28

24 11 0
                                    

Cymon's POV

Nakita ko si Kuya na nakatulala dun sa may upuan na malapit kay Samantha. Tapos parang kinakausap niya si Sam, eh tulog naman. Tanga talaga neto. Haha

"Hoy! Kuya! Wag mo ngang abalahin yang si Sam! Pag yan nagising... susumbong kita kay Jeremy. AHAHAHA"

"Ano bang sinasabi mo kay Sam ah? Wag mo ngang bulungan yan! Buhay pa yan noh!" Sabi ko pa din pero di pa rin siya nagsasalita. Si Alliah naman, nakahiga lang dun sa may sofa habang nagwwattpad pero bigla siyang napatayo. Teka,nakatayo na ba to? Ba't ang liit? Hahahaha joke lang baka mahampas ako nito. Haha

"Cy, may nagchat sayo oh." Lapit sakin ni Liah sabay bigay ng phone sakin. Binasa ko yung chat..

Lucas Buenavista

Bro, punta ka dito sa bahay. Isama mo si Niko ah? May paguusapan lang tayo.

Hmm? Ano namang pag uusapan namin? Loko talaga tong si Luke  chinat ko siya at sinabing

Ha? Ano namang pag uusapan? Nasa ospital kami tsaka hindi pwede, kasama ko si Alliah eh. Kung gusto mo, ikaw na lang yung pumunta dito. Nandito lang kami  sa Gangnam Hospital.

Lucas Buenavista

Ha? Bakit ka nasa ospital? May nangyari ba?

Putangina! Hindi alam ni Luke na nasa ospital si Samantha!? Anong katangahan to! Putek na yan.

"Liahh!"

"Oh bakit?"

"Hindi mo sinabi kay Luke na nasa ospital si Samantha? Bakit?"

"Ha? Ahmm. Oo nga noh? Teka n-nasabi mo na ba?"

"Eto pa lang. Hayyy. Mag ttwo weeks na si Sam dito tapos.. teka, sabihin mo na dun sa nurse na ilagay sa book na si Luke ay pedeng pumunta dito sa room. Bantayan mo na rin siya sa labas para masamahan mo papunta dito."

Chinat ko na si Luke pero hindi na siya nagreply. Siguro nga, nagddrive na siya. Ang tanga ko rin talaga. Hindi ko man lang naalala si Luke. Tsk.

*knock knock*

Si Luke na ata to. Ang bilis ah?

"Bukas."

"Jeremy? Oh? Napa bisita ka ata?" Si Jeremy na mahal na mahal si Samantha, naalala ko. Pero si Samantha na mahal na mahal-- basta. Pero ang shunga ko talaga, nakalimutan ko si Luke na sabihan. Btw, close na nga pala kami ni Luke ng dahil kay Alliah. Kasi nung hindi pa kami masyado ka close ni Alliah, si Luke daw yung nag aadvice sa kanya. Kaya ayun

"Bawal bumisita? Ganon? Teka, ano daw sabi ng doctor kay Sam? Kailan daw siya makaka alis dito? Anong oras siya iinom ng gamot? Nagising na ba siya?"

"Alam mo, andami mong tanong. Mamaya ko na sasabihin pag kompleto na tayo. Ok?"

*knock knock*

Napatayo si Kuya sa may tabi nung hinihigaan ni Samantha at parang pinupununasan yung mata niya. Bwuahhahahaha si kuya umiiyak? Bago ata yun. Hahaha

Pumasok si Luke ng pintuan at napatigil. Nakatingin siya ngayon kay Samantha.

Luke's POV

Bakit hindi man lang nila sinabi sakin? Na nasa ospital si Samantha? Nakita ko na siya ngayon. Maraming mga nakatusok sa kamay niya na parang wala ng katapusan na lalagyan. Pero bakit ganun yung nararamdaman ko? Parang, ang sakit. Ano bang nangyari!?

"Bakit hindi mo sinabi sakin!? Ha!?" Lumapit ako kay Cymon at tinaas ko ang kwelyo ng damit niya. Hindi ko mapigilan ang maiyak. Hindi ko alam kung bakit pero sobrang sakit para sakin ng nakikita si Samantha na ganito.

"Ano ba Luke!? Tama na! Bakit kung sasabihin ko sayo, may pake alam ka ba? Ha? Alam ko na kung bakit nung mga nakaraang buwan, kung bakit lagi kayong magkasama ni Sam! Ano bang nangyayari sayo, Luke?! Hindi katulong si Samantha! Tigilan mo na nga siya, tapos ngayon nagpaparamdam ka na parang kilalang kilala mo siya?" Agwat sakin ni Alliah. Ganun na ba ko ka tanga? Hindi ko ginagawang katulong si Sam!

"Ha!? Anong pinagsasabi mo, Alliah?"

"Alam ko na lahat, Luke. Hindi ka ba naaawa kay Samantha? Andami niya ng problema pero ang galing niya rin noh? Kasi pati ikaw! Naasikaso niya. Mas lalo mong pinapagulo eh! Hindi ko alam kung bakit kailangan mong gawin yun kay Samantha. 2 weeks na siyang nandito, 2 weeks na kaming bumibisita dito. Hindi mo pa rin napapansin!? Ang tanga mo! Anong ibig sabihin nun? Tatawagan mo lang siya na pumunta sa bahay niyo para mag alaga ng bata!? Paano yung mga homeworks niya? Naisip mo ba yun, ha? Isa pa sa lahat,Luke, nagka amnesia si Samantha at hanggang ngayon.. wala kaming lahat magawa. Hindi ka ba naaawa sa kanya? Hindi ka man lang ba magpapasalamat? Tapos dadating ka dito, galit na galit ka? Tapos sasabihin mo na bakit hindi namin sinabi!? Magisip ka nga, Luke! Isipin mo lang ang sakripisyo ni Samantha ng para lang sayo!" Umalis silang lahat at sinundan si Alliah. Hindi ko alam ang gagawin ko. Bakit ganun? Ang tanga ko.

Lumapit ako kay Samantha. Hinawakan ko yung kamay niya at pinagmasdan yung mukha niya.

Mabait si Sam. Madali lang siyang mahalin pero hindi ko alam sa sarili ko kung bakit hindi na lang siya yung nagustuhan ko. Inisip ko lahat lahat. Lahat lahat ng mga ginawa ni Samantha para mapasaya niya si Ziah at para na rin sakin. Mahalaga sakin si Samantha. Pero.. mahal ko na ba siya?

"Samantha, patawadin mo ko. Oo, matagal na kong tanga. Kaya ayun, sana paggising mo diyan, mapatawad mo ko. Mahalaga ka sakin, Sam. Hindi ko alam.. pero.. ang tanga ko talaga eh, hindi man lang kita naisip nun. Alam ko na, madami ka ng nagawa para maging masaya si Ziah. Salamat Samantha.."

First, Last And OnlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon