Carmina's POV
Lahat kami, naghihintay ng sagot ni Lucas. Kung napapansin niyo, hindi ako nagsasalita diba? Haha ganun talaga eh, wala naman akong sasabihin kasi nasabi na nila. Hahaha
"Uy, Lucas! Ano na? Bakit nagkaroon ng amnesia si bes?" Tanong ni Chands
"Mabait si Samantha. Hindi siya mahirap mahalin. Lahat ng taong nakapaligid sakanya, mahal na mahal siya. Kasi... lagi siyang tumutulong.. kahit na.. hindi mo kailangan ng tulong. Lahat binibigay niya, lahat ng makakaya niya. Madami siyang pangarap sa buhay.. halos lahat nga ng mga gagawin alam niya.. o gusto niyang malaman.. pero isa lang talaga yung pangarap niya... gusto niyang maging artista.. tapos.. sa huli.. sabi niya.. gusto niyang patunayan na... magiging proud yung 1st boyfriend niya. Gusto niyang... sabihin ng boyfriend niya na siya yung girlfriend niya tapos ipagmamalaki niya daw siya. Yun lang naman yung gusto niya eh. Pero... hindi nangyari ang lahat ng yun.."
"HA!? ANONG IBIG MONG SABIHIN!? NILOKO SI SAMANTHA NG BOYFRIEND NIYA!?" Tanong ni Alliah
"Hindi siya niloko nung boyfriend niya. Iniwan siya." Paliwanag ni Lucas. Ano? Iniwan? Huh? Ano daw?
"Ano? Paano?" Tanong ni Chands
"Nakita ko si Samantha, kasama yung boyfriend niya sa bahay ata nung lalaki. Tapos yung boyfriend niya may hawak hawak na bag tapos may maleta, aalis siya nun. Tapos si Samantha, iyak na siya ng iyak nun pero wala akong magawa.. wala naman akong karapatan para pigilan siya nun sa boyfriend niya. Kasi, kaibigan lang naman ako eh. Tapos nung dumating na yung kotse nung lalaki, kinuha nung driver yung mga gamit niya tapos nilampasan niya lang si Sam nun. Tapos.. sinundan siya ni Samantha nun, marunong na siyang mag drive nun pero may driver dun sa kotse niya, tapos inutusan niya ata yung driver niya na bumili o kung ano man.. tapos nakita ko na lang siya na naiyak habang pumasok siya sa loob ng kotse tapos tumawag sakin si Tita Cyrene.... sabi niya nasa ospital na daw si Samantha."
"Ibig sabihin... 1st year high school pa lang si Samantha marunong na siyang magdrive!? May license na agad siya!? Grabe ha. Niloloko mo na ata--" sabi ni Alliah
"Wala siyang lisensya nun tsaka tinuruan lang siya ng papa niyang magdrive kasi laging busy yung parents niya. Kaya kung gusto niyang pumunta sa hotel niya, hindi niya na kailangang magpadrive tsaka gusto ng papa niya na marunong na siyang magdrive tapos medyo malapit lapit lang naman yung hotel nila sa bahay nila."
"Ah. Ok. Eh anong itatawag natin kay Samantha? Cyrrah? Irene?" Tanong ni Alliah
"Andami niyang pangalan ha! Hahaha" Sabi naman ni Chands
"Irene na lang kaya?" Sabi ni Luke.
"Park na lang kaya? HAHAHA Charinggg ahmmm. Ewan ko. Andami" sabi ni Alliah
"Ano ba talaga?" Sabi ko at nagtinginan silang lahat sakin.
"Woahhh. Nagsalita si Carminaaaa! Magdiwangggg!" Sigaw ni Alliah
"Wag nga kayong maingay. Tulog si Samantha tapos ang ingay ingay niyo" sabi ni Xander
"Oo nga naman" sang ayon ni Chands
"Ayieeeee. Ang dalwang ari tsk tsk" panloloko ni Alliah
"Oh siya, ano ngang itatawag natin kay Samantha?" Tanong ko ulit
"Irene sakin. Bahala kayo." Sabi ni Luke sabay alis sa upuan.
"Teka, Luke! San ka pupunta?" Tanong ni Chandria
"Sa.. ano.. ahmm.. sa.. Dairy Queen?"
"Sama kamiii!" Sabay naming tatlong sabi hayss basta ice cream, nakakahawa kasi si Samantha eh hahaha
BINABASA MO ANG
First, Last And Only
Teen FictionSi Samantha Robles ay unti-unti ng nahuhulog kay Lucas Buenavista ngunit hindi niya alam na matagal niya na pala itong minamahal. Will her first love will be the last?