32

40 6 0
                                    

Irene's POV

Nagising na lang ako ng dahil sa sinag ng araw. Halos isang linggo na din ang nakalipas simula nung nagkaaminan kaming lahat. Halos isang linggo na rin ang nakakalipas na laging sweet sakin si Luke  nakakapanibago leche HAHAHAHAHA

"Ateeee!?" Sigaw ko

"Ano ga naman?" Aba, taray nito  minsan na nga lang magkita dine sa bahay ganto pa. Tsk. Haha.

"Wala. Papasok na ko ng school. Babush"

"Baka sa gate ng school ka papasok? Shunga mo din eh noh? Teka, wag ka munang umalis" sabi niya habang papuntang kusina at may dalang spatula. Teka.

Nangangamoy.. P A N C A K E ! ! ! !

WAAAAA!

"ATEEEEE! PENGENG PANCAKEEEE! JUSKOOOO! BILIS BABAUNIN KOOOOO!"

"Saglit naman. Jusko."

Papunta na sana akong kusina pero lumabas naman siya. Kaya napagpasyahan kong pumunta pa rin ako. Teka, bat lalaki yung nagluluto? MAY BOYFRIEND NA SI ATE!?

"Excuse me, boyfriend ka ba ni ate?" Tanong ko. Pero bat naka school uniform ng school namin?

Humarap siya sakin.

"Ahmm. Hindi eh. Future girlfriend ako nung kapatid niya... si Irene daw?--"

"Lukeee! Waaaa! Ba't ka nandito?" Sabi ko sakanya at niyakap ko siya.

"Nagluluto ng pancake."

"Ha? Eh alam na ni ate toh?"

"Oo."

"Pumayag siya?"

"Baka hindi. Kaya niya ko pinapasok eh."

"Aba! Hmmpf bahala ka dyan! May final exam pa tayo! Che!"

Paalis na sana ako kaso bigla na naman siyang yumakap sa likodan ko at nakita ko yung ginawa niyang pancake.

The f!? BAKIT ANG GANDA!? BAKIT KAPAG AKO ANG NAGLULUTO?! LAGING SUNOG!!!! HUSTISYA NAMAN OH!

Napatingin ako sakanya at bigla niya naman akong hinalikan sa noo.

Ang landi lang eh noh?

"Baon mo. Para naman maperfect mo yung final exam mo. Nireview na kita kagabi ah? Kahit sa.. tawag lang yun... alam kong hindi ka nagdaya. Kaya sige na,wag ka ng magtampo. Eto naman oh.. sayang may gift pa naman ako sayo eh bago mag final exam.. kaso nagtatampo ka.. kaya feeling ko.. wag na lang eh." Paliwanag ni Luke.

"May gift ka? Talaga?" Sabi ko sabay ngiti ng malapad.

"Oo. Ang sweet nga nun eh. Sobrang tamis for sure."

"Talaga? Pagkain yun? Masarap?"

"Hmm. Siguro masarap..."

"Ha? Bakit? Ano daw?"

"Kasi.. basta mamaya. Tara na? Mallate na tayo oh."

"Sige. Ate! Aalis na kami ah? Babye!"

"Sige. Layas na! Goodluck alien!" Sabi naman ni ate.

Ynalle's POV

Katabi ko ngayon si Hailey. Tahimik lang siya---

"WAAAAA!! SI BRACEEEEE! MYGHAD! ANG GWAPO NIYAAAA! YNALLLEEEE!!! MYGHAD! AYKENNAT! DI KO NA KAYAAAAA! TINEXT NIYA KOOOOO! ANONG GAGAWIN KO!?" sigaw ni Hailey. Binabawi ko na yung tinype ni author kanina. Hindi siya tahimik.

"TINEXT!?" Sigaw ko.

"Oo nga! Niyaya niya kong maglunch sa McDo! Myghad.--"

"Shh. Bahala ka dyan. T-teka.. may natawag sakin. Sino ba to?"

First, Last And OnlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon