Lucas' POV
Hindi ko alam kung saan kami pupunta pero hanggang ngayon kapit kapit ko pa rin ang kamay ni Samantha.
"Wait lang, Lucas... pagod na kong tumakbo.." Sabi ni Samantha sabay bitaw sa kamay ko.
Hindi ko alam kung nasaan na kami pero parang may malapit na coffee shop dun kay niyaya ko si Samantha. Pero kahit naka order na kami hindi pa rin siya nagsasalita. Nagseselos ba siya sa girlfriend ni kuya?
"Sam, may gusto ka ba kay kuya?" Bigla naman siyang nabigla sa sinabi ko at parang hindi magkaintindihan.
"Ha? Kay Luke? W- wala noh. Tsaka may girlfriend na yun diba? Ang sweet nga nila eh"
*flashback*
"Lucasss! May good news ako sayo!" Sigaw niya habang papalapit sakin ng natakbo.
"Ano yun? Ako nga rin pala may gustong sabihin sayo..." Umupo kami sa may chairs sa loob ng room. Labasan na namin at sinabi ko na lang kay tita na ako na lang ang maghahatid sakanya. Pumayag naman si tita.
"Oh? Ako muna o ikaw?" Sabi niya sabay ngiti ng malapad. Mukhang good news nga. Hahaha
"Ikaw muna." Banggit ko. Syempre, gentleman ako kaya girls first muna.
"Hahaha. Ganto kasi, wag mong sasabihin ah? Promise? Haha. Ganto, yung sinasabi ko sayong crush ko si ano.. alam mo na yun.. nakita niya kong nanunuod kanina dun sa may court diba mahilig naman siyang magbasketball? Tapos ayun, ngumiti siya sakin. Waaaaaa! Nakaka inloveeee!" Sabay kinakalog ako. Siguro, hindi pa dapat ito yung oras na aamin ako. Ang hirap na eh.
"Oh? Bakit parang hindi ka masaya? Diba dapat happy ka rin para sakin?" Sabi niya sabay tinitigan ako.
"Ha? Talaga? Nginitian ka niya? Ang saya naman nun." simple kong sagot.
Matagal ko na siyang mahal pero bawal eh dahil yung taong mahal niya... konektado sakin. Ang hirap tanggapin.
"Oh? Eh ano ng sasabihin mo sakin?"
"Ha? Siguro sa isang araw na lang. Baka nagaalala na si tita satin. Tara na"
*end of flashback*
"Uy. Eto na yung order oh. Teka, bat nga ba nasa coffee shop tayo? eh diba.. Alaaaa. May klase pala ngayon!"
sabi ni Samantha sabay tayo. Pero napahinto siya."Iiwan mo ko?" Sabi ko. Hays. Tsaka bakit may klase sila ngayon? Saturday naman ah.
"Ha? K-kailangan kasi... ako dun eh.. tsaka.. ano.. dun sasabihin kung saan yung fieldtrip namin. Baka hindi ako pasamahin kasi hindi ako umattend ng meeting... ahmm. Lucas.. pwe--"
"Sige, iwan mo na ko. Mas kailangan mo pa pala yun eh. Sige na."
2 weeks na ang lumipas. Ganun pa rin ang nagyayari sakanila. Masaya. May mga problemang hinahanapan ng solusyon. Si Alliah, happy pa rin kahit wala si Rayver. At dahil yun kay Cymon. Si Cymon na laging nanjan sa kanya at nagmamahal. Si Jenny na walang kabiruan at nangangapa sa dilim kung saan hahanapin forever niya. Si Chandria na laging nagkkwento na asar na asar siya kay Xander pero crush niya na daw. Si Carmina na halos lagi niyang kinikwento samin si Niko. Si Jeremy na concern pa rin sakin. Si Luke na mahal na mahal pa rin yung girlfriend niya. Si Papa at Mama na nasa ibang bansa. Si Nathan na kapatid ko na nasa ninong ko para alagaan. Si Ate Ash na laging nasa trabaho niya at halos laging pagod. Pero ako? Anong ginagawa ko?
Nasa ospital at binabalik tanaw yung mga nangyari noon. Sila lang yung mga kilala ko. I know na sila naman talaga yung nakilala ko simula noon. Pero may narinig ako na sinabi ni Lucas. Na isang walang kwentang kaibigan.
BINABASA MO ANG
First, Last And Only
Teen FictionSi Samantha Robles ay unti-unti ng nahuhulog kay Lucas Buenavista ngunit hindi niya alam na matagal niya na pala itong minamahal. Will her first love will be the last?