Jenny's POV
Sa sarap naman ng kinakain ko. Bwuahaha. Hulaan niyo kung ano? Lecheplannnn! Waaa! Hahaha
Hay kinalimutan ko muna yung mga problema ko. Nagpapakasaya muna ako ngayon. Hahaha. Tapos ang huli kong balita sa daddy ni Sam, di pa rin daw siya nagpapakita kay Sam. Ewan ko kung bakit.
Sam calling...
Speaking! Haha
[Oh? Napatawag ka?] Sabi ko. Matagal ko na ring hindi to nakakausap. Nakakamiss
[Miss na kitang bubuyog ka. Hahaha. Ahmm. Ano, gala tayo?] Tanong niya.
[Sige ba. Mall tayo?] Sabi niya. Yehett! Mall! Sana libre niya haha
[Mommy! Daddy is-- oy jenny, text na lang tayo maingay dito eh sina daddy.. este si ano. Si Luke. Bye!] And then he hang up. L U K E ! ?
Si lb? May. Wait, may anak sila!? Oh gosh. I need to talk to Sam talaga. Marami na siyang nililihim sakin. Hayy
Sam's POV
Ang ingay ni babyyyy! Waaaa! Nasa bahay pa rin ako ni Luke hanggang ngayon.
(A/N: Guys, kung nagtataka kayo kung bakit hindi natuloy yung kwento nung nasa last chapter, I fflash back ko na lang next time. Ok? Continue reading :*)
"Mommy!!" Sabi niya sakin. Ayy. Ang kulittt! Pa ikot ikot sa bahay. Hayy. Buti na lang wala talagang tao sa bahay namin kundi.. wala lang. Haha
"Oy baby! Sawayin mo si nga si Ziah!" Sigaw ni Luke. Sino daw? Sasawayin ni baby ang sarili niya?
"Babyyy!" Sigaw ulit ni Luke pero si Ziah ayun pa ikot ikot pa rin.
Lumapit ako kay Luke at piningutan siya sa tenga niya.
"Nahihibang ka na ba? Sasawayin ni baby ang sarili niya?" Sabi ko sabay nakapamewang.
"Baka ikaw? Bingi" sabi niya sabay nagtetext ata sa cp niya.
"Excuse me. Hindi mo ba narinig yung sinabi mo? Sabi mo, 'Oy baby! Sawayin mo nga si Ziah'. Oh? Sinong ogag diba ikaw?" Sabi ko sa kanya pero siya naka ganto lang yung itsura niya
"Aish. Ok. Sorry na. Nasanay lang kasi ako sa girlfriend ko na tinatawag ko siyang baby. Wala nga pala siya." Girlfriend. Ok. Pero.. basta. Hindi niya ko friend. Hindi rin girlfriend.
Tatanggapin ko na lang yung totoo. Mommy mommy-han lang ako ni Ziah. Hayy. Oo, tama. Wala lang ako kay Luke. Ginagawa ko to kay baby. Para lang kay baby. Hayy.
Huminga ako ng malalim at pumuntang taas. Teka, nasa bahay nga pala ako ni Luke. Nasa kwarto niya ko, hayy
Pero sabi niya naman may mga binili daw yung tita niya na mga damit. Dun na lang ako kukuha. Tsaka baka mainip pa si Jenny dun Mall eh.
Kinuha ko na yung damit na susuutin ko. Nakaligo na naman ako eh. Tsaka pag tapos nun bumaba na ko. Pag baba ko, nakita ko si Luke. Pero busy pa rin siya sa pagccellphone. Ka text niya ata yung 'girlfriend' niya.
Bumeso na lang ako kay baby at sinabing may pupuntahan lang ako. Tiningnan ko si Luke pero.. wala pa rin siyang pake kaya lumabas na lang ako ng gate. Tama, walang pake sakin si Luke. Hayss. Oo.
Lumabas na ko sa gate pero may naririnig ako tumatakbo at pinigilan ako.
"San ka pupunta?" Sabi niya. Si Luke. Teka, nagpalit siya? Ang bilis ah
"Siguro naman, pwede akong umalis. Diba? Pupuntahan ko lang naman yung kaibigan ko eh. Tapos na naman akong mag alaga kay Ziah. Napaliguan ko na siya. Napakain na. Naglaro na din kami. Ano pa ba, Luke?" Sabi ko sa kanya.
"Sasama ako. Ihahabilin ko na lang si--"
"Pwede ba!? Kahit minsan, pabayaan mo ko!? Pupunta lang ako sa mall kasama si Jenny. Bakit kailangan sumama ka? Bakit? Pag may date ba kayo ng girlfriend mo sinasamahan kita? Pag magka text kayo ginugulo ko ba? Diba hindi?" Shet. Anong nangyayari sakin? Bigla bigla ko na lang nasabi yun. Ughh.
Tumingin siya sakin at tumalikod. Naglakad na din siya palayo sakin. Hays. Ang tanga ko na naman magagalit na naman yun sakin
*mall*
"Oy! Sam!" Sabi ni Jen. Andito na pala to. Pumunta kami sa DQ. Syempre, umorder. Haha. Tapos, balak namin na maglakad lakad na lang habang nagkwekwentuhan.
Tahimik pa rin ako kahit na naglalakad kami. Si Jen naman kumakain lang. Ubos na kasi yun sakin eh
"Wala ka bang gustong sabihin?" Sabi niya sabay tingin sakin. Ano namang sasabihin ko? Ahh. Alam ko na.
"Ahmm. Ayun. May. May concert daw dito sa Pilipinas ang EXO. Sasama ka?" Sabi ko sabay ngiti ng malapadddd. Hahaha. Pero bakit mukhang ewan yung mukha ni Jen? Di man lang na excite? Sinabi ko na nga eh :(
"Alam ko na yan. Ano ka ba. Yung ano..." sabi niya sabay nguso sakin. Ha? Pinagsasabi niya?
"Ano?" Ang weird niya kaya
"Aish. Yung kay Luke. (Sabay sad face) may anak ka na?" Sabi niya sabay parang naiiyak. Ayy! Oo nga pala! Si baby kasi ang ingay nun eh. Hayy
Hinila ko muna siya dun sa may hagdanan. Dyan kami na tambay pag nasa mall eh. Tapos uupo kami dun. Haha
"Ok. Hayaan mo muna akong mag explain. Wag kang eepal ah. Ganto, unang una sa lahat, wala akong anak. Wala rin akong boyfriend. (Parang napangiti siya dito. Anyare) Pangalwa, mommy mommy-han lang ako ni Baby Ziah na.. kapatid ni Luke. Ginawa muna ni Luke na kunwari mommy ako ni baby kasi yung mga magulang nila nasa ibang bansa daw. Tapos si Luke naman tinatawag siya ni baby na daddy. Catch?" Paliwanag. Andami nun ah. Haha
"Oh my ghad. Nasa iisang bahay kayo?!" Ang oa, malamang
"Oo. May masama ba dun?" Tanong ko sakanya.
"Di mo ba naisip ang feelings ko. Huh? I'm so hurt hurt na talaga. Ikaw talaga, naunahan mo na naman ako." Sabi niya. Sabay kunwari naiyak. Hayss. Baliw talaga neto. Teka, 'naman'?
"Ewan ko sayo. Tara nga bumaba" sabi ko sabay hila sa kanya. Hilig kong manghila noh? Kaya ayan, kaka hila ko, nafall tuloy ako, ayyy. Anong connect? Haha
"Oy, bubuyog.." sabi niya pero di pa rin ako tumitingin. Nagccellphone ako e.
"Uy! Maliit ba talaga yang mata mo? Oh nagbubulag bulagan ka na?" Sabi niya. At bigla naman akong napatingin sa bubuyog na toh. Aish. Ano ba kasing meron?
"Oh ayan ka na naman. Binubully mo na naman ako. Ikaw talaga ha. Masyado mo na kong namiss" hahaha.
"Oo na namiss kita. Pero si Alliah ba yun?" Sabi niya. Si alliah? Pano naman napadpad dito yun mag isa? Sure naman akong nagsasayaw yun ngayon
"Si Alliah? Sure ka ba? Baka ikaw ang nagbubulag bulagan dyan?" Sabi ko sabay tawa. Hahahaha
"Oo nga. Si-- oh god! Kasama niya si Mon Mon!"
"Sino!? Si Cymon!?"
BINABASA MO ANG
First, Last And Only
Teen FictionSi Samantha Robles ay unti-unti ng nahuhulog kay Lucas Buenavista ngunit hindi niya alam na matagal niya na pala itong minamahal. Will her first love will be the last?