba?" Hayss. Ikaw. Ikaw lang naman lagi kong problema eh, hindi ko alam kung bakit sa lahat ba naman ng kilala kong tao dito sa mundo ikaw pa nagustuhan ko. Isang babaeng hanggang kaibigan lang talaga ang turing sakin. Isang babaeng may mahal ng iba.
"Cy, sabihin mo na sakin. Nag break kayo ng girlfriend mo noh? Oh di kaya, nag away kayo ni Jeremy? " tanong niya sakin. Wala po akong girlfriend
"Hindi. Wala wala. Wala naman akong problema eh. Ayus lang ako. " sabi ko sabay smile. Hayss
"Eh bakit hindi mo sinagot yung question ko?" Sabi niya tapos huminto sa paglalakad.
"Ano bang tanong mo?" Sabi ko sabay tingin sa paligid. Hays. Bigla bigla na lang kasi tong tumigil eh.
"Kung close kayo ni Rayver?" Sabi niya. Si Rayver? Hindi. Sa tingin mo maggiging ka close ko pa yung karibal ko sayo? Yung taong mahal mo? Yung taong hindi mo kayang iwan kahit nandito naman ako.
"Ha? Hindi. Bakit? Miss mo na siya?" Hays. Wag kang magsalita Liah na miss mo na siya. Please lang.
"Oo, miss na miss ko na siya halos mag oone month na ring hindi ko siya nakikita. Siguro nga, kailangan niya lang magpahinga. Kasi diba? May sakit siya." Sabi niya sabay nagsimula na ulit maglakad at sunundan ko na lang siya. Hay.
"Ah. Oo. Ilang months na ba kayo ni Rayver?"
"Ha? Ba't mo naman natanong?" Kasi gusto kong malaman kung ilang beses mo ng minahal yung taong pinakawalan ka. Yung taong iniwan ka. Dapat kasi ako na lang.
"Wala lang. Haha"
"Alam mo si Cy, mag shopping na lang tayo. Or kain tayo ng ice cream? Dun sa may DQ? Favorite namin dun ni Sam eh. Pati na rin ni Jenny. Hahahah" halata naman kay Sam eh araw araw na lang. Hahaha.Pumayag na kong kumain kami ng ice cream. Syempre, ako yung umorder. Sabi niya sakin yung Chocolate KitKat na lang daw kaniya. Kaya yun na lang din yung akin. Baka kung sakali kahit sa ice cream lang, maging couple naman kami.
Nakatalikod siya sakin ngayon habang kapit kapit ko naman yung ice cream naming dalwa.
"I love you." Sabi ko pero yung walang sound. Parang nagddubsmash lang. Ganun, hanggang ganun lang ako eh. Hayy
" I love--- I love ice cream! Woo!" At bigla siyang napalingon sakin. Muntikan na yun ah. Hayy
"Mukha kang monster. Hahaha. Pero ayus lang yun, I love monsters kaya. Haha" sabi niya sabay kinuha sakin yung ice cream niya. Mahal niya ko?
"Ha? I mean yung mga monsters ang cute nila noh?" Sabay kain ng ice cream. Sabi ko nga. Haha
Naghanap kami ng mauupuan at dun na lang kami nagkwentuhan.
Alliah's POV
Ang weird niya lang talaga. Hayy. Parang andami niyang gustong sabihin na hindi niya masabi. Mukha na kong monster dito. Hahaha
"Liah, anong klaseng lalaki ang gusto mo?" Kagaya niyan. Hahaha.
"Anong anong klase? May klase ba kayong mga lalaki? Sya pasok ka na school. May klase pa pala kayo eh. Hahaha" sabi ko pero siya naman. Ewan ko ba kung bakit di na siya natawa.
" Hindi yun. Kunwari, ang gusto ko sa isang babae yung babaeng mahal rin ako. Ganun" sabi niya. Andrama po ni koya cy, hahahhaha
"Ahhmm. Si Zayn Malik. Yun lang. Sapat na" sabi ko sabay ngiti ng malapad. Hahaha.
"Seryoso ako." Sabi niya sabay tingin sa ibang lugar
"Ahmm. Ayun, kagaya ni Rayver. Wala na kong mahihiling kay Rayver. Nasa kanya na lahat. Hihi. Yung mga ideal type ko nasa kanya na. Yun nga lang, di na siya na nagpaparamdam. Pero naiintindihan ko naman yun eh bilang isang girlfriend niya. Hihintayin ko na lang ulit na magpakita siya sakin at.. pag nagpakita siya.. super ihhug ko siya. Nakakamiss kaya yung lokong yun. Hayyy" paliwanag ko. Pero siya naman naka sad face lang. May nagawa na naman ba ko?
Kanina ko pa siyang nahahalata ah. May problema ba siya tungkol kay Rayver? Tungkol samin ni Rayver?
" Ano ba ako sayo, Liah?"
BINABASA MO ANG
First, Last And Only
Teen FictionSi Samantha Robles ay unti-unti ng nahuhulog kay Lucas Buenavista ngunit hindi niya alam na matagal niya na pala itong minamahal. Will her first love will be the last?