22

38 13 9
                                    

Alliah's POV

'Ano ba ko sayo, Liah?'

Tanong ni Cy. Ano nga ba? Hindi ko lang kaibigan si Cymon. Hindi ko rin siya mahal.

Hindi nga ba?

'More than friends, less than lover'

Aish. Lagi niya kong pinapasaya. Lagi siyang nanjan sakin. Anong ibig sabihin nun? Mahal ba ko ni Cymon?

"ALLLIAHHHH!" biglang may tumawag sakin at napalingon kaming dalwa ni Cymon sa sumigaw.

"Anong ginagawa niyo dito?" Tanong ni Jen.

"Malamang, nagdedate. Ano pa ba? Diba?" Sabi naman ni Sam. Buti na lang dumating kayo, thank you talaga. Pero, nagdedate!? Hindi noh. Medyo lang. Haha

"Hindi. Hindi kami nagdedate. D-diba?" Tanong ko kay Cy pero siya naman tumango lang.

Ang hirap sagutin ng mga tanong nila. Lalo na yung kay Cymon. Pero paano si Rayver? Mahal namin ang isa't isa at alam kong hindi niya ko hahayaan na mapalayo sa kanya. Si Cymon naman na laging nagpapasaya sakin. Umiintindi. Nagmamalasakit. Tumutulong sa mga problema ko. Pero hindi naman umaamin si Cymon. Hindi ba? Hindi na lang ako aasa na mahal niya talaga ako. Masyado lang talaga siyang mabait sakin. Yun lang yun. Pero sana sa huli, hindi ako masaktan.

Chandria's POV

Ang boriingggg. Wala akong kasama dito sa bahay. Hayss. Balita ko daw, nasa mall sina Sam. Eh ako naman, di pinayagan ng mama. Wala daw tao sa bahay. Kaya ayun, lonely ako dito. Lagi na lang nag iisa. Wala man lang concern sakin. Hmppf. Hindi kagaya ni Alliah laging nandun si Cymon para sakanya. Sana, pag baliktad na ang universe may ganun rin sakin. Hayyy. Yung lalaking hindi ako iiwan. Hindi sasaktan.

Mama calling...

[Po?] Sabi ko. Haysss. Ma, paalala lang ah. Wag niyong sabihin na magluluto ako. Hahahaha

[Anak, pwede bang... maglinis ka muna ng bahay. Alam kong magulo dyan ngayon kasi nandyan ka. May dadating dyan yung pinsan mo kasama yung kaibigan niya.] Ano!? Sinong pinsan? Wow. Ang supportive talaga ni mama kahit kailan 'Alam kong magulo dyan ngayon kasi nandyan ka' hayyss pero mahal ko yan. Hihi.

[Ma? Sinong pinsan? Dapat close kami nun ah. Hahaha. Si Gino po ba?] Si gino lang naman kasi ka close ko eh. Hayy

[Oo anak. Sige, anak babye na] Yeyyy! Rock n Roll na ituuu. Hahhaa

Hindi na ko nag ayos ng bahay. Si gino lang naman pala eh. Hahaa

*ding dong*

Nandito na si Gino owemjiii! Namiss ko talaga si Gino. Ilang months ko na tong di nakita eh simula nung lumipat sila ng bahay.

"Ginnnyy!" Sigaw ni Gino. Yeah, ginny tawag niya sakin. Haha. At niyakap ko siya. Hayss. Kakamiss. Oh kwento ko lang kung paano niya ko tinawag na si Ginny ah. Ganto. Nung bata kasi kami lagi na kaming magkasama. Parang kapatid ko na din tong si Gino. Sabi niya, nung bata pa kami ginny na lang daw tawag niya kesa sa Chandria. Para daw parang magkapatid na kami kasi "ginny and gino". Arte noh? Hahaha

Bigla akong napatingin dun sa lalaking pumasok. Ang cute niya. Tapos naka ngiti pa siya nung pumasok. Habang naglalakad, ang cool niyang tingnan. Yung mga mata niya, sarap picturan. Hayss. Sino siya?

"Ginny, kaibigan ko nga pala si.. Xander." Xander. Pero ang pagkaka pronounce ni Gino 'shander'. Ang astig ah, pa shander shander pa. Ang dami ko ng beses narinig yang mga xander na yan. Di naman sila kagwapuhan ah. Pero itong Xander na kaharap ko ngayon. Ang cute. Promise

Nginitian niya ko tapos dumiretso siya sa sala. Ako naman, sa sala din. Hahaha. Para makasama ko si Xander. Waaaa!

Shet! Na love at first smell na ata ako dito kay Xander, ang cute talaga ehhhhh!

"Uhmm. May sasabihin ka?" Tanong niya. Ako ba kausap niya? Really? Oh my ghad. Anong oras na ba? Binuksan ko ang cp ko at tiningan. It's 1:23 nung kinausap niya ko. Waaaaaa! Xander!!! Omgggg!!!

"H-ha? W-wala. Sige, nuod ka na ulit." Waaaa! Sumagot ka naman oh! Utang na loob.

Habang nanunuod siya nakatingin lang ako sakanya. Di naman niya kita yun for sure eh. Hahah. Sana.

"Pwede bang..? Magpalit ka?" Sabi niya pero di pa rin siya tumitingin sakin. Ayys. Baka matunaw na ko pag tinitigan niya ko. Waaaa!

Teka, magpapalit? At bakit? DATEEEE! WAAAAA!

"Yung maayos ah. Yung hindi kita yung kaluluwa mo. Bwuahahhaha" sabi niya sabay tingin sakin. Shet!

Naka short nga pala ako tapos naka sando lang! Hayy. Tapos... ugh! Ang manyak niya! Di ko na siya crush.
Asan na ba kasi si Gino? Minamanyak na pala ako nitong kaibigan niya kanina pa. Hayy.

"Ginnnnyyy!" Sigaw ni Gino mula sa taas. Hay. Ano na namang problema mo?

"Oh bakit?" Sabi ko sabay pasok dun sa kwarto ko. Anong ginagawa ni Gino dito!?

"Sinabi ba ni Tita na mag ayos ka ng bahay? Mukhang hindi ah. Oh, hindi ka lang talaga nag ayos? Hayss. Ayusin mo nga yang kama mo tsaka manamit ka ng maayos nandyan yung kaibigan ko, ganyan itusra mo." Ang bossy ah

"Sorry ah. Akala ko kasi ikaw lang yung dadating. Hayy."

"May problema ba?" Ayy! Si shander. pangit na pangit naman tss. Teka, pano siya nakapunta dito?

"Pano ka nakapunta dito!? Shoo! Aliss!" Inis kong sabi. Hays. Ang manyak niya guys

"May hagdan kaya. Tanga mo!" Sigaw niya pang sabi. Na tanga pa, inirapan ko na lang siya at tumalikod lang ako sakanya at kumuha ng maayos na damit at pumunta na ko sa cr. Hayss. Si Gino? Ayun, umalis na. Parinig ko na nagsara na yung pinto kahit na nasa cr ako hahaha

Oh ayan! Mukha pa rin akong piggy, ano ba yan. Wala namang pinagbago eh. Hahahha.

Lumabas ako sa cr at nakita ko na ayos na yung kama ko. Ang bait ni Gino talaga. Kahit kelan. Kaya loves ko yung pinsan ko na yun eh! Ahhahaha

"Ang tagal mo sa cr. Oh ayan, tapos na. Uso mag imis ah, baboy ka pa naman.You're welcome." Sabi ni Xander sabay alis. Siya yung nag ayos ng kama ko!? Ba't naman niya yun ginawa? Mukha ba talaga akong pig? Hays. Nag welcome pa siya akala niya naman magtthank you ako. Asa ka!

Nagpasya na kong bumaba para tingin sila. Pero si Xander, nanunuod pa rin. Si Gino, nasa kitchen. Kaya tumabi na lang ako kay Xander at nanuod na rin. Hindi siya nagsasalita at mukhang masaya siya habang nanunuod. Ako naman, eto nanunuod lang. Basketball yung pinapanuod namin. May nakakatawa ba dun? Mukhang wala naman ah.

"Alam mo,Chandria... maganda ka sana eh... kaso hindi."

First, Last And OnlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon