Luke's POV
Ilang days na lang pasukan na naman. Nakakainis lang. Tapos si Kae lagi na lang, busy. Busy. Busy. Nakakabad trip! Wala na ngang pasok, busy pa din! Minsan naiinis na din ako eh kung bakit siya pa yung minahal ko. Kung bakit ako nagkakaganto sa kanya. Wala akong magawa eh. Kahit anong nangyari, mahal na mahal ko pa rin si Kae. Ang swerte niya nga eh. Pinagtitiisan ko pa siya.
Nandito nga pala kami sa bahay nina Rayver. Magpapractice kami para sa grupo namin dito sa school. Ewan ko ba kung bakit bakasyon ngayon pero may practice. Tss. Bakit ba ang malas ko ngayong araw na 'to? Ano bang meron?
"Bro! Anong date ngayon?" Sabi ni Niko na nakuha ng pagkain sa ref. Kasama siya sa grupo namin nina Rayver. Kami nga lang palang tatlo dito ang magkakagrupo. Haha.
"23 pare! Bakit anong meron?" Sabi ni Rayver. Tss. Kaya naman pala eh. Wala lang, pakiramdam ko malas lagi pag 23 HAHAHA.
Nakaupo lang ako ngayon at nakatulala. Wala akong maggawa. Nakakainis lang. Gusto kong kausapin si Kae pero maiinis lang siya sakin ng dahil sa busy siya.
1st year college pa lang kami pero andami na agad ginagawa. Hays.
"Niko.. Luke.. may sasabihin ako sa inyo." Lumapit kami ni Niko kay Rayver. Pero bakit ang seryoso niya?
Nakatingin lang kami ni Niko sa kanya ng bigla niyang sinabi na...
"Aalis na 'ko. Pupunta na ako sa Italy with my mom. Mag iingat kayo ha? Alagaan niyo si Alliah..."
Lumapit kami ni Niko at niyakap namin si Rayver. Anong dahilan? Bakit?
"Pero bakit? " sabi ni Niko
"Hindi ko din alam. Sinabi lang sakin ni mama na kapag hindi ako sumama sa kanya, hindi na kami magkikita ni Alliah. Alam kong masakit. Pero kailangan kong tiisiin. Kailangan kong magpakatatag para samin ni Alliah. Kaya kayo na muna ang bahala sa kanya..." sabi ni Rayver.
Alam naming mahal na mahal niya si Alliah. Alam din naming hindi niya kayang iwan si Alliah. Pero kailangan daw. Hays. Bakit ba kasi nangyayari 'to sa amin? Hindi lang sakin at pati na rin kay Rayver. Hayss. May nagawa ba kaming mali? Bakit puro kamalasan na lamang?
Wala na ba akong karapatang sumaya?
"Pero pano yung sa school? Yung grupo natin?" Tanong ko.
"Kayo na muna ang bahala dun. Paalis na ko bukas. Nakahanda na lahat ng gamit namin. Goodbye guys." sabi niya habang nakangiti. Halata naman namin ni Niko na fake lang yun. Pinipilit pa rin niyang maging masaya kahit na alam niya na na nasasaktan siya. Hays.
Bukas na siya aalis. Ano ba kasing gagawin niya sa Italy? Anong meron doon? Bakit kailangan niya pa yung gawin? Bakit kailangan niya pang lumayo samin?
"Basta. Mag iingat ka na lang dun ha. Hindi ka na namin maihahatid bukas. Malapit na ding magpasukan at kailangan din matapos na tong practice natin. Namin pala. Hays. Mamimiss ka namin bro. Teka ilang araw ka dun?" Sabi ni Niko. Napapatango na lang ako sa mga sinasabi niya. Pero kelan nga ba siya babalik?
"After 3 months. 3 months akong nandun. 3 months akong wala. Sige na. Tataas na 'ko. Maaga pa kami bukas." sabi niya habang tinatapik niya yung mga balikat namin. Napatango na lang kami ni Niko kahit na alam naming nakakalungkot na biglaan na aalis siya. Nagpaalam na din kami kay Rayver.
Sam's POV
"Anong nangyari? Bakit ganyan ka?" Sabi ni ate habang nakayap pa rin ako sa kanya.
Inalis ko na ang pagkakayakap ko sa kanya at nagsalita na ko..
"Ate, do I have an ex-boyfriend?" Nakatingin lang ako sa kanya. At hinila niya ko papunta sa sofa.
"Bakit mo naman yan natanong?" sabi ni ate. Bakit nga ba? Nagising lang ako at bigla ko yung naalala.
Dapat ko bang sabihin sa kanya yung tungkol sa cellphone? Dapat bang malaman niya? Hays. Oo, dahil kapatid ko siya. Hays.
"Ganito kasi yun, may nagtext sakin nung malapit na kaming umuwi. He said na pumunta daw ako sa park. Sinunod ko siya. Then, hindi tumagal. He came. I don't know who he is. Pero kilala niya ko. Alam niya ang pangalan ko. Pumunta kami sa isang bahay. Isang bahay na puro mukha ko yung nandun. Isang bahay na dapat nandoon ako. Basta. Magulo. Pagkatapos nun, he gave me a cellphone. Dun sa cellphone na yun, nakalagay lahat dun yung mga efforts or suprises na ginawa ko sa kanya. Pero kahit alam ko na ako talaga yun. Hindi ako naniniwala sa kanya. Kasi hindi ko siya kilala. And I don't remember him. Kahit konti, wala akong malaman kung sino talaga siya..." sabi ko kay ate. Nakatingin lang sakin si ate. Anong ibig sabihin nun? Totoo?
"Alam mo, kumain ka na. Gutom lang yan. Nagluto na ko oh. Tara na. Kain na tayo." sabi ni ate habang papaalis sa sofa.
At napatayo ako..
"No! Hindi ako kakain hangga't di mo sinasabi sakin yung totoo! Ano bang dapat kong malaman!? Bakit wala akong matandaan!? Bakit ang hirap niyong ipaliwanag sakin ang lahat!? Bakit hindi ko to alam?! Hindi ko na alam ang nangyayari! Naguguluhan na ko! Bakit kailangan mangyari to!? Bakit ginugulo niyo pa yung isipan ko!? Wala akong maintindihan!" Galit na galit kong sabi kay ate. Hindi ko alam. Bakit ba hindi ko to alam? Nakakainis lang.
Ano ba kasing nangyari? Ano bang dapat kong malaman?
Hinayaan ko ng tumulo ang mga luha ko.
Bakit kung kelan masaya na ko sa buhay ko saka pa nangyari to?
"Sige. Huwag kang kumain. Kahit anong pilit mo! Hinding hindi ko sasabihin sayo!"
"Bakit?! May mangyayari ba kapag nalaman ko!? May dapat bang mangyari!? Bakit ba kasi ako nagkakaganto, ate!? Bakit!?" aish. Sorry ate. Hays. Agang aga bad trip na naman.
"Kasi ayokong nakikitang nasasaktan! Kasi ayokong nakikita kang umiiyak! At ayoko na magalit ka samin."
"Ayaw mo!? Kasi mahal mo 'ko? Yun na nga eh! Kapatid kita pero wala kang tiwala sakin! Wala kang kwentang kapatid ate! Bakit ka maglilihim sakin!? Bakit kelangan mong magsikreto!?"
"Bunso! Gising! Bakit ka umiiyak!?" Si ate.
Isang panaginip. Isang bangungot lang pala yun. Pero sobrang sakit.
"Ate.." sabi ko habang umiiyak.
"Bakit? Anong nangyare sayo? Anong napaginipan mo?" Pag aalalang tanong sakin ni ate.
"Ano... w-wala ate. Nanaginip lang ako tungkol sa mga zombies. Nakakatakot lang talaga kaya napaiyak ako. Sorry ate ha, napag-alala pa kita..."
"Akala ko naman kung ano. Hay. Sya sige na, bumaba ka na. Kakain na tayo. Mag ayos ka na ha." sabi ni ate habang palabas ng pinto.
Nag ayos na ko nang biglang may nagtext sakin...
From: Unknown number
Sam, I'm so sorry.
Sino siya?
BINABASA MO ANG
First, Last And Only
Teen FictionSi Samantha Robles ay unti-unti ng nahuhulog kay Lucas Buenavista ngunit hindi niya alam na matagal niya na pala itong minamahal. Will her first love will be the last?