Jeremy's POV
*flashback*
Hinila na lang bigla nung lalaki si Sam. Hayy. Sa mga oras na yun, wala na kong maggawa. Siguro naman, mabait talaga siya kaya nagpasya na lang akong pumunta ulit sa bahay at mag aayos na.
Nasa school na ko pero hindi ko man lang nakita si Sam. Hindi ko naman matanong sa mga kaklase namin kasi ako naman yung huling nakakakita kay Sam. Tsaka baka lokohin pa nila ako.
Sa totoo lang, masakit talaga sakin noong narinig ko kay Luke na hinahanap niya si Sam. Siguro nga, kailangan ko na talagang iwasan tong nararamdaman ko. Ang hirap na eh. Lalo na't alam mong wala na talagang pag-asa.
*end of flashback*
Luke's POV
Tama ba tong nakikita kong to? Yung tinutukoy na boy best friend ni Sam ay si Lucas? Oo guys, parehas na Lucas ang name namin. Hindi ko nga alam kung bakit eh. Eh yun yung gusto ng mga magulang namin. May "II" nga lang yung name niya. Sakin, wala. Hayy
Kaya pala, nawala ng matagal tong kapatid ko ng dahil kay Sam? Si Sam ba yung tinutukoy niyang 4 years niyang inintay? Si Sam ang dahilan kung bakit hindi siya umuuwi sa bahay? Si Sam nga ba ang dahilan kung bakit lagi na lang siyang wala?
Si Sam nga ba yung iniiyakan niya?"Magka kilala kayo? Teka, magkaibigan kayo noh? Halos parehas na yang mga mukha niyo eh" Tanong ni Sam. Shunga ba to? Magkapatid kami eh, malamang magkamukha
"Ha? Actually,magkapatid kami, Sam." Paliwanag ni Lucas tapos si Sam naman naka kunot lang ng noo. Habang pinagmamasdan kaming dalwa. Tss. Mas gwapo naman ako kay Lucas ah.
"Talaga? Kaya naman pala... pero bakit may ibang hawig si Luke?" Sabi ni Sam habang nakapamewang hayy ang t*nga naman nito magkapatid nga diba?
"Ha? Sinong Luke? Parehas naming nickname yun eh." Sabi ni Lucas sabay ngiti. Bakit hindi niya man lang sinabi sakin na si Sam pala yung girlfriend. Wait, girlfriend niya nga ba si Samantha? Shet. Hindi pwede yun, mommy na ang tawag ni Ziah kay Sam kaya hindi pwedeng Girlfriend niya si Sam. Tsaka break na siguro sila kasi diba after 4 years. Tsk ang hina pala nitong si Lucas eh hindi na naghanap ng iba. Tss. Masyadong loyal
"Ha? Eto. (Sabay turo sakin) Si Luke. Haha. May kamukha kasi siya eh na crush ko dati.. pero ano ha.. ahmm.. ano..mas gwapo yung crush ko na yun. Teka, diba boy best friend kita? Kilala mo ba siya?" Boy best friend!? Nagpaka tang* si Lucas ng 4 years tapos boy best friend lang!? Pero wala namang nakwekwento sakin si Lucas na girl best friend niya si Sam. Tsaka sa pagkakaalam ko girlfriend ni Lucas yung sinasabi niya. Hayy. Nakalimutan ko na, after 4 years ba naman
Pero may nakwento sakin si Lucas na hindi ko makakalimutan. Haha. May kaibigan daw siya na patay na patay sakin. Hahaha. Tapos lagi niya daw inaalam yung mga schedule ko araw araw kasi nga gusto niya ko. May time nga na, mammeet ko siya kaso hindi natuloy may nangyari daw kasi. Kaya ayun, habang kinekwento ni Lucas sakin tawa ako ng tawa. Hahaha. Gwapo ko talaga
May kamukha daw ako? Shet. Kilala ni Samantha yun!?
"Si..sino nga yun?" Nag iisip pa rin tong si Lucas. Hayy
"Luhan!"
Sabay naming sabi. Oo, si luhan daw yung kamukha ko. Pero ang ganda ni Luhan parang di lalaki. Hahaha
Natahimik kaming lahat ng biglang napahawak si Samantha sa ulo niya na parang nahihilo. Pinaupo muna naming dalwa si Samantha dun sa may nakalatag at pinaypayan. Tss. Bakit kasi kailangang nasa likod pa ng court? Ang cheap naman ni Lucas. Tsss kaya hanggang ngayon wala pa ring girlfriend
"Ayos ka lang, Sam?" Tanong ni Lucas. Tss. Nag iinarte na naman tong si Sam. Sa galing nga naman
"Luke..." saad ni Sam habang nakapikit nananaginip ba siya?
"Bakit?" Sabay naming sabi ni Luke. Tss. Bakit kasi kung kailang nakilala ko si Sam saka pa siya dumating? Eh sanay na naman kaming wala siya? Tapos nagpapakatang* pala siya sa isang babae na si Sam? na si Sam na mommy mommyhan ni Ziah. Wala na talagang pag asa si Luke kay Sam. Daddy ako ni Ziah tapos Mommy si Sam. Oh diba, hays. Kung ako sakanya, maghahanap na lang ako.
Jenny's POV
Nasa may guards house ako ng biglang may dumating na babae. Teka, ano na nga palang nangyari kay Sam? Napano na yun? Pero ayus lang yun for sure, andun si Luke eh. Haha
Wala si Kuya Guard kaya sakin nagtanong yung babae na akala mo estudyante dito. Tss. Sarap bigyan ng diving sapak
"Where's my boyfriend? " sabay nakapamewang. Aba. Sinong boyfriend? Yung kanta ni Justin Bieber na boyfriend? Hayy. Di sila bagay. Haha.
"Ha? Sino bang boyfriend mo?" Sabay taas ng kilay. Eh kasi naman hindi naman ako manghuhula sabay sabi ng 'where's my boyfriend?' Tss. Maganda nga, masama naman ang ugali. Wala rin! Panget pa rin
"Si Lucas. So, asan siya?" Lucas? May kaklase ba kong ganun? Schoolmate? Huh? Wala naman ah. Luke, meron. Pero Lucas, wala. Eh sinong boyfriend nitong babaitang to?
"Ha? Ah.. eh.."
"Jenny! " sigaw ng isang lalaki. Owemji. Tulungan mo ko baka masampal ko to sa kaartihan niya
Si Jeremy lang pala. Tsk tsk. Akala ko kung sino, wait baka may kakilala siyang Lucas. Oo nga, tama!
"Jeremy, kilala mo ba si Lucas?"
Jeremy's POV
Oo, kilalang kilala ko si Lucas. Si Lucas na karibal ko kay Samantha. Si Lucas na nagpapasaya sa taong mahal ko. Ewan ko ba, nagising na lang ako na mahal ko na pala si Samantha. At nung nagising ako nun, bigla ko na lang rin nalaman na close na pala sila ni Luke. Tsk. Wrong timing. Nagtataka nga rin ako eh, sa lahat ba naman ng pwede kong mahalin ay yung taong hindi pa kaya akong mahalin at may kasama ng iba. Siguro nga, kailangan ko na talaga siyang kalimutan. Ayoko ng umasa eh. Hayy
"Uy."
"Ha? Miss, si Lucas ba yung hinahanap mo?" Tanong ko. Pero teka, bakit niya hinahanap si Luke?
"Yes. Si Lucas, my boyfriend. Eh asan na nga siya?" Boyfriend? May girlfriend na si Luke pero anong meron sa kanilang dalwa ni Sam? Bakit ganun sila kumilos? Akala mo, sila na. Tapos pagminsan, magkasabay silang pumasok at umuwi. Baka saktan lang ni Luke si Sam. Teka, alam ba ni Samantha na may girlfriend na si Luke?
"Nasa court. Nasa likod ng court" wala na kong maggawa at sinabi ko na. Para malaman din ni Lucas na t*nga niya kasi pinagsama niya si Sam pati tong mukhang elepanteng to. Tss
Umalis na siya at tumakbo papalayo. Naiwan kaming dalwa ni Jenny dito at nagkwentuhan na lang
Sam's POV
Nagising ako dahil naramdaman ko na may humawak sa kamay ko. Si Luke. Yung unang Luke. Nandito pa rin kami sa may likodan ng court. Habang si Lucas II naman nakatalikod saming dalwa.
Bumangon ako at tumayo rin si Luke tapos si Lucas II naman, napatayo rin. Nang biglang may narinig akong babaeng hingal na hingal dahil tumatakbo siya at lumapit saming tatlo.
Magka holding hands kaming dalawa ni Luke dahil nga binangon niya ko. Tapos bigla na lang niyapos nung babae si Luke habang kapit kapit pa rin ni Luke ang kamay ko. Yung kanang kamay ko. Ang weird noh? Yakap nung babae si Luke pero ako yung kapit kapit ni Luke bibitaw na sana ako kaso hindi ako makakalas kasi ang higpit ng pagkakakapit niya kaya lumapit sakin si Lucas II at tinanggal ang kamay ko kay Luke at kinuha niya yung kamay ko at hinawakan. Ang awkward kasi ako nakatingin pa rin kay na Luke tapos si Luke naman nakatingin din sakin, sa kamay din naman ni Lucas II
Si Lucas II naman, nakatingin lang sakin at parang hindi masaya.
"Lucas, sino siya?" Hindi niya siguro nakita yung kamay namin kanina. Buti na lang. Hayy
Pero wait, paano ako ipapakilala ni Luke? Alangan namang sabihin niya na mommy mommyhan ako ni Ziah?
Napatingin sakin yung babae tapos napatingin din sa kamay namin ni Lucas II. Shet. Ang awkward
"Kuya, aalis na kami ng girlfriend ko. May pupuntahan pa kami." sabi ni Lucas II sabay hinila ang kamay ko at tumakbo.
BINABASA MO ANG
First, Last And Only
Teen FictionSi Samantha Robles ay unti-unti ng nahuhulog kay Lucas Buenavista ngunit hindi niya alam na matagal niya na pala itong minamahal. Will her first love will be the last?