Luke's POV
Ang saya lang kasi nandito sa bahay si Kaelyn, tapos masaya pa kami parehas kasi 3 months ng kami. Si Ziah? Na kay na tita dun daw muna siya kasi nabboringan daw siya dito. Si Lucas? Pake ko dun
"So, ano na baby? Lilipat ka na next school year? Dun na sa school na pinapasukan ko? Para mahatid mo na rin ako diba?" Pa cute pa niyang sabi tsk cute na naman eh
"Ano ka ba baby.. Hindi yun pwede... Tsaka.... ano... medyo malayo yung school niyo, hindi pwedeng iwan ko si Zi--"
"What!? Si Ziah na naman!? Alam mo, Luke, 1st year college ka na! Tapos hanggang ngayon nag aalaga ka pa rin ng bata! Ano ba!? Hindi ka ba nahihiya sakin ha!? Mas marami ka pang time--"
"Oo, hindi ako nahihiya. Kasi kung mahal mo ko, iintindihin mo yun. Diba? Balang araw, kapatid mo na rin si Ziah. Bakit ba hindi mo maintindihan, ah? Sorry kaelyn ha. Hindi kasi ako kagaya mo.. na may mga magulang." Paliwanag ko. Mahirap ba kong intindihin?
"So, pinapamukha mo sakin na mas importante yang kapatid mo na yan--"
"Alam mo, Kaelyn! Nakakapikon ka na eh! Oo, mas importante si Ziah kesa sayo! Kasi kapatid ko siya at hindi niya ko iiwan! Pero ikaw? Na laging ginagawang dahilan na busy ka? Tapos sasabihin mo sakin na mas wala akong time sayo? Ang gulo mo!"
"Ano? Alam mo kasi Luke... busy naman talaga ako eh.... tsaka ano.. d-diba? Ano... ahmm... buma--"
"Leave. Umalis ka na, Kaelyn. Sa ibang araw na lang tayo mag-usap. Nakaka walang gana."
"Pero Lucas... diba---"
"Sabi ko, umalis ka na diba!? Leaveee!"
Xander's POV
Nandito ako sa bahay ni Chandi. May tawagan na kami HAHAHAHA sweet ko noh? CHANDrIa at XANDEr (pero shandi pa rin yung pagkakabigkas dyan masyado na kong pogi para sa xande parang pang bading eh) hahaha galing kong gumawa noh? Panis na naman kayo saken, tsk tsk. Basic.
"Hoy! Chandirirot! Antagal mo magbihis! Baka mainip lang yang si Samantha este si ano pala---" rekalamo ko pero hindi niya na ko pinatuloy sa sasabihin ko.
"Oo na po! Andito na! Teka, dala mo na ba yung fruits?" Sabi niya sabay baba ng hagdanan. Naka white na tshirt lang siya tas naka pantalon syempre naka sandals. Haha. Pede na, pero baboy pa rin siya
"Hoy Xandeee! Baka gusto mong buksan na yung pintuan ng kotse? Masyado mo na kong pinagsasamantalahan dyan ah. Inlove ka na naman sakin. Tsk tsk" reklamo nitong si Chandi tss
"Oo nga eh, ang ganda mo. Kaya nga inlove na inlove ako sayo eh noh?"
"Talaga?"
"Kapal mo din noh? Asa ka pa, tanga! Hahahaha" pinaandar ko na yung kotse at nagsimulang magdrive papunta sa ospital.
Oo, mag ttwo weeks ng nasa ospital si Sam. Alam na din namin ang lahat. Si Mon? Ayun, papunta na rin daw sila sa ospital.
Ang galing din ni Sam noh? Natiis niya yung sakit na yun at patuloy na lumalaban. Kahit na yung mga kaibigan niyang nangloko sakanya eh yun pa yung mga taong matagal na niyang nakasama. Naka private yung room ni Samantha sa ospital kaya kami kami lang yung pwedeng bumisita dun tsaka hindi ko rin inakala na magiging ka close ko pala lahat ng kaibigan ni Chandi. Si Samantha na matagal na daw niyang kaibigan pero nung pagka kita ko kay Sam noon, medyo ok pa siya. Wala pa siya nun sa ospital. Si Alliah na, mas close ko sa lahat eh kasi naman siya pala yung kalove team ng kapatid ko. Tsk. Si Cymon, kapatid ko nga pala. At si Alliah pala ang dahilan kung bakit laging tumatawa si Cymon sa cellphone niya na parang baliw tapos biglaan na lang si Mon na magpapaalam kung pwede daw na umalis ng bahay may project daw. Tsk, sabi na eh. May babae yun. Hahaha. Si Carmina na walang ginawa kundi kumunot ng noo? Eh kasi naman, pagkaka slow! Hays. Wala akong masabi sakanya. Kaka wordless. Haha. Si Niko? Yun daw yung ka kupal este ka couple daw niya. Hahaha. Yun lang. Wala naman silang nakkwentong iba eh.
"Hoy, para na. Andito na tayo oh. Tara na" aya sakin ni Chandi kaya nag elevator na kami papuntang taas.
"Xande.."
"Shande yun. Hindi, Sande."
"Ang arte mo naman! Para yun lang eh!"
"Ahmm." ano bang sasabihin nito?
"Xande"
"Uy"
Ang kulit, ano bang sasabihin nito?
"Ano nga kasi?" Tanong ko. Hayss.
"Xande, ano kasi eh.. c-crush kita.. xande--"
"BWUAHHAHAHAHAHAHAHAAHAHAHAHAHAHAHHAGAHAHAHAHAHAHAHA" wala na kong magawa kundi tumawa eh kasi naman! Gusto niya daw ako bwuahhahahahahahaha hahahahahahah
Napatigil lang siya at saktong nagbukas na yung elevator at tumakbo. Sinunduan ko siya pero natatawa pa rin ako habang natakbo hanggang sa nakuha ko na yung kamay niya at napatigil kaming dalwa sa may tapat ng room ni Samantha.
"Chandi... wait."
Nakatalikod siya sakin pero iniharap ko yung mukha niya para makita ko. Pero... nasaktan ko ata siya. Umiiyak si Chandi. May nagawa ba kong mali? Bakit siya umiiyak?
"Shhh. Bakit ka umiiyak? Ah?"
"Kasi masaya ako... kasi pinagtawanan mo ko. Bakit ba ganyan ka, Xander? Bakit ang manhid mo? Seryoso ako non, Xander. Oo, gusto kita. Mahal na nga kita eh. Pero wala ka namang ginawa diba? Pinagtawanan mo lang ako! Akala mo ba matutuwa ako sa inasal mo ha!? Hindi ko nga rin alam kung bakit kita nagustuhan eh! Kahit na lagi mo kong kinukulit! Kahit na lagi mo kong inaasar. Ang tanga ko noh? nagustuhan kita pero wala ka man lang nagawa. Alam mo Xander, kahit sinong babae ang umamin..tas pagtatawanan lang, masasaktan..."
Umalis siya sa harapan ko pero hinabol ko pa rin siya. Kaya ba siya ganun kapag nakikita niya ko? Para siyang nanginginig na ewan? Akala ko, sadya lang yun.
Matagal na rin yung pinagsamahan namin ni Chandi pero wala akong naramdaman eh. Ganun na nga ba ako ka manhid?
Hinabol ko si Chandria at nakita ko siya dun sa may upuan. Naka upo habang yung dalwang kamay niya nakatakip sa mukha niya. Nilapitan ko siya at tinabihan. May gusto na nga ba ako kay Chandi? Hindi ko alam eh. Oo, kabiruan ko siya pero.. kapag wala siya.. parang nawawalan ako ng gana.
"Chandi, I'm sorry..Hindi ko sinasadya na pagtawanan ka. Nabigla lang ako nun diba ganun naman tayo diba? Dinadaan natin lahat sa tawa? Pero alam kong mali talaga yun. Sorry na, Chandi. Thank you din.. kasi.. hindi ko rin inakala na mamahalin mo pala ako. Yaan mo, siguro kapag tumagal.. parehas na yung nararamdaman natin sa isa't isa. Siguro, hindi na rin pala magtatagal yun. Mahalaga ka sakin, Chandria."
BINABASA MO ANG
First, Last And Only
Teen FictionSi Samantha Robles ay unti-unti ng nahuhulog kay Lucas Buenavista ngunit hindi niya alam na matagal niya na pala itong minamahal. Will her first love will be the last?