19

48 12 3
                                    

Sam's POV

Nasa bahay lang ako. Tanghali na pero wala man lang bumibisita sakin. Nakaka lonely naman dito

*ding dong*

May tao? Yeyyyy! Sino naman kaya yun? Sana may dala siyang ice cream para may makain naman ako hahaha

Pag bukas ko ng pinto nagsalita na siya agad.

"Mommy!" Si Baby! Waaa! Ang cuteeee

"Babyy! Tara pasok ka sa loob play tayo? Teka, where's daddy by the way? Sinong naghatid sayo dito?" Tanong ko sa kanya. Ang bait talaga nitong batang to. Di kagaya nung kuya niya

"Nandun po siya sa may garden niyo. Dun daw po muna siya. Magpapahangin lang. Laro po tayo, mommy?" Paliwanag niya. Di man lang nagpaalam sakin yung lalaking yun hayy

"Sige baby. May dala ka bang toys?" Tanong ko. Sarap pisilin ng cheeks niyaaa! Parang kay D.O. lang  HAHAHA

"Wala nga po mommy eh. Si daddy po kasi sabi daw wag na lang po akong magdala ng toys nagmamadali nga po siyang pumunta dito eh. Hindi ko po alam kung bakit. Tara mommy, laro na lang po tayo ng nanay at tatay?" May problema ba si Luke? Kaya gusto niyang pumunta dito? Gusto niya ba kong makausap? Yun ba ang ibig sabihin niya?

"Sige baby. Ready? Nanay, tatay gusto kong tinapay~~" pagsisimula ko.

Luke's POV

Naglalaro sila ng nanay at tatay. Sana dumating na yung nanay at tatay namin ni Ziah para hindi na kami mahirapan ng ganito. Napapagod na ko eh. Imbis na nag aaral ako, nag aalaga pa ko kay Baby. Buti na lang talaga at sumakit ang ulo ni Sam nung nasa McDo kami kundi hindi siya makikilala ni Ziah.

Mukhang masaya na talaga si Ziah kay Sam. Pero paano pag nakita ni Kae si Sam na tinawag siyang mommy ni baby? Hayy bahala na

Pumunta ako sa sala nina Sam at dun ko sila nakita. Ang saya ni Baby Letizah. Para talagang mommy na niya si Sam. Ang ganda naman pala talaga ni Sam lagi nga lang masungit pag kaharap ako. Sana lagi na lang masaya si baby para kahit wala talaga yung totoong tatay at nanay namin sana maramdaman niya pa rin ang magkaroon ng magulang.

"Oh! Daddy is here!" Sigaw ni Baby papalapit sakin at niyakap ako. Parang hindi ako ang naghatid sa kanya eh, napatingin ako kay Sam at napangiti din siya. Hayy

"Kumain ka na ba?" Tanong ko papalapit kay Sam.

"Hindi pa. Kayo? Kumain na?" Sabi niya. Hindi pa rin baka gusto mo kong ipagluto. Bisita mo kami dito tapos walang pagkain

"Hindi pa rin. Hayy. Ba't di ka nagluluto?" Tanong ko. Shunga talaga nito kahit kelan

"Pancake lang kaya kong lutuin eh. Tsaka kanin sa rice cooker ahmm... cheesesticks? Ano pa ba? Ahmm. Tsaka wala ng laman ref ko eh. Pero ano--"

"Ano ba yan! Magbihis ka na at pupunta tayong palengke bibili tayo ng mga gulay para naman tumaba ka tsaka sa McDo na lang tayo kumain ng lunch. Walang aangal. Libre ko. Biliss! Bihis na!" Utos ko. Tagal tumaas eh hayy

Sam's POV

Nasa McDo na kami at kumakain na. Ang tahimik lang naming kumakain si baby naman busy sa paglalaro ng toys niya yung kasama sa order yung free toys. Ahaha

Hindi nagtagal, nasa palengke na kami. Si Luke yung bumibili. Tapos kapit kapit niya si Baby. Ako naman nagccellphone. Nang biglang may naka sagi sakin at nahulog ang phone ko.

"I'm sorry, Miss... Samantha?" Siya yun. Yung nagdala sakin sa bahay.

Napalingon sakin si Luke at lumapit sakin kasama si Ziah.

Napakunot ang noo niya at parang nagtataka. Siya ang nagsabi sakin na siya daw ang boyfriend ko. Pero.. paano naman mangyayari yun diba?

"Boyfriend mo siya?" Tanong niya. Pero hindi pa rin ako makapagsalita. Bigla ko na lang naramdaman ang pagkapit ng kamay ni Luke sa kamay ko. Habang nasa kaliwa niya naman si Baby.

Family goals

"Mommy, kilala niyo po siya?" Tanong ni baby. Shet. Ba't mo ko tinawag na mommy, Ziah? Hayy

"She's my wife. And you are?" Tanong ni Luke. Ano daw? Paki ulit? Hindi ko narinig guys. HAHAHA W-wife? Asawa niya ko? Teka, feel na feel niya naman ata ang hh (holding hands) namin ah.

"Wife? May asawa ka na at may anak?" Tanong niya.

"Ah. Ano. Ahmm.." ayy! Nauutal akoooo ano bang dapat kong sabihin. Baka magalit si Baby pag di ko sinabi na.. ayyy

"Kilala mo ba siya, Sam?" Bulong sakin ni Luke. At napa iling na lang ako. Eh kasi naman ang sa pagkakaalam ko siya daw yung boyfriend ko

"Ahmm. Sir, mauna na kami ah. May pupuntahan pa kami. Tsaka... parang hindi naman kayo close ni Sam eh. Siguro hindi ka niya matandaan. Sige. Una na kami" sabi ni Luke. Siya lang naman kasi yung nag sabi sakin na boyfriend ko siya pero.. ugh

Ewan ko ba kung bakit nagpapakita pa siya. Wala akong matandaan.

"Wait." Napalingon kami sa kanya. Ano bang gusto niyang sabihin? Sabihin mo na kasiiii

"Ingatan mo si Sam.." sabi niya pero biglang lumapit si Luke at sinuntok siya. Anong problema ni Luke!?

"Luke! Tama na! Wala naman siyang ginawa ah!" Sabi ko

"Daddy!!!" -baby

Pinigilan ko si Luke. Ang sama ng tingin niya dun sa lalaki. Ano bang problema niya? Sinabi niya lang naman na ingatan niya ko. Mahirap ba yun?

Hinila ko si Luke at pumunta kami sa coffee shop. Hinabilin muna namin si Baby Ziah sa tita nila pero si Luke na lang ang naghatid. Gusto kong makausap si Luke kung bakit niya yun ginawa.

Umorder na kami ni Luke at umupo na.

"Bakit mo yun ginawa? Wala naman siyang ginawa satin ah? Tsaka hindi mo ba malalaman ang magiging reaksyon ni Ziah kapag ginawa mo yun ng harap harapan sa kanya?" Tanong ko sakanya. Nakaka gulo ng isipan mga bes eh. Hayys

"Kumakampi ka dun sa lalaki na yun? Alam mo bang iba ang tingin niya sayo? Parang gusto ka niyang kunin sakin..Hindi ko din alam pero bigla ko na lang siyang nasuntok. At tsaka alam naman ni baby kung bakit ko yun nagawa. She's my sister kaya alam niya na yun" paliwanag niya. Pero parang ang cool niya pa ring tingan. Kanina lang, inis na inis siya dun sa lalaki. Cute pa rin to kahit anong gawin. Kainis. Haha

"Syempre hindi noh. Hindi ko alam kung sino siya. Wala akong maalala na nagkasama kami. Isang araw lang ang alam kong nakasama ko siya... nung nasa bahay kami. Tsaka paano mo naman nalaman na iba ang tingin niya sakin?" Sabi ko. Ano bang nangyayari kay Luke? Bakit kailangan niyang maging ganito? Tsaka bakit ang bilis ng heartbeat ko? Wala namang recitation ah? Di naman Math ang subject?

'Parang gusto ka niyang kunin sakin'. Anong ibig sabihin mo Luke? Kunin sayo? Importante ba ko sayo? Ganun ba yun?

"Sino ba siya sa buhay mo? Mahal mo ba siya?" tanong niya.

First, Last And OnlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon